Chapter 46 - Victory party

61 2 0
                                    

Chapter 46 - Victory party

[Jessica's POV]

Friday morning.

"Wow!" 'Yon na lang ang nasabi namin.

Nasa isang beach kami sa Batangas ngayon para sa victory party ng Rockheights basketball team. Naglalakad kami papunta sa resthouse na tutuluyan namin. By the way, 7AM pa lang. Maaga kaming umalis kanina papunta dito

3 days and 2 nights kami dito at pina-excuse pa kami para sumama.

Ang ganda!

Nakangiti akong naglalakad at nakatingin sa paligid.

"First time din namin dito. Last year sa Bataan kami nag-victory party." Sabi ni Tristan na naglalakad sa tabi ko.

"Hm." Tumango na lang ako dahil busy ako sa pagtingin sa magandang view.

"Hey, nandito na tayo. Baka maligaw ka sa kakatanaw mo diyan sa dagat."

Tumingin ako sa bahay at--what the?! Ang creepy! Parang Rococo style siya at may luma pero magandang staircase bago makarating sa mismong bahay. May mga statues din sa gilid.

"Oh bakit ganyan 'yang reaksyon mo?" Tanong ni Tristan.

"D-dito tayo tutuloy?" Sabi ko.

"Ugh. Para tayong gagawa ng horror movie ah." Sabi naman ni Thea.

"Ang ganda kaya." Singit ni Caleb.

"Ano?!" Sabay naming tanong ni Thea. Nababaliw na ba siya?

"Don't worry, walang multo dito. Ninong namin sa kasal ang may-ari ng resthouse na 'to. Pinagbibili na niya 'to kasi.." Sabi ni Coach Ben.

"Kasi?" Tanong naming apat.

"Kasi nag-migrate na sila sa Australia."

"Aahh." Sabay-sabay naming tugon. Akala ko dahil sa kung ano na eh!

"Oh sige na, pumasok na tayo sa loob."

Napahawak ako sa braso ni Tristan kasi ang creepy talaga. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa bahay na 'to. Huhu.

Tumingin ako sa kaniya at nginitian niya lang ako tapos naglakad na kami papasok kasabay no'ng iba.

Ineexpect ko na mukha siyang haunted house pero.. wow. Ang ganda sa loob! Ang gaganda at mukhang mamahalin 'yong mga gamit! Malayo sa itsura niya sa labas. Pwede nang maging set ng isang mansyon sa isang movie.

"Okay. Lima ang kwarto dito. 'Yong mga lalaki, mag-divide kayo sa dalawang grupo para sa dalawang kwarto. 'Yong mga girlfriends niyo naman, magsasama-sama na sa iisang kwarto dahil anim lang naman kayo. Magluluto na muna kami ng almusal. Sige na, ayusin niyo na 'yong mga gamit niyo bago tayo magbilad sa araw. Don't forget na may mga activities din tayong gagawin, okay?" Sabi ni Coach Ben habang nakapamewang pa.

"Yes Coach!"

"Okay. Go go go!"

Naglakad na kami papunta sa room.

"Jessy." Sabi ni Thea na may kasama pang pagsiko sakin.

"Oh?"

"May dala kang swimsuit?"

"Ano? Ugh--meron pero.. nakakahiyang suotin eh."

"Ano ka ba? Okay lang 'yan! Paniguradong naka-swimsuit din 'yong mga girlfriends nila. Papakabog ka ba?"

"Ugh. Nakakahiya kasi. Puro boys 'yong kasama natin dito eh."

"Eh ano? Kasama mo naman si Tristan eh. Saka, lahat kami naka-swimsuit tapos ikaw, naka-T-shirt at shorts? Pfft."

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon