Chapter 68 - Amusement Park
[Jessica's POV]
"Sige na, buksan mo na." Sabi niya.
Huminga muna ko ng malalim at nagdasal na sana ay wala akong sakit.
Dahan-dahan kong binuksan at inilabas 'yong papel. Tinitigan ko pa ng maigi.
At sa oras na nabasa ko, parang gumuho 'yong mundo ko. Ugh. Hindi.
"Chronic Lymphocytic Leukemia, stage 3."
Kusang tumulo 'yong mga luha ko at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.
Ugh. Hindi pwede.
Nanghihina ako. Hindi 'to totoo. Hindi pwede.
"Katulad ng sakit ng Mommy mo. Leukemia is genetic. I guess you're well aware of that because your grandfather died with the same case. Sana maaga kang nagpa-check up para maagang na-detect. Stage 3 is a risky stage where the cancer cells are already abundant at mahirap nang gamutin, but of course, there are still chances of surviving. Alam ko rin na nakita mo na lahat ng symptoms pero hindi mo lang pinapansin dahil natatakot ka. Enlarged lymph nodes, pagdudugo ng ilong, madalas na pagkahilo, masakit na tiyan due to enlarged spleen, and bruises."
Ang dami niyang sinasabi pero wala akong naiintindihan. Nakatingin lang ako do'n sa papel, umiiyak at hindi nagsasalita.
Baka.. mali? Baka nagkamali lang. Kailangan pa siguro ng second opinion?
Pero.. siya ang pinakamagaling na doktor dito.
Ayoko. Please, hindi pwede.
"Mas maganda kung magpa-admit ka na ngayon para maobserbahan at mabigyan ng proper medications. Tatawagan ko ang Daddy mo para--"
"'Wag." Nagpunas ako ng luha. "H-hindi na po. Ako na pong bahalang magsabi sa kaniya. Kakausapin ko na lang po siya. B-babalik na lang po ako." Nanghihina kong sabi.
"O-okay. If that's what you want. But it's better if you--"
"Ako na pong bahala."
"Ugh. Sige. For now, bibigyan kita ng reseta ng gamot na kailangan mong i-take. Pwede mong bilhin sa hospital pharmacy sa 2nd floor."
Hindi ako sumagot at nagsulat na siya do'n.
Mommy, anong gagawin ko? Ugh.
Hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi pwede.
Lumabas ako ng opisina niya at napasandal sa pintuan habang umiiyak.
Bakit ngayon? Bakit ngayon kung kailan masaya at maayos ang lahat? Bakit kailangang ganito? Hindi pwede!
Pa'no si Tristan? Paano ko sasabihin? Ano'ng gagawin ko?! Ugh.
Nakatayo lang ako at wala sa sariling nakatingin sa kawalan habang abala ang lahat ng tao.
Tumingin ako sa paligid. Naalala ko 'yong araw na dinalaw namin ni Dad si Mommy pero hindi na niya kayang tumayo.
Ugh. Hindi pwede. Hindi pwede!
Naglakad ako palabas ng ospital nang wala sa sarili. Nakakabangga at nababangga ako pero wala akong pakialam.
Paano natatanggap ng isang tao ang isang bagay na mahirap tanggapin? Paano natatanggap ng isang tao na may malala siyang sakit?
Paano ko magagawang tanggapin kung ang una kong nararamdaman ay takot?
Nakita ko kung anong nangyari kay Lolo, lalo na kay Mommy. Nakita ko kung paano siya nahirapan.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...