Chapter 5 - Friend lang, walang girl

87 2 1
                                    

Chapter 5 - Friend lang, walang girl

[Jessica's POV]

Anong good luck?

Tatanungin ko pa dapat siya pero umalis na siya. Saka gusto ko sanang makipagkwentuhan tungkol sa mga nangyari noon. Bakit nakipaghiwalay si Tristan? Pero di kami close kaya next time na lang.

Kahit na mag-isa lang akong naglalakad eh pinagtitinginan at pinagbubulungan pa din ako.

"Ang swerte niya. Ano kayang feeling na boyfriend mo 'yong ultimate crush mo? Hay."

Napangiti ako. Masaya! Naku sinasabi ko sayo! Kahit kunwarian lang, grabe 'yong feeling! Di ko maexplain eh.

Pero biglang may dumaang grupo ng mga babae na binangga ako na muntik ko nang ikatumba. Wth? Hay masasanay din ako na may mga ganitong eksena.

Bumalik na ko sa classroom at nakibalita kaagad si Thea. Tuwang tuwa naman siya nang malaman niyang manonood kami ng training nila mamaya at mapapakilala na siya kay Caleb.

"Naghahanap din kaya siya ng pretend-girlfriend?" Biro niya sabay tawa.

"Thea, alam mo hindi naman pala siya suplado or mayabang or masungit gaya ng sinasabi ng haters niya." Oo, may haters din siya na nayayabangan sa kaniya.

"Nasabi mo agad 'yan na first time niyo pa lang naman nag-usap ng gano'n?"

"Oo! Kasi kung kausapin niya ko, casual lang, parang friends na kami agad. Alam mo 'yon, ang gaan lang ng atmosphere na pinipilit niyang hindi maging awkward. Basta, sa tingin ko mabait talaga siya. Kasi sabi niya pinipilit niyang hindi ipakita sa mga fans na naiinis siya kasi baka wala na daw magcheer sa kaniya."

"Hm. Siguro nga. Maraming nagsasabing mayabang siya pero sa tingin ko sinasabi lang nila 'yon dahil naiinggit sila."

"Exactly. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikilala ko siya, nakakausap ko na siya. Hay Thea hindi pa din ako makapaniwala."

Nakangiti lang siya.

"Kanina nga pala no'ng nagCR ako, nakausap ko 'yong ex pretend-girlfriend ni Tristan."

"You mean.. 'yong last relationship niya is pretend lang din?"

"Sabi niya. Tapos sabi niya sakin, good luck."

"Good luck? Saan?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan. Umalis na siya agad kaya di ko na natanong."

After class nga eh nagpunta na kami sa gym. Nakasara kaya sumilip ako at hinanap si Tristan. Nang makita ko siya, kinawayan ko at lumapit naman siya para buksan.

"Pasok." I smiled.

"Dito na muna kayo."

"Hm." Sabi namin ng nakangiti. Naupo kami doon sa bleachers at pinanood lang sila.

"Ohmygod, Caleb." Bulong niya. Siguro pinipigilan niya ding tumili dahil baka mapagalitan kami ng coach nila. Di pa naman sila nag-uumpisa.

"Khate!" Sigaw ni Tristan na ikinagulat ko dahil busy akong titigan siya.

"Ah.. b-bakit?"

"Come here."

A..no daw? Ako? Hala, nakakahiya! Tumayo ako pero sinama ko na din si Thea.

"She's Khate.. my girlfriend." Ohmygodbnabdkbnghtfg!!

"Woah!!" React ng mga team mates niya.

Jusko hindi na 'to kinakaya ng puso ko!

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon