EPILOGUE

156 3 0
                                    

EPILOGUE

Nagsimula lahat sa hindi inaasahan.

Isang baliw na fan, ang sinuwerteng mapalapit at makilala ang taong hinahangaan niya.

Isang baliw na fan, na pumirma ng kontrata para maging pretend-girlfriend niya, mapalapit lang sa kaniya.

Isang baliw na fan, na handang gawin lahat para sa kaniya.

Isang baliw na fan, na nabigyan ng pagkakataongmas makilala, at mahalin ng isang Tristan Montevista.

Isang pagkakataong kahit kailan, hindi ko makakalimutan.

'Yong mga ngiti, tawa, at luha.

Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nagsimula ang lahat.

Hinding-hindi ko makakalimutan kung paaning sa iglap, natapos ang lahat.

Baka nga hindi talaga kami ang para sa isa't-isa.

Baka nga hanggang do'n lang talaga.

Siguro, isang parte lang 'yon ng buhay ko na dumaan para pasayahin at turuan ako.

Para turuan akong magmahal nang walang hinihiling na kapalit, na turuan akong mahmahal ng buo.

Pero paano ko pa magagawang mabuhay ng normal, pagkatapos niya kong iwan?

Paano ko magagawang ngumiti ulit nang hindi siya ang una kong naaalala?

Paano ko magagawang tumawa at maging masaya nang wala siya?

Iisipin ko na lang 'yong sinabi niyang sa bawat ngiti ko, nakangiti din siya. Sa bawat luha ko, iiyak din siya.

Siguro nga, wala na siya dito sa tabi ko. Pero habang buhay siyang magiging parte ng pagkatao ko. Lalo na't siya ang dahilan kung bakit nandito pa ko.

Kaya naman pangako, iingatan ko ang pagkakataong binigay mo. Iingatan ko para sayo.

Ikaw pa rin Tristan. Ikaw lang, hinding-hindi 'yon magbabago.

Kahit na dumating 'yong araw, na tumigil na din sa pagtibok 'tong puso mo.

Hanggang sa muli, mahal ko.

____

AUTHOR'S NOTE:

Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagbasa ng YOU'RE HIRED.

I knoooww.

Heartbreaking.

I've always wanted to write a story with a tragic end 'cause I want to try something new. Note that this is an open ending for Jessica. Kayo nang bahala kung ano'ng gusto niyong isipin kung ano'ng nangyari sa kaniya after this. Hehe. Of course, I have my own version.

Sorry sa mga na-disappoint kung paano nag-end ang story nina Jessica at Tristan. I've considered so many things before I write the ending and I come up na mas okay na rin na ganito. I hope it touched everyone's heart and I somehow made you cry? LOL.

Instead of remembering their story as a tragic one, I hope you'll remember how real and deep their love for each other is.

Obviously, wala nang book 2 ang YOU'RE HIRED but I have A LOT of upcoming good stories for you, guys. Mahal ko kayo 'cause you make me feel happy in my world full of darkness. Chos! 

Comment your reactions! 

Add me on facebook for more updates: https://www.facebook.com/angelinekate.demesa

Love, SooRinn

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon