Chapter 14 - TrisKhate and CalEa

90 1 0
                                    

Chapter 14 - TrisKhate and CalEa

[Jessica's POV]

Nandito pa din kami sa cafeteria at kinakain namin 'yong cake na dala niya.

"Masarap?" Tanong niya.

"Hm! Sabi mo mahal 'to eh, paano hindi sasarap?"

"Sorry talaga, Khate. Na-ospital ka dahil sakin tapos--"

"Sshh. Okay na nga diba? Okay na. Di na ko galit. Ahh.. konti na lang. Naiinis pa din ako dahil pinilit mong gawin ko 'yon kahit na sinabi kong may allergy ako at di ka naniwala. Pero okay na. Hm?"

He smiled.

"Okay."

"Okay." I smiled back tapos kumain na ulit.

Iniwas ko na 'yong tingin ko kasi lalo akong naiinlove sa kaniya kapag ngumingiti siya ng ganyan. Ang hirap pigilan! Lalo na dahil matagal na kong in love sa kaniya! Eh paano pa ngayon na mas nakikilala ko siya?

Siguro nga, hindi ko pa talaga siya totally kilala. Minsan kasi mabait, minsan masungit, minsan may kasamaan ang ugali (Kagaya ng nangyari kahapon), minsan di ko magets.

Di ko nga alam, kung ang totoong Tristan na nga ba talaga ang kilala ko. May pagkamisteryoso din kasi ang isang 'to eh.

"Oo nga pala Tristan, niyaya ni Caleb si Thea na maging date niya sa party."

"Yeah. I know."

"You already know?"

"Of course, kaibigan ko si Caleb."

"Teka, bakit naman inaya ni Caleb si Thea ha? May gusto ba siya sa bestfriend ko o pinagtitripan niya lang dahil alam niyang may gusto siya sa kaniya?"

"Ewan. Pero sa pagkakakilala ko kay Caleb, he won't ask a girl out or to be his date kung 'di niya trip."

"Trip?"

"I mean.. kung hindi niya gusto. May chance na may gusto nga siya sa kaibigan mo."

"Teka teka! Seryso ka ba diyan? Ayokong paaasahin niya 'yong bestfriend ko!"

"Wait! Di nga ako sure diba? Kung gusto mo, tanungin mo na lang siya."

"Ayoko nga, di naman kami close eh. Ikaw na lang."

"It's weird."

"Eh di sabihin mo, pinapatanong ko. Ay teka--kung okay lang pala sayo. Di naman kita pinipilit."

"Look, you don't have to worry about that. It's their own lives. Just let them do what they want."

"Ano? Hindi naman yata pwede 'yon. Bestfriend ko si Thea at hindi ako papayag na may manakit sa kaniya. Kaya sabihin mo diyan sa kaibigan mo, kung trip niya lang si Thea, itigil na niya at 'wag na niyang paasahin."

Natawa lang siya. Okay? Walang nakakatawa do'n Tristan ah!

Lumabas na kami ng cafeteria no'ng nagbell.

"Sabay ba tayong magla-lunch?"

"Yeah. Dadaanan na lang ulit kita."

"Okay lang ba kung isama natin si Thea?"

"Sure!"

"Ah! Isama mo si Caleb."

"Si Caleb? Haha. Okay. Concern ka talaga ah."

"Oo naman!"

Umakbay siya at ginulo 'yong buhok ko--ay pusang gala! Umakyat yata lahat ng dugo ko papuntang pisngi ko! Ano ba?! Ano ba? Ano ba? Ano ba?! Nakakaloka!

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon