Chapter 48 - BQ
[Jessica's POV]
During lunch time, napansin yata ni Tristan na kanina pa masama 'yong tingin ko kay Caleb na nasa kabilang lamesa kasama si Thea na kumakain ng lunch.
"Hey, anong problema?"
I looked at him.
"Niloloko ni Caleb si Thea." Hindi siya sumagot. "Pero hindi ko alam kung pa'no ko sasabibin sa kamiya kasi.. ayaw naman niyang maniwala sakin eh."
"I don't want to be involved. Kung meron man dito na dapat magsabi kay Thea ng tungkol do'n, it's you. But if you need my help, sabihin mo lang."
"Paano nagagawa ni Caleb 'yon? Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung paano nagagawa ng isang tao na lokohin 'yong taong mahal siya."
"Ugh." He laughed. "That's also my question 5 years ago. When my Dad had slept with other girls. Siguro nga, marami din akong babae no'n pero, iba naman 'yong dahilan ko. Hindi ko alam kung ano 'yong mga dahilan nila.
"Alam mo, kaya hindi mo rin masisisi kung bakit, hindi nagtitiwala 'yong ibang babae eh."
"So, what are you planning to do?"
"Eh.. kailangan kong sabihin kay Thea. Kailangan maniwala siya. Kapag hindi naging effective, kokonsensyahin ko na lang si Caleb hanggang sa marealize niya 'yong ginagawa niya at magsisi siya."
He smiled.
"She's so lucky to have you as her bestfriend. Maswerte din siguro 'yong lalaking mamahalin mo."
"Ugh? Baka ang ibig mong sabihin, ang swerte mo." We laughed.
After class. Nagdecide ako na sabihin na kay Thea. Bahala na.
Pagkalabas namin ng classroom, hinila ko siya sa isang gilid.
"Oh bakit?"
"Diba sabi ko sayo kaninang umaga, may sasabihin ako?"
"Oh sige, ano ba 'yon?"
Huminga muna ko ng malalim.
"Diba sinabi ko na sayo no'n na nakita ko si Caleb na may kasamang ibang babae sa bar?"
"Oh?"
"Tapos 'yong.. may kausap siya sa phone do'n sa resthouse?" Nakatingin lang siya sakin. "Tapos kaninang umaga, nakita ko na kasama nanaman niya 'yong babaeng 'yon dito mismo, sa front gate ng Rockheights."
"Ugh. Hahaha! Jessy, ano bang nangyayari sayo? So gusto mong sabihin sakin na may ibang babae si Caleb, na niloloko niya ko?"
"O-oo."
"Ugh. Jessy, ano bang nangyayari sayo? Hindi ko alam kung gaano kalawak 'yang imagination mo o kung gaano ka na ka-paranoid para mag-isip ng mga ganyang klaseng bagay. Jessy, mas kilala ko si Caleb kaysa sa pagkakakilala mo sa kaniya. Hindi niya gagawin sakin 'yon."
"Bakit ba ayaw mong maniwala sakin? Ayoko lang na masaktan ka!"
"Jessy, tama na! Ilang beses mo nang sinabi 'yan eh at ilang beses ko na ding sinabi na hindi niya gagawin sakin 'yon."
"Ugh. Bakit ba mas pinapaniwalaan mo pa 'yong taong kailan mo lang nakilala kaysa sakin na bestfriend mo?"
"Ano bang gusto mong palabasin?! Hindi magagawa sakin ni Caleb 'yang sinasabi mo! Pwede ba Jessica, tumigil ka na nga!" Aalis na dapat siya pero hinawakan ko siya sa braso.
"Thea makinig ka nga muna sakin! Sinasabi mo na kilala mo siya? Sigurado ka bang kilala mo talaga siya?! Maniwala ka sakin! Nagsasabi ako ng totoo! Sa tingin mo ba, gugustuhin ko na mapahamak ka?!"
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...