Chapter 51 - Reconciliation
[Jessica's POV]
Lumipas ang mga araw na nandito ako sa bahay ni Tristan. Tuwing gabi, ako ang nagluluto ng hapunan dahil pagod siya galing sa training. Sa umaga naman, siya ang laging unang nagigising kaya siya na ang nagluluto ng almusal.
Feeling ko talaga bagong kasal kami--Chos! Haha!
"Totoo bang nagli-live in na kayo ni Tristan?" What the--
Napatigil ako at napatingin sa katabi kong babae dito sa CR na naghuhugas ng kamay.
"Huh?"
"May nakakita daw sa inyong dalawa saka, lagi kayong sabay pumapasok eh."
"Ano? Ha-ha-ha. H-hindi totoo 'yan! Ano.. sinusundo niya lang ako sa bahay. Naku, 'wag maniniwala sa mga nagsasabi no'n."
"Aah." 'Yon lang naman 'yong sinabi niya.
Naku, sino namang nagkalat no'n? Nakakaloka! Hindi naman takaga eh! Parang gano'n, pero hindi! Gosh.
So ayun, may bago nanamang topic ang mga estudyante dito. Nagkalat kasi mga tsismosa eh! Pwe!
"Ah!" Nagulat ako nang may biglang pumatid sakin. Paglingon ko, si Ashley.
"Wow, nakahanap ka pa ng paraan para lumandi, 'no? Pinalayas ka sa bahay at naging advantage pa sayo."
"Ugh. Kasalanan ko pa din ba 'yon?"
"Grabe. May kakaiba ka din talagang tinatago eh 'no? No'ng una natulog siya sa kwarto mo, tapos ngayon naman, do'n ka tumitira sa bahay niya? What else can you do that will surprise me? Baka sa susunod niyan, tumigil ka na sa pag-aaral kasi nabuntis ka na."
Ugh?!
"A-ano?!"
"Grabe pa naman 'yong tiwala sayo ng Dad mo tapos ganyan ka. Nag-take advantage ka na malayo siya at malaki 'yong tiwala niya sayo. Ano kayang gagawin niya, kapag nalaman niya na 'yong pinakamamahal niyang anak, sumama na sa lalaki?"
"Ano kayang gagawin niya, kapag nalaman niya 'yong totoong nangyari?"
"Tinatakot mo ba ko?"
"Bakit? May dapat ka bang ikatakot?"
"Sasabihin mo?
"Pa'no kung magawa ko? Kapag sinabi ko nga kay Dad 'lahat' ng nangyari, mag-impake na kayong dalawa ng Nanay mo."
"Ugh?"
I rolled my eyes at iniwan na siya do'n. Nakakainis lang kasi na lagi na lang siyang may side comment sa lahat ng nangyayari. Kapag nagawa ko talagang sabihin kay Dad lahat, ewan ko lang kung sa'n sila pulutin.
"Ano'ng gusto mong lutuin ko mamaya?" Tanong ko. Sabay kaming kumain ng lunch.
"Hmm.. afritada?"
I smiled at tumango. "Okay."
Natahimik kami at naalala ko 'yong tungkol sa issue na pinag-uusapan naman nila ngayon.
"Ah.. Tristan, narinig mo na ba 'yong pinag-uusapan ng mga estudyante dito ngayon?"
"About us.. living together, right?"
"Totoo naman na magkasama tayo pero.. hindi naman kasi 'yon 'yong tawag do'n.. diba? Hindi lang kasi nila alam 'yong sitwasyon."
"Hanggang ngayon ba, nagpapaapekto ka pa din sa sinasabi ng iba?"
"Hindi naman. Wala naman talaga kong pakialam. Nakakainis lang kasi na bakit tayong dalawa na lang 'yong lagi nilang nakikita."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...