Chapter 21 - Is it too late?
[Jessica's POV]
Hindi ko maexplain 'yong nararamdaman ko eh. Dapat ba kong matuwa dahil sa mga nangyayari o mainis dahil alam kong may chance na umasa ko sa kaniya, na ayokong gawin dahil ayokong masaktan?
"Oh? Hindi mo ba nagustuhan? Hindi ba maganda?"
"Maganda. Sobrang ganda. Kaya nga naiiyak na ko eh. Ugh. Kurutin mo nga ko."
"Ano?"
"Para kasing.. nananaginip lang ako eh."
I heard him laughed at inalalayan na niya ko papuntang pavillion. Inalalayan niya pa ko sa pag-upo.
"Oh ano? I can be this sweet too, right?"
Natawa ko at nagpunas ng luha. tears of joy. Di ako makapaniwala.
"Hm. Parang.. totoo nga eh. Haha."
"Parang totoo?"
"I mean parang.. parang boyfriend nga talaga kita. Grabe, kung sa pretend-girlfriend mo pa lang, ganito ka na, pa'no pa kaya kung sa totoong girlfriend mo na? Ang swerte ng babaeng mamahalin mo."
He smiled.
"You know, I want you to stop thinking that I am perfect 'cause I'm not. I have flaws."
"Kahit na anong klase flaws pa 'yon, matatanggap ko. Para sakin, sa mga mata ko, perfect ka pa din. Ikaw pa din 'yong perfect guy para sakin." I smiled at napangiti din siya.
"Nakakapressure kasi kapag gano'n 'yong tingin sayo ng mga tao eh. Parang dapat ma-meet mo 'yong expectations nila sayo at di mo sila ma-disappoint."
"Ano ka ba? Natanggap ka ng mga fans mo sa kung sino ka. At kung iwan ka man nila dahil lang sa ilang pagkakamali mo, hindi sila tunay na fans. Basta ako, kahit na anong mangyari, ako pa din 'yong superfan mo, at ikaw pa din 'yong superman ko. Alam kong kayang-kaya mong maabot lahat ng pangarap mo. Pangarap mong maging part ng National team diba? Kaya mo 'yan! Ikaw pa. Malaki yata tiwala ko sayo 'no."
"Thanks. I've never met a person as encouraging, sincere and supportive as you."
"Talaga? Weh?"
"Oo nga." Natatawa niyang sagot.
Sinerve na 'yong pagkain--omg steak!
Natahimik tuloy kami habang kumakain. Ang sarap eh! May dessert pa! Nako!
Nakita ko naman na napangiti siya nang makita niya na masyado akong nag-eenjoy sa pagkain.
"Ugh. Sorry. Ang sarap kasi eh."
Natawa siya.
"Ay teka!" Kinuha ko 'yong phone ko. "Picture muna tayo! Tingin ka dito dali! Smile!" OMG. First picture together! Bale 5 shots para sulit. LOL.
Grabe, para akong nasa cloud 9. Ka-date ko si Tristan, dinner date.. candle light.. red rose petals.. Taal volcano.. haaay. My weak heart.
Pagkatapos naming kumain, Umupo kami ng nakaharap sa Taal volcano nang magkatabi.
"Salamat dito, Tristan. Pero hindi mo naman talaga kailangang gawin 'to eh. I mean kasi.. wala namang ibang nakakakita satin dito. Hindi naman natin kailangang magpanggap."
"Sa tingin mo ba nagpapanggap pa din tayo?"
Nanlaki 'yong mga mata ko at napatingin sa kaniya. What the--
"Ano?"
"Ah I mean.. hindi naman pagpapanggap 'yong ginawa ko. I just want to thank you. Totoo 'yon."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...