Chapter 15 - Party!
[Jessica's POV]
At dinama ko na ang moment.
Bonggang feel na feel ng lola niyo ang eksenang 'to! May pa-hangin effect pa!
Kulang na lang, background music.
Pero natigil ang eksena nang biglang magbell. Kainis!
Umayos na kami ng upo tapos inihatid na niya ko sa classroom.
Sa mga sumunod na araw, usap-usapan na din si Thea at Caleb. Pero gaya ng inaasahan ko, wala siyang pakialam at pinapatulan pa niya 'yong mga babaeng nang-aaway sa kaniya!
May mga nagsasabi pa na flirt daw kaming magkaibigan at attention seeker sa pagdikit-dikit namin kina Tristan at Caleb. Si Thea daw eh nakikisabay pa. So nakatikim sila ng sabunot at sampal ni Thea.
Alam niyo naman 'yon!
Lumipas ang mga araw, acquaintance party na! OMG! Ito na! Ito na!
Umaga pa lang, naghahanda na ko at hindi ako mapakali. Pupunta si Tristan dito mamaya para sunduin ako at ipagpaalam kay Tita Almira! Sabay kaming dadating sa venue, di ko ma-imagine ang eksena!
Si Ashley naman, busy din sa pag-aayos. Di ko alam kung sinong ka-date niya mamaya o kung meron ba.
Jusko, sana naman maging maayos ang gabing 'to. Kinakabahan ako dahil si Tristan ang kasama ko. Pressure!
Naka-ilang tawag din ako kay Thea dahil sa kaba ko. Siya din eh kinakabahan para mamaya.
Nag-6PM na at ready na ko. Wow, ang ganda nga talaga nitong napili kong dress. Nakalugay lang ako at naka-big curls. Simple lang din 'yong make-up ko. Ayoko namang ipilit na i-bongga na magmumukha na kong aattend ng coronation night.
Inhale. Exhale.
Good luck! Jessica! Be yourself lang, okay?
"Jessica! May naghahanap sayo, pinapasok ko na. Nando'n sa sala. Naku pagkagwapo!" Sabi ni Manang Fe. OMG Manang, si Tristan 'yon!
Kinabahan nanaman ako kasi haharap na ko sa kaniya. Maayos na ba itsura ko? Hindi ba ko magmumukhang alalay niya? Hay bahala na!
"Ay sige po, bababa na po ako."
Inayos ko ng kaunti 'yong buhok ko at kinuha na 'yong bag ko tapos bumaba na. Pagkarating ko sa living room--jusko, may nalaglag yatang anghel!
Bigla namang pasok ng background music. Hay, wala. Patay na patay talaga ko sa lalaking 'to eh.
Hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon. Lutang pa din ako sa tuwing makakasama ko siya. Niligtas ko siguro ang Pilipinas noon laban sa mga hapon para ibigay sakin ang ganitong pagkakataon ngayon.
Inhale. Exhale.
"Tristan!"
Lumingon siya--oh Jusko, tulungan niyo po ako!
Ngumiti naman ako tapos tumayo siya--Ugh! Di na kaya ng puso ko 'to! Hindi ko ma-explain pero para talaga siyang prince charming sa mga fiction stories eh! Naka-suit siya.
Ngumiti pa! Ano ba naman 'to! Naiiyak ako sa kagwapuhan ng isang 'to!
"Ready?" Tanong niya pero ako, nakangiti lang at nakatitig sa kaniya. Wala eh, kahit sinong makakita sa kaniya ngayon, mapapatulala na lang talaga.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...