Chapter 23 - Kalmot

61 1 0
                                    

Chapter 23 - Kalmot

[Jessica's POV]

Kinabukasan bago pumasok sa Brennan, ka-video chat ko si Dad on skype.

"Yes Dad!"

"Sigurado kang okay ka lang? Wala kang nararamdamang.. iba? Your health?"

"Dad, okay na ko. No need to worry. Kailan ka ba kasi uuwi?"

"Malapit na. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin at tapusin dito eh. Pero as soon as I finished everything I need to do here, uuwi ako."

"Matagal mo nang sinabi 'yan Dad eh. Hanggang ngayon, hindi ka pa din naman umuuwi."

"I'm sorry anak. You know how busy your Dad is."

"I know." I smiled. "I just.. miss you so much. Mas magiging okay siguro lahat kung nandito ka."

"Bakit? May problema ba?"

Umiling ako.

"Wala. Siguro kasi.. hindi lang talaga kami okay ni Tita Almira at ni Ashley."

"Hanggang ngayon ba, hindi pa rin kayo magkasundo?"

"Ah.. okay naman Dad. No need to worry. Ayos lang. Basta, dalian mo na diyan ah? Umuwi ka na."

"Hm." He smiled.

"Next week na nga pala 'yong death anniversary ni Mommy."

"Yeah. Don't forget to visit her, okay? Baka magtampo 'yon."

"Sakin, hindi. Baka sayo, oo. Eh ang tagal mo na siyang hindi nadadalaw eh."

"Baka siya na 'yong dumalaw sakin." Biro niya and we laughed.

"Kamusta na nga pala kayo no'ng.. sino nga ulit 'yon? Tristan?"

"Ah.. hahaha! Okay naman. Bakit?"

"Kapag pinaiyak ka no'n, isumbong mo agad sakin ah? Lagot sakin 'yon kapag nalaman kong pinaiyak ka."

"Sus. Para naman may magagawa ka, eh ang layo-layo mo nga." He laughed.

"Basta, I know that you know your responsibilities, I know that you know what you need and what you don't need to--"

"Daaad. Alam ko na 'yon. Hindi mo na kailangang ipaalala sakin, everytime na magkakausap tayo. You trust me, right? Kaya opo, susundin ko po lahat, at magpapakabait po ako, okay?" We smiled.

Tumango naman siya.

"I want to meet him when I get home."

"Of course you need to."

"Oh sige na. Mag-ayos ka na, at umalis ka na at baka ma-late ka pa. Sige na."

"Hm. Ingat ka diyan lagi ah? I miss you, Dad. I love you."

"I love you too, Jessica. Ingat ka din diyan palagi. 'Yong mga bilin ko ah?"

"Hm. Bye!"

"Bye!"

Pinatay ko na 'yong laptop at kinuha ko na 'yong bag ko para umalis.

Sobrang miss ko na talaga si Daddy. Hay.

Pagkalabas ko ng kwarto nagulat ako nang makita kong nakatayo sa harap ng pinto si Tita Almira kaya naman nanlaki 'yong mata ko. Muntik na kong tumigil sa paghinga nang makita ko siya eh!

"Nagsumbong ka?" Tanong niya.

"P-po?" Umiling ako. "H-hindi."

"Good." Tinapik niya ko sa balikat. "Sige na."

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon