Chapter 81 - No way out

79 3 0
                                    

Chapter 81 - No way out

[Jessica's POV]

Kinabukasan, nagising ako nangmaramdaman kong may naglalaro ng buhok ko. I looked at him and he smiled. Buo na yata araw ko.

"Good morning." Sabay pa naminh sabi and we laughed.

"May lakad ka ba ngayong araw?" Tanong ko.

"May training ako mamayang hapon pero pwede naman akong umabsent kung gusto mong may puntahan tayo."

"'Wag! Ano ka ba, ayokong dahil lang sakin umabsent ka sa training niyo. Pwede naman sa araw na wala kayong training eh."

"Pero na-miss kita kaya mas uunahin kita 'no."

Umupo kami at inayos niya 'yong buhok ko.

"Okay lang. I insist, aabsent ako para magkasama tayo ngayon." He smiled.

"Ugh. Bahala ka. Pero.. may isang tao pa kasi akong kailangang puntahan."

"Sino?"

"Si Gelo."

"Si Gelo? Bakit?"

"Syempre, kailangan niya ring malaman 'yong totoo. Hindi naman pwedeng hayaan ko na lang siya diba?"

Tumango siya.

"Saka, ngayon nga pala ko lilipat do'n sa condo."

"Hm. Sasamahan kita."

I smiled.

"Tara na. Magluto na tayo ng almusal."

"Hm."

Nagkukulitan kami habang nagpi-prepare ng almusal.

"Nasabi ko na ba sayo kung ga'no kita na-miss?" Tanong ko.

"Nasabi ko na ba sayo kung ga'no kita na-miss?" Inulit lang niya 'yong tanong ko and he smiled. "Kahit hindi mo sabihin, alam ko 'yon. Gano'n din naman ako sayo."

Pumunta ko sa likod niya and I hugged him from his back. He looked at me and we smiled.

"Ano 'yong nalaman kong.. nakipag-blind date ka daw?"

"Huh?"

"Sabi ni Thea."

"Eh kasi nga, I'm trying to help myself to move on dahil nga akala ko--eh wala din namang nagawa 'yon."

"Tsch. Sino ba 'yon ha?"

Natawa siya.

"You know, kahit sa pangalan niya, ikaw 'yong naalala ko kaya imposible yata talagang makalimutan kita kung sa lahat ng bagay ikaw 'yong naiisip ko."

"Bakit, ano bang pangalan niya?"

"Jessa."

"Ugh. Ibig sabihin lang no'n, para sakin ka talaga and you shouldn't try to meet other girls."

He laughed at sinubsob ko sa likod niya 'yong mukha ko,

"Hmm. Ang bango-bango naman ng baby ko." Sabay kagat sa kaniya at napa-iwas naman siya. Haha!

"Khate--"

Tinusok-tusok ko naman 'yong bewang niya.

"Khate, stop--hahaha! Nagluluto ako, ano ba. Hahaha--Hey!"

After naming mag-almusal, sinamahan naman niya ko na lumipat sa condo unit. Kasama ko si Daddy at nag-explain din siya kay Tristan. Nagkukwantuhan sila sa balcony habang inaayos ko 'yong ibang gamit.

Minsan nakikita kong tina-tap ni Daddy si Tristan sa balikat tapos ngingiti sila. Ayoko nang mangialam at hinayaan ko na lang silang mag-usap.

Kaya lang na-curious ako kaya lumapit ako at nakinig. Hehe.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon