Chapter 24 - Bullies

64 1 0
                                    

Chapter 24 - Bullies

[Jessica's POV]

The next day, iba ang pakiramdam dahil wala ang Rockheights basketball team.

Tahimik ang mga fangirls. Para ngang umonti sila eh. Di kaya nagpunta do'n 'yong iba para manood?

"Jessy, ako lang ba o.. may kakaiba talaga ngayong araw?"

"Kakaiba talaga. Wala 'yong ingay ng mga fangirls ngayong umaga. Saka.. hindi ko nakikita 'yong gwapong mukha ni Tristan."

"Kayang-kaya naman nilang ipanalo 'yon."

"Oo naman 'no. Gusto mong pumunta?"

"Malayo 'yon dito! Saka, may klase tayo!"

"Joke lang! Tara na nga--"

"Hey hey hey, girls." Oh fak. Nandito nanaman 'tong mga hipon na 'to.

Mukhang sasamatalahin nila ang araw na wala sina Tristan ah!

"Oh ano nanaman 'yon?" -Thea

"Pa'no ba 'yan? Mukhang kahit na pagtripan namin kayo ngayon, walang magtatanggol sa inyo. Kapag naman wala si Tristan at Caleb, wala kayong laban eh."

"Ano?! Hoy ang yabang mo ah! Kung makapagsalita ka akala mo--" -Thea

"Hoy, 'wag mo kong hino-hoy. Gusto mo ba talagang makatikim ha?"

"Eh kung ikaw kaya 'tong patikimin ko diyan--"

"Ugh! Hoy! Thea! Ano ka ba?!" Sinabunutan na niya 'yong isa. Grabe, war freak talaga.

"Thea--ah!" Habang pinipigilan ko siya, may humila at sumabunot naman sakin mula sa likod.

"Akala niyo kung sino kayong magagaling porket malapit kayo sa mga players ha? Ang galing niyo ring umarte na biktima para kaawaan nila eh! Mga user!"

"Hoy tumigil ka na ah! Buburahin ko talaga 'yang mukha mo!" -Thea

"Kung gusto niyong tigilan namin kayo, layuan niyo na sila! Tigilan niyo na pagpapapansin niyo!"

"At sino ka naman sa akala mo para utusan ako ah?! Akala mo ba mapapasunod mo ko?!"

"Thea tumigil ka na! Lagot tayo kapag--"

"WHAT IS HAPPENING HERE?!"

Napatigil kaming lahat nang marinig namin 'yong matinis na boses ni Ma'am Austria. Lagot.

"Ugh. Sabi ko naman kasi sayo eh. Lagot ka, ikaw 'yong nauna." Bulong ko.

"Anong ako?" Inis na sagot ni Thea.

"Nauna kang nanakit."

Ang sunod na eksena? Alam niyo na.

Sa office nanaman ni Ma'am Austria ang bagsak namin. Nandito nanaman ako. Hay!

"Sige. Magpaliwanag kayo. Oh kayong tatlo, mauna kayo."

"Nauna po si Thea. Kinakausap lang naman po namin sila--"

"Hoy anong kinakausap?!" Sigaw ni Thea.

"Oo! Eh anong tawag mo do'n?!"

"Kinakausap mo nga ko pero Ma'am! Pinoprovoke niya ko sa mga pinagsasabi niya eh! Insecure kasi 'tong mga 'to kasi hindi pinapansin--"

"Thea!" Hinampas ko siya sa binti. "Tumigil ka na muna! Hindi ka pa pinagsasalita ni Ma'am." Tumingin ako kay Ma'am Austria. "Sorry po." And then she looked back do'n sa tatlo.

"Aray ah! Bakit mo ko hinampas?"

"Kumalma ka nga muna. Lalo tayong malalagot niyan eh."

"Oh. Continue."

"Kasi po Ma'am, nakasalubong namin 'tong dalawang 'to sa hallway tapos nag-hi kami at kinamusta sila. Tapos ang sabi ni Thea, ayaw niya kami makita tapos bigla na lang akong sinabunutan--"

"Ma'am patigilin mo na nga sa pagsasalita 'to, puro kasinungalingan lang 'yong lumalabas sa bibig eh!" -Thea

"Ma'am hindi naman po 'yon 'yong totoong nangyari eh." Sabi ko.

"Sige nga. Ano ba talagang nangyari?"

"Naglalakad po kaming dalawa ni Jessy, nakasalubong namin sila at nagsimula na silang magsalita ng kung ano. Ang sabi nitong bruhang 'to, wala naman daw kaming laban kung wala sina Tristan at Caleb. Kaya.. nainis ako. Nakakainis kasi 'yong tono niya eh. Pang-asar."

"Eh sinong naunang manakit?"

"Siya po!" Sabay-sabay nilang sabi at turo kay Thea.

"Ah.. ako nga po. Kasi.. sila naman 'yong naunang mag-verbal abuse! Nauna sila! Promise Ma'am!"

"And you, Ms. Del Mundo?"

"Ah.. kasama po ako ni Thea. Nanahimik lang po kami tapos.. sila po talaga 'yong nag-umpisa ng gulo."

Huminga siya ng malalim.

"Bakit ba kasi kayo, na mga baliw na fan girls ng Rockheights basketball team, lagi niyo na lang pinagdidiskitahan 'tong dalawang 'to?"

"Ma'am ako sasagutin ko!" Sabi ni Thea na may kasama pang pagtaas ng kamay. Tinignan siya ni Ma'am Austria. "Inggit. Inggit ang sagot." Sabay sarcastic smile.

"Napapadalas na 'yong ganitong eksena at hindi ko alam kung pa'no ba 'to masosolusyonan. Ang sakit niyo sa ulo. First warning sa inyong dalawa, second offense naman sa inyong tatlo."

"Ma'am bakit kasama kami?!" Reklamo ni Thea.

"Nakipag-away kayo." Ah.. okay? Sige. Sabi ko nga eh.

Lunch time na at galit na galit pa din si Thea. Ibinato niya sa sahig 'yong tinidor na kinagulat no'ng mga estudyante sa kabilang table.

"Hoy. Ano ba? Anong problema mo?"

"Anong problema ko?! Ano pa nga ba?! Sa susunod na makasalubong ko sa labas ng school 'yong mga 'yon naku tutuluyan ko na talaga!"

"Eh bakit ba inis na inis ka diyan? Para naman hindi mo pa alam na once na mapalapit ka sa kahit isa sa mga players ng basketball team, you're in trouble dahil sa mga fan girls na 'yan."

"Eh bakit ikaw? Bakit parang wala lang sayo?"

"Sanay na ko. Eh araw-araw may naririnig akong nagtsitsismisan tungkol sakin. Minsan may bigla na lang maninisod sakin sa hallway, magbabato ng crumpled paper o ng empty plastic bottle. Sanay na ko sa ganyan, kaya hinahayaan ko na lang sila. Kahit ano namang gawin nila, they can't change the fact na, ako 'yong girfriend ni Tristan."

"Eh paano kapag nalaman nila na nagpapanggap lang kayo? Mas lalo kang malalagot."

"Kaya nga kailangan, walang makaalam." Kung matatapos man 'yong kontrata, dapat matapos nang walang nakakaalam ng totoo. Pero syempre, ayokong matapos 'to 'no!

Natapos ang araw at pagkauwi ko sa bahay, tatawagan ko pa lang dapat si Tristan para kamustahin sa game pero siya ang nauna--wow, hindi ako nananaginip diba?

"Tristan! Kamusta? Anong nangyari? Sinong nanalo?"

"Wow, mukhang excited ka talagang magtanong ah."

"Ah.. haha. Sorry. Ano?"

"Of course we won."

"Talaga! Woah! As expected, congrats! Nakauwi ka na ba?"

"Hindi pa. Pauwi pa lang kami."

"Ah. Sige. Ingat. Papasok ka na bukas diba?"

"Oo naman. Ito naman, na-miss ako agad." Napangiti ako. Huhu, Tristan ano ba.

"Ugh. Oo! Bakit? Bawal? Bawal na bang ma-miss ng superfan ang superman niya?"

"I miss you too, superfan." Ano daw? May bumusinang sasakyan sa labas kaya hindi ko naintindihan.

"Huh?"

"Sabi ko, see you tomorrow."

"Ah. Haha. Okay, see you tomorrow." I smiled at binaba ko na at saka nagsimulang tumili at magbato ng unan.

Grabe! Boses pa lang niya, nakakatunaw na. Bakit?!

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon