Chapter 32 - Three red roses

70 1 0
                                    

Chapter 32 - Three red roses

[Jessica's POV]

Ang sakit sa dibdib no'ng mga narinig ko kay Tristan kanina.

Oo, alam ko 'yon. Totoo naman 'yon pero pag nanggaling mismo sa kaniya, bakit ang sakit?

Siguro nga gano'n lang 'yong tingin niya sakin.

Pero diba dapat intindihin ko muna siya? Alamin ko muna 'yong dahilan kung bakit bigla siyang nagkagano'n?

Pero pa'no kung gano'n naman kasi talaga siya? 'Yong Tristan na hindi ko pa nakikita?

Hay hindi ko na alam! Nakakainis kasi eh! Ako, pinagbabawalan niyang lumabas kasama ng ibang lalaki dahil automatic na daw 'yon kung under ako ng kontrata niya. Pero siya, pwedeng makipagkita o lumabas kasama ng ibang babae? Dahil siya si Tristan? Dahil siya 'yong amo ko?

Pa'no kung ang tingin niya lang pala sakin, isang fan girl na desperadong mapalapit sa kaniya? Kaya pinatulan ko 'yong kontrata?

Unti-unti ko na nga sigurong makikilala, kung sino talaga si Tristan Montevista.

May mga babaeng pumasok sa CR kaya napapunas ako ng luha at narinig kong pinag-uusapan eh siguro daw kaya ako umiiyak, is dahil nga do'n sa nangyari. Siguro totoo nga daw talaga 'yong tsismis.

Sa araw ko ngayon dito sa Rockheights, nakarinig ako ng mga fan girls na nadisappoint kay Tristan after nilang malaman 'yong tungkol do'n. May iba naman na kahit na ano o sino pa daw si Tristan, susuportahan pa din nila.

Ako?

Hindi ko alam.

Parang hindi gumagana 'yong utak ko ngayon.

"Okay ka lang?" Tanong ni Thea.

Umiling ako kasi hindi naman talaga.

"Kausapin mo kaya siya?"

"Ano pa bang pag-uusapan namin? Inamin na nga niya na totoo 'yon eh. Narinig mo naman 'yong kwento kanina diba?"

Hindi na din siya nagsalita. No'ng nakasalubong ko si Arden, nagkatinginan pa kami tapos hinila niya ko sa isang gilid.

Hindi ako nagsasalita o nagtanong man lang kung bakit kaya siya na ang nauna.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Hm."

"Bakit mukhang hindi? Ano bang nangyari? Dahil ba do'n sa tsismis?"

"Hindi 'yon tsismis kasi totoo 'yon, diba?"

"Huh?"

"Magkasama ba kayo?"

"Ano?"

"Arden.."

"Hay. Oo. Kasama ko nga siya."

"Oh tignan mo? Totoo nga diba? Saka inamin niya na rin sakin eh. Actually hindi naman talaga 'yon 'yong dahilan kung bakit wala ako sa mood ngayon."

"Bakit?"

"Basta. May mga sinabi pa kasi Tristan kanina eh. Para ngang hindi si Tristan 'yong kausap ko kanina. Ibang-iba siya magsalita."

"Baka kasi, may problema siya? Kaya siya nagkagano'n."

"Sigurado akong kung meron man, alam mo kung ano 'yon, diba? Sasabihin mo ba sakin o--"

"Magagalit 'yon sakin kapag sinabi ko sayo."

"Ugh. Pero kahit na. Kung man 'yong nangyari sa kaniya, hindi naman niya dapat ako pinagsalitaan ng gano'n. Kaya ayoko na muna siyang makita o makausap. Bahala siya."

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon