Chapter 34 - Fries

52 1 0
                                    

Chapter 34 - Fries

[Jessica's POV]

May nag-asikaso kay Tristan at pinasok na muna siya sa locker room. Sinundan ko na lang siya ng tingin with worried look. 

"Pa'no ba 'yan, injured na 'yong ace player niyo. Mukhang di na namin makakalaro 'yan ah." Sabi ni Gelo. Tinignan ko siya ng masama at nag-peace sign lang siya.

Okay lang siya!

Natapos ang game na Rockheights ang nanalo. Lima ang lamang nila.

Buti naman kahit wala na si Tristan sa ilang minutes no'ng game, nagawa pa din nilang manalo. Well, magagaling naman kasi talaga sila.

Right after the game, tumawid kami ni Thea papuntang kabilang side. Pupunta dapat kami sa locker room pero bawal daw kami do'n. Kahit si coach Ben, hindi kami pinayagan.

"Okay lang po ba si Tristan?"

"Ayos lang siya. Hindi naman gano'n kaseryoso 'yong pilay niya."

"Ugh. Buti naman."

"Sorry ah. Pero hindi kasi kayo pwedeng pumasok sa loob."

"Sige po. Dito na lang po kami. Pakisabi na lang po kay Tristan na hinihintay ko siya dito sa labas." Tumango siya at naglakad na.

Naupo naman kami ni Thea.

"Sa tingin ko nga hindi naman gano'n kaseryoso 'yong injury niya. Naalala mo last year? Napilayan din siya pero nakapaglaro pa din kinabukasan."

"Hm. Sigurado akong okay lang siya pero nag-aalala pa din ako."

"OA naman nito! Hindi naman duguan eh!"

Tinignan ko siya ng masama at sarcastic niya kong nginitian. Ginaya ko naman 'yong ngiti niya at hinampas niya ko sa braso.

"Eh kung si Caleb kaya 'yong mainjure? Syempre mag-aalala ka din 'no!"

"Syempre!"

"Oh tignan mo nga!"

"Jessica!"

Napalingon kami nang tawagin kami ni Gelo. Umupo siya sa tabi ko.

"Nice game." Sabi niya.

"Kailan niyo sila makakalaban?"

"Next saturday pa siguro. Sa Monday may laro kami sa ibang team."

"Hm. Siguraduhin mo lang na kayo talaga ang magkakatapat sa finals."

"Naman!"

"Sigurado akong magiging maganda 'yon 'pag nagkataon!" -Thea

"Okay lang daw ba si Tristan?"

"Sabi ni coach. Pero hindi pa din ako mapapanatag kung hindi ko makikita."

"Minor lang 'yon sa minor. Mukhang hindi naman seryoso."

Naghintay pa kami ng 20 minutes bago sila lumabas. Nakita ko si Tristan at tumakbo agad ako palapit sa kaniya.

Nagulat pa siya sakin.

Tinignan ko siya mula ulo hangang paa. Gwapo talaga eh!

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Ngumiti siya at ginulo 'yong buhok ko.

"Hm. Oh tignan mo." Nag-jumping jack pa siya sa harap ko. "Wala 'yon. Sumakit lang naman. Nothing's serious."

"Weh?"

"Oo nga! Okay lang talaga."

"Sigurado ka ah?"

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon