Chapter 83 - True love
[Thea's POV]
Hindi ako mapakali. Nanginginig 'yong buong katawan ko.
Sandali lang.
Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.
"Thea! Thea!"
Wala pa din ako sa sarili nang dumating si Caleb at Arden.
"Anong nangyari? Nasa'n na sila?"
"Okay lang ba ha? Sabihin mong okay lang."
Natataranta din sila.
"H-hindi ko alam! Kanina pa sila nando'n sa loob eh. Hindi ko alam. Kinakabahan ako. Kanina pa ko dasal nang dasal." Diyos ko, 'wag Niyo pong pababayaan si Jessy at Tristan. Sobrang saya po nila na magkasama na ulit sila.
Please, Lord. Gabayan Mo po sila.
Ugh. Umiiyak na din ako dahil hindi ko talaga alam kung anong dapat kong gawin.
Lumapit ako kay Tito Leo na nakaupo at hindi rin mapakali.
"Tito, may update na po ba?"
"Wala pa. Let's pray for their condition."
Naupo ako sa tabi niya.
Diyos ko, 'wag naman po. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya. Lalo na ngayon dahil alam kong ngayong gabi magpopropose si Tristan kay Jessy.
Ang dami na pong dinaanan ng dalawang 'yon. 'Wag Niyo naman pong tapusin agad 'yong kasiyahan nila.
Ilang oras pa kaming naghintay at sa bawat segundo, minuto, at oras na lilipas, hindi talaga napapanatag 'yong loob ko.
This is the first time I saw her that happy. Please, 'wag naman po.
Dumatintbdin si Tita Almira at si Ashley.
Maya-maya pa, lumabas na 'yong doktor and lumapit kami agad.
"Kamusta na po 'yong lagay nila? 'Yong dinala pong mga pasyente.. dahil sa car accident." Tito Leo asked.
Tinignan pa niya kami. Jusko! 'Wag kang magpakaba ng ganyan!
"Kayo po ba ang guardian?"
"Yes."
"Sa loob na tayo mag-usap--"
"Teka lang Doc!!" Pigil ko. "Sabihin mo na dito, ngayon na! Kailangan ko ding marinig, kaibigan ko 'yong dalawang 'yon! Sobrang nag-aalala ko sa bestfriend ko kaya please, sabihin niyo na dito!"
Tinignan niya si Tito Leo.
"Ayos lang Doc. Sabihin mo na lang kung ano'ng lagay nila, please."
"Both of them obtained major injuries from the crash and they're still under observation. Si Tristan, na-damage 'yong liver niya dahil sa nangyari and he also have head injuries as well as fractures from different parts of his body, the same with Jessica. Si Jessica.."
"What? What about her?"
Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig. Kinakabahan ako.
"Na-dislocate 'yong isa sa mga ribs niya na.. tumama sa puso niya."
"Ugh." Ohmygod.
"She needs to have a heart transplant."
What?!
Ohmygod! Nagkatinginan kami.
"You need to look for a heart donor na magma-match sa kaniya as soon as possible. Baka hindi na niya kayanan kapag tumagal pa."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...