Chapter 7 - Project

73 3 0
                                    

Chapter 7 - Project

[Jessica's POV]

"Jessy!"

"Aray!" Naglalakad kasi ako sa hallway, kakarating ko lang nang biglang tumatakbong lumapit si Thea at binatukan ako.

"Aattend ka ng acquaintance party?"

"Huh? Ano namang gagawin ko do'n? Alam mo namang hindi ako mahilig do'n eh."

"Ayaw mo ba i-try? 3rd year na tayo, dapat maitry man lang natin 'yon kahit isang beses."

"Ayoko nga. Kung gusto mo, ikaw na lang."

"Pero--"

"Kailan mo ba ko nakitang umattend sa mga ganyang klaseng party?"

"Hindi pa nga eh diba, kaya nga niyayaya kita ngayon. Dali na!"

"No."

"Sige na--"

"Thea! Wala akong isusuot saka paniguradong mabobored lang ako do'n."

Hanggang makarating kami sa classroom eh pinipilit niya pa din ako. Nagpunit na ko ng papel, nilukot at sinubo sa kaniya para manahimik siya. Hay nako, ang kulit. Sinabi nang ayoko eh.

Natahimik lang siya nang dumating na si Mrs. Valdez.

"Okay wait lang, may announcement ako. Quiet! Okay, alam niyo naman sigurong lahat na nalalapit na ang acquaintance party. Anyone of you had attended it before?" Marami ding nagsitaasan ng kamay at kasama kami ni Thea sa mga hindi.

"Good. So, this coming acquaintance party, I am requiring all of you to attend, as a project."

Ano?! Project? Ano namang konek ng acquaintance party sa subject niya? Nakakaloka!

Lahat ay nagreact. 2,000 pesos kasi ang bayad sa acquaintance party na talaga namang bongga.

Nanlaki 'yong mga mata ko at nagkatinginan kami ni Thea na tinaasan lang ako ng dalawang kilay na may kasama pang ngiting aso. Ugh! Sigurado akong pabor siya sa sinabi ni Ma'am. Tsch.

"Oh eh anong gusto niyo? Magpagawa ako ng project na mas mahihirapan kayo? Pinapadali ko na nga buhay niyo eh. At teka ah, hindi pwedeng magbayad lang kayo. Dapat may maipakita kayong picture sakin na nando'n nga kayo." Ugh baka naman mag-attendance pa siya do'n? Lol. "Bawal edited!" Hehe kaharap mo mga multimedia arts students, Ma'am.

"At para maniwala nga ako na umattend kayo, hanapin niyo ko. Dapat makita ko kayo!" Wow! Grabe siya oh!

Paglabas ni Mrs. Valdez, nilapitan agad ako ni Thea at ngumiting abot tenga.

"Oh ano ngayon, Jessy? Pupunta ka na diba? Kung ayaw mong ma-zero sa project. Iih! Jessy! Pupunta tayong acquaintance parteh!" Inalog-alog nanaman niya ko.

"Hay may magagawa pa ba ko?"

"Yes! Excited na ko! Naku hahanap na agad ako ng isusuot! Next week na 'yon eh! Sabay tayo? Tara, mall! Dapat 'yong maganda! 'Yong mamahalin! 'Yong pagtitinginan tayo ng lahat! Alam ko na, alam ko na! Magpa-design na lang kaya tayo? Sa JRose!"

Napailing na lang ako. Ibang klase talaga 'to 'pag naeexcite.

"Ay teka, Jessy. Kaya lang pala diba uso ang ka-date sa acquaintance party?"

"Ka-date?"

"Oo. Karamihan ng pumupunta sa acquaintance party, may date."

"Eh di tayong dalawa."

"Eh! Yayain mo si Tristan!"

"Ano?!"

"Yayain mo siya na maging date mo sa acquaintance party!"

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon