Chapter 63 - Leave it there

70 2 0
                                    

Chapter 63 - Leave it there

[Jessica's POV]

Dahan-dahan kong inilabas 'yong papel sa loob.

Ano 'to? Record?

Wait.

Ugh.

Nanlaki 'yong mga mata ko at halos hindi ako makagalaw.

Hindi.

Imposible.

"R-rape?"

"Ako 'yong nagtago niyan kasi.. ayaw niyang makita."

Halos malukot ko na 'yong papel dahil napahigpit 'yong hawak ko.

Ugh--hindi 'to totoo. Napailing na lang ako.

"Hindi. Imposible. Hindi kayang.. hindi niya.."

"Nangyari 'yan no'ng summer bago mag-first year college. Magkakilala na kami no'n ni Tristan dahil nagtitraining na kami para sa Rockheights."

"Ugh--hindi kayang gawin ni Tristan 'to, hindi ako naniniwala."

"May babaeng may gusto sa kaniya. No'n pala, may boyfriend na pulis na mas matanda sa kaniya. Eh no'ng mga panahong 'yon, may pagka-siga si Tristan eh. Nakaaway niya. Lalong lumala 'yong galit niya kay Tristan, no'ng nangyari 'yan. 16 pa lang si Tristan no'n kaya hindi siya pwedeng ikulong. Kukunin dapat siya ng DSWD pero.. dinaan ng Daddy niya lahat sa pera. Pinatahimik niya din 'yong pamilya no'ng dalawa. Ayaw niyang masira 'yong future ni Tristan. Pero dahil do'n, nasira naman 'yong relationship nilang mag-ama."

Hindi ko alam kung bakit naluluha ako. Pilit kong pinipigilang pumatak 'yong mga luha ko.

"Hindi ako naniniwala."

"Pero.. no'ng mga panahong nagkakagulo dahil diyan, nando'n ako."

"Hindi. Hindi niya--hindi niya kayang gawin 'to. Ugh."

Akala ko.. simpleng kwento lang na walang nakakabigla pero.. hindi ko inaasahan na ganito pala.

"Ngayon ba.. pagkatapos mong malaman 'yan, hindi pa rin nagbabago 'yong tingin mo sa kaniya?"

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot.

"Kailangan ni Tristan ng iintindi sa kaniya. Kailangan ng taong tatanggap sa kaniya dahil pakiramdam niya, tinalikuran na siya ng lahat. Sana, kahit nalaman mo na 'to, hindi ka magbago. Hindi ko naman talaga dapat sasabihin sa kahit na sino eh. Kaso sabi mo, gusto mo."

The whole time, nakatitig lang ako d'n sa papel. Hindi ako makapaniwala. Hindi 'to totoo, diba? Hindi gano'ng klaseng tao si Tristan.. diba?

Ibinalik ko na sa loob ng envelop 'yong papel at inilapag sa lamesa. Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Arden.

"Nangyari ba talaga 'to? Sabihin mo sakin na nagsisinungaling ka lang kasi imposibleng magawa niya 'to."

"Nagsasabi ako ng totoo. Bakit naman ako magsisinungaling tungkol sa bagay na 'yan?"

"Ugh." Tuluyan na akong naluha na pinunasan ko naman kaagad. "Ah.. gabi na rin. Kailangan ko nang umuwi baka hinahanap na ko samin. Salamat." Tumayo na ko.

"Ayos ka lang?"

"Hm."

"Hatid na kita."

"Hindi na. Magta-taxi na lang ako, salamat."

Ayoko nang may marinig pa.

On the way home, nakatulala ako.

Ang gulo-gulo ng isip ko.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon