Chapter 49 - Bad day
[Jessica's POV]
Monday morning. Ang aga-aga, kaharap ko si Tristan para sa nagawa kong violation.
Nakayuko lang ako at hindi makatingin sa kaniya.
"Naka-ilang tawag ako, bakit hindi mo man lang nasagot ni isa? Hindi ka pa ba natuto sa mga violations mo no'n? Ito nanaman eh."
"Sorry. Hindi ko kasi napansin."
"Hindi ka man lang nag call back para i-explain kung bakit hindi mo nasagot."
"Eh kasi--"
"Mamaya ka na mag-explain pagkatapos kong ibigay 'yong parusa mo. Sakto, wala kaming training mamayang hapon. Magkita tayo sa gym after class. Pumunta ka, o mas lalong lalaki 'yong parusa mo." Naglakad na siya at iniwan akong nakatayo dito.
"Ah.. Tri--Ugh." Ano nanaman kaya 'to? Hay! Jessica naman kasi eh!
Ang malala pa dito, hindi pa din kami nag-uusap ni Thea hanggang ngayon.
Grabe, lutang na lutang ako ngayon dahil di ko alam kung anong gagawin ko. Wala man lang akong makausap.
Lunch time, sabay nga kaming kumain ni Tristan pero hindi naman niya ko kinakausap. Kapag susubukan kong mag-explain, pipigilan niya ko.
So ang nangyari, wala. Oo, walang nangyari. Ayaw din akong kausapin masyado ni Tristan. Bad mood nanaman ba siya kaya bigla nanaman siyang nagkaganyan?
Nakita ko na magkasabay na nag-lunch si Caleb at Thea. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maniwala siya sakin. Eh mas pinapaniwalaan niya nga 'yang manloloko niyang boyfriend.
Pagkabalik sa classroom, sinubukan ko siyang i-approach pero seen and ignored lang ang nangyari sakin. Hanggang kailan niya ba balak gawin 'to? May gayuma bang pinainom si Caleb dito? Makahingi nga nang magamit ko kay Tristan. Chos!
Hindi ko alam kung paano tatakbo ang mga susunod pang araw nang ganito ang ganap namin. Dahil lang sa isang lalaki, kakalimutan na niya na ako 'yong bestfriend niya na mas kaya siyang intindihin kaysa do'n? Hay.
Hindi ako magso-sorry sa nagawa ko. Ako 'yong tama eh. Sige, pairalin na natin ang pride dito. Pero siya kasi 'yong dapat na makarealize ng mga bagay-bagay.
Nag-check ako ng facebook at nakita kong nag-upload si Gelo ng pictures naming dalawa. Naku, baka makita pa ni Tristan 'to!
After class, naghanda na ko para sa kung ano mang parusa ang ibibigay sakin ni Tristan. Huminga muna ko ng malalim bago pumasok sa gym. Hindi naman siguro gano'n kalala, diba? Hay pero 'pag natrip-an niya, baka kung ano ngang ipagawa niya.
Nakita ko siya na mag-isang naglalaro do'n. Awkward akong ngumiti nang lumingon siya dito. Sinenyasan naman niya ko gamit 'yong daliri niya na lumapit sa kaniya. Naglakad siya papuntang bleachers at sinundan ko naman siya do'n.
Tinignan niya pa ko mula ulo hanggang paa.
"Ano? Handa ka na sa parusa mo?" Tanong niya.
"May magagawa pa ba ko?"
"Oh sige. Hubarin mo 'yang sapatos mo."
"Ano? Bakit?"
"Basta gawin mo na lang!" Masungit niyang sabi. Nagkakaganito ba talaga siya kapag may nava-violate na rule?
Ay teka. Speaking of violation. Hindi ba, naviolate ko 'yong isang rule no'ng nalaman ni Ashley 'yong totoo at pinagkalat niya pa? Pero wala namang pinarusa si Tristan sakin no'n. Ugh, nakalimutan na siguro. Eh parang parusa na din 'yong ginawa sakin ng mga baliw na fans niya eh.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...