Chapter 39 - Ah, Hany

64 2 0
                                    

Chapter 39 - Ah, Hany

[Jessica's POV]

Nakangiti agad ako pagkalabas ng room dahil nakita ko na si Tristan. Lumapit ako sa kaniya nang nakangiti pero nawala din 'yong ngiti ko nang may tumawag sa kaniya.

"Tristan!" Lumingon kaming dalawa.

"Honey?"

"Honey?!"

Ano 'to? Bastusan?!

Lumapit siya kay Tristan at yumakap. Niyakap din naman siya ni Tristan at napaatras ako. Aba! Hiyang-hiya naman ako ah!

"Kamusta?" Tanong no'ng babae. Tinignan ko na lang siya mula ulo hanggang paa. Oops, maganda.

"I'm doing fine! Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka man lang nagsabi na bibisita ka?"

"Of course, surprise! I feel like I haven't seen you for a decade. Lalo kang gumagwapo ah!"

Hindi na ko nakatiis kaya nag-clear na ko ng throat. Napalingon naman sila dito.

"Ahh.. who is she?" Tanong niya kay Tristan.

Hinila naman niya ko sa tabi niya.

"She's.. my girlfriend, Khate." Teka lang medyo naguluhan ako do'n sa sinabi niya.

Pinapakilala niya ba ko na girlfriend niya or pinapakilala niya 'tong babaeng 'to sakin na girlfriend niya?

"Oh! Really?! Your girlfriend?! Wow, Hi! Nice to meet you!" Nakipagkamay siya sakin.

"H-hi." Sino ba kasi 'tong babaeng 'to?

"I'm Hany. Not the 'honey' that you think ah! It's H-a-n-y. Hany." She smiled.

"Ah, Hany." 'Yon naman pala.

Natawa siya.

"Sabi ko na nga ba, na-misunderstood mo, madalas mangyari 'yon eh."

"Hmm. I'm Jessica. But Tristan calls me Khate."

"Ah so, you're Jessica Khate?"

"Hm." Tumango ako with a smile.

"Ako lang 'yong pwedeng tumawag sa kaniya ng Khate, so call her Jessica."

"Then why do you introduced her to me as Khate?"

We laughed. In fairness, ang pretty niya!

"Let's eat lunch together para mas makapagkwentuhan tayo."

"Sure!" Um-agree naman si Hany.

Ay syempre hindi naman ako papayag na kumain sila nang sila lang! Dapat kasama ko!

Naupo na ko dahil sumama si Hany na umorder para daw makapili siya. Alam ko naman na 'yong tinda so sinabi ko na lang kay Tristan para mareserve na din 'tong table.

Tinitignan ko lang sila mula dito. Sino ba 'to? Ano ba ni Tristan 'to? Mukhang super close sila ah! Nagkukwentuhan at nagtatawanan pa sila habng nakapila at todo alalay naman 'tong si Tristan. Tsch. Pinagtitinginan tuloy sila!

Habang kumakain kami, wala pa ding tigil sa pagkukwentuhan 'tong dalawa. Dinadamay naman nila ko paminsan-minsan.

"So, ga'no na ba kayo katagal ni Tristan?" Tanong niya.

"Mag-tu-two months na." Sabi ko.

"On friday." Singit naman ni Tristan.

Hala, oo nga 'no? Sa friday na pala 'yon.

Ngumiti na lang ako at tumango. Mukhang wala siyang alam na fake lang kami ni Tristan.

"Ooh. Seryoso na ba 'to this time Tristan? Eh no'ng highschool, iba-ibang babae 'yong kasama mo! Tatlo kada-linggo?"

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon