Chapter 13 - Cake

76 2 0
                                    

Chapter 13 - Cake

[Jessica's POV]

Nagising ako na puting kisame ang unang bumungad sakin. Nasa ospital ako. Teka, paano? Sino?

Nagcollapse ako. Alam ko nang mangyayari 'yon kasi ito din ang nangyari noon. Hinimatay ako noong huling inatake ako ng allergy kong 'to dahil na din sa hirap huminga.

"Jessy!" Ugh. Si Thea.

"Oh ano? Ano nanaman ba kasing ginawa mo ha? Pinairal mo nanaman 'yang katangahan mo! Tignan mo, inabala mo pa ko! Gumastos pa tayo sa pagpapaospital mo!" Wow, ibang klase talaga 'tong si Tita Almira. Inuna pa ang pagsermon sakin. Kasama din niya si Ashley.. at.. nandito din si Tristan. Hindi ko siya tinignan.

"Okay ka na ba, Jessy?" -Thea

"Hm. Sorry po Tita. Kasi.. hindi ko po alam na.. may cayenne pepper 'yong kinain ko kanina."

"Tsch. Sige na! Sabi ng doktor pwede ka na ding lumabas ngayong gabi. Mauna na ko. Bahala na kayo diyan."

"Loser." Habol ni Ashley bago sila lumabas.

"Okay ka na ba talaga Jessy? Naku sobrang nag-alala ko sayo! Ano ba kasing nangyari? Bakit naman kumain ka ng may cayenne pepper? Tignan mo tuloy nangyari sayo! No'ng first year nga na hindi ko sinasadyang napakain ka ng ulam na may ingredient palang gano'n, sobrang nataranta talaga ko kasi hindi ka na makahinga tapos bigla ka na lang nahimatay. Buti naman, okay ka na."

Ngumiti na lang ako.

"Ah.. ano.. bibili lang ako ng.. kape. Dito ka muna Tristan, bantayan mo si Jessy." Hay!

Umalis na siya at naiwan kami dito ni Tristan. Naupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya tinitignan.

"I'm sorry Khate."

"Ano? Masaya ka na? Na ginawa ko 'yong punishment? Na napatunayan ko sayo na may allergy nga ako?"

"Look, I'm really sorry. I know.. I can be mean sometimes. Okay, alam kong kasalanan ko. Hindi ko na dapat pinilit na.. gawin mo pa 'yong punishment."

"Tapos na eh. Nandito na ko sa ospital oh?" Ayokong magalit sa kaniya kasi.. kasi siya si Tristan. Kaya lang kasi.. dahil sa ginawa niya kanina, nainis talaga ko. Oo, siguro may part din naman ako kasi may choice naman ako.

Eh oo, tanga kasi ang lola niyo.

"Sorry, Khate? What should I do para makabawi sa nangyari?"

I looked at him.

"Saan ka may allergy?"

"What? Ah.. haha. Sorry, wala."

"Wala? Ugh. Unfair."

Natawa siya.

"Seryoso, babawi ako. I'm really sorry Khate." Ang daya, hindi ko siya matiis dahil siya si Tristan. Pero sige, magpapanggap ako na galit pa din ako. Magpapabebe pa ng kaunti ang lola niyo.

"Bahala ka. Kasalanan ko din naman kasi. Kasi.. may sinuway akong rule, diba?"

"Yeah. Somehow..."

"Ugh. Ang dami naman kasing pwedeng iparusa.. cayenne pepper pa. Bakit naman 'yon pa?"

"Ah.. ewan? Kasi maanghang?"

Tumahimik na lang ako. Nakakainis talaga. Bakit pakiramdam ko, hindi ko pa talaga siya totally kilala?

Nakakatakot. Kung susuway pa ko ng ibang rule, baka mas malala pa dito ang mangyari.

"Hey, sorry."

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon