Chapter 40 - Eavesdropping
[Jessica's POV]
Nakatingin lang ako kay Tristan habang nagtitraining sila.
Marami nga talaga akong hindi alam tungkol sa kaniya. At dahil sa mga nalaman ko, naiintindihan ko kung bakit hindi niya 'yon naikukwento sakin.
Sino namang mag-aakala, na ang isang Tristan Montevista, may gano'ng klaseng pinagdaanan sa nakaraan?
Pero, anong 'incident' naman kaya 'yong sinasabi ni Hany?
"Jessy!" Dumating na si Thea at naupo sa tabi ko.
"Oh? Bakit ang tagal niyo naman?"
"Hay nako, nakipag-away pa ko!"
"Ano? Bakit nanaman?"
"Eh kasi si Trina, ang iksi lang no'ng part na irereport niya tapos sakin, mahaba. Syempre hindi ako pumayag! Kaya nakipagtalo pa ko sa kaniya."
"Tsch. Ito talaga, lahat na lang dinadaan sa taas ng boses."
"Oh ano na palang nangyari?"
"Wala. Nagkikwentuhan lang kami ni Hany tapos tumawag 'yong Mom niya kaya lumabas muna siya para kausapin."
"Ano, okay naman ba siya?"
"Oo. Mabait. Saka, mukha namang magkaibigan lang talaga sila eh. Naitanong ko na sa kaniya 'yong tanong mo."
"Oh anong sabi?"
"May gusto siya no'n kay Tristan pero hanggang do'n lang. May boyfriend na siya ngayon."
"Nagsasabi ba ng totoo?"
"Thea naman!"
"Hay nako Jessy, sa panahon ngayon wala ka nang mapahkakatiwalaan 'no!"
"Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Saka, wala naman akong problema do'n 'no."
"Kung ako sayo, magseselos ako."
"Eh sino ba'ng nagsabing hindi?"
"Ugh! So nagseselos ka nga?"
"Eh kasi nga sobrang close nila! Saka 'yong ngiti ni Tristan no'ng nakita niya si Hany kanina..."
"Alam mo, feeling ko may tinatago sayo 'yang dalawang 'yan."
"Huh? Ano naman?"
"Eh 'yon nga 'yong aalamin natin."
"Pa'no?"
"Hey! Sorry, ang tagal ko ba?" Bumalik na si Hany.
"Ah hindi, okay lang. Si Thea nga pala, bestfriend ko."
"Hi! I'm Hany." Sabi niya.
"Hi." They smiled at naupo na siya.
Nanood lang kami hanggang sa natapos nga sila.
Sa front gate ng Rockheights,
"Ayaw mo talagang sumama?" Tanong ni Tristan.
"Hindi na, okay lang talaga. Kasama ko naman si Thea eh. Sige na, Ingat!"
Tumango na lang si Tristan.
"Sige ah, don't worry, you can trust him with me." Sabi naman ni Hany while smiling.
"Hm."
Sumakay na sila sa kotse ni Tristan at umalis. Kumaway pa ko sa kanila.
"Gusto mo, sundan natin sila?" Sabi ni Thea.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...