Chapter 16 - One call away

88 1 0
                                    

Chapter 16 - One call away

[Jessica's POV]

Sumunod naman nangialam 'yong mga baliw na fangirls niyang nagbubulungan kanina. Nakasalubong ko sila at isa-isa akong binangga. Huh!

"Feeling naman nito ang ganda-ganda niya."

"Porket boyfriend ni Tristan. Tsch."

"Di sila bagay."

"Boyfriend nga ba talaga?"

I just rolled my eyes. Ito nanaman 'tong mga babaeng 'to na walang magandang magawa sa bansa. Kung makapagsalita akala nila ang gaganda nila! Hipon!

Bumalik na ko sa pwesto namin at nagulat ako dahil may mga babaeng nakapaligid do'n. Hala? Nawala lang ako saglit ah! Aba aba!

Lumapit ako at nakita kong may mga ibinibigay sila kay Tristan at sa iba pang mga players. Nagpapapicture din sila at kinikilig-kilig pa dahil nakiki-ride naman sila. Oo, sila. Dahil kasama si Tristan sa mga nakikiride sa trip ng mga babaeng 'to! Nginingitian din niya at aba? Kumindat ba siya?! Ugh!

Well, gano'n naman talaga siya sa mga fans niya eh. Approachable at mabait naman talaga siya pero.. naiinis ako ngayon sa mga 'to! Respeto naman oh? Di ba kayo na-orient na may girlfriend na siya?

Eh oo nga, dahil siya si Tristan Montevista, dapat tanggapin ko na na kadikit na niya ang ganitong mga eksena. Hindi naman ako dapat mainis do'n dahil normal na ngang eksena 'to. Wala nang bago.

Sumingit ako sa kanila.

"Excuse me! Excuse me! Anong meron dito?" Tumingin silang lahat sakin na parang may pinatay akong tao.

Pero saglit lang nila kong tinitigan at bumalik na sa pagkakagulo.

"Hoy! Ano ba?! Tigil nga!" Di nila ko pinapansin! Huh! "Aray! Teka--ah!" Ugh! Iba talaga powers ng mga 'to!

Hanggang sa nakalapit na ko kay Tristan at humarang sa harap niya.

"Wait! 'Wag niyo na muna siyang pagkaguluhan please? Hayaan niyo naman siya na ienjoy 'yong gabing 'to ng tahimik. Hindi ba pwede 'yon? Wala ba siyang karapatang mag-enjoy? Next time niyo na gawin 'yan! Saka, nandito ako oh? Oh? Di niyo ko nakikita? Jessica. Girl--"

"Tsch. Ang epal naman nito."

"Sorry girls, my girlfriend's just like that. Clingy, you know? Ah.. sige. Next time na lang ah? Sa school na lang." Ngumiti siya at pumayag na 'yong mga babae at umalis na. Pero 'yong ibang players, pinagkakaguluhan pa din.

"Okay ka lang ba? Baka mamaya kinalmot ka na ng mga 'yon, ma-rabies ka pa."

"Haha. Thank you."

"Grabe, kahit saan ka talaga magpunta, pagkakaguluhan ka eh 'no? Hay, iba talaga kapag heartthrob."

"Selos ka?" Sabi niya na may kasamang nang-aasar na ngiti.

"H-hindi 'no! Nakakainis lang kasi. Bakit hanggang dito, ganyan sila? Araw-araw ka na nga nilang nakikita sa school tapos.. ayon. Nakakainis."

He smiled. "Okay." Sabi niya. Pero 'yong ngiti niya parang inaasar pa din ako. Totoo naman! Bakit pagseselosan ko mga fan girls mo eh alam ko ang feeling na maging isa sa kanila?

Biglang nag-dim 'yong lights at ang tanging ilaw lang is 'yong spotlight at disco lights.

"Now, it's time for free dance! Slow dance, everyone! Enjoy the rest of the night!" Sabi no'ng MC at nagsimula na ngang tumugtog ng sweet music.

Ayan, magkakalat ang mga couple!

"So, shall we?" Tanong niya at inooffer niya sakin 'yong kamay niya.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon