Chapter 84 - FINAL CHAPTER

118 3 0
                                    

Play the background music para maas feel. :)

Chapter 84 - FINAL CHAPTER

[Jessica's POV]

Isang araw, naiwan akong mag-isa kaya naglakad-lakad ako. Malapit na din daw akong makalabas ng ospital.

Sumilip ako sa glass window sa may hallway na nakikita 'yong garden at 'yong kalsada.

Tristan, bakit hindi mo ko pinupuntahan? Anong nangyari? Nasa'n ka ba? Sobrang miss na kita.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko naman agad--ugh.

"Arden."

He smiled.

"Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. Mukhang.. okay ka na ah."

"Ah.. medyo. Salamat. Teka, kasama mo ba si Tristan?"

"Ha?"

"Si Tristan. Mula kasi no'ng nagising ako hindi niya ko dinalaw eh. Alam mo ba kung nasa'n siya? Bakit hindi niya ko pinupuntahan? O.. tawagan man lang? Galit ba siya sakin?"

"Ugh. Ano ka ba, hindi siya galit sayo. Bakit naman siya magagalit?

"Kung gano'n nasa'n siya? Hindi ako magiging okay hangga't hindi ko siya nakikita."

"Hindi talaga siya makakapunta."

"B-bakit?"

"Kakagaling niya lang rin kasi at nilipat siya ng ospital ng Mommy niya. Doon sa Bohol kung nasa'n 'yong Daddy niya. Ah.. nagkausap ulit 'yong Mommy't Daddy niya dahil sa nangyari. Nagdesisyon silang dalhin muna siya do'n para magpagaling at magpahinga."

"Ano? Ugh.. okay na ba siya ngayon?"

"Hindi ko alam pero.. siguro? Wala rin akong balita sa kaniya eh."

"'Yon lang pala. Bakit ayaw pang sabihin sakin ni Thea?"

"Baka ayaw lang niya na mag-alala ka. Syempre, inaalala niya din 'yong lagay mo."

"Kapag pwede na kong bumiyahe, pupuntahan ko siya. Alam mo naman siguro kung nasa'n siya, diba?"

Ilang segundo bago siya sumagot.

"Hm." I smiled at ngumiti din siya.

"Anyway, what are you doing? Bakit wala kang kasama?"

"'Yon nga eh. Wala akong kasama so I decided to go out and.. walk around. Ang boring do'n sa kwarto eh."

"Eh nandito naman na ko. Samahan na muna kita. Nakita ko nga pala kanina si Gelo at Thea. Pupunta na din siguro 'yon dito."

"Hmm."

"How are you feeling?"

"Ah.. okay naman. Hindi pa fully healed 'yong iba kong sugat pero.. okay naman ako."

"Kailan ka daw madi-discharge?"

"Malapit na daw pero hindi ko sure kung kailan. Gusto ko na ngang lumabas eh. Okay naman na ko."

Dumating nga din si Gelo kasama si Thea at nakapagkwentuhan kami. Kahit papa'no, gumaan 'yong pakiramdam ko sa pakikipagkwentuhan sa kanila.

Hanggang sa dumating na nga 'yong araw na pwede na kong lumabas ng Ospital.

Excited akong nag-aayos dahil sa wakas! Saka magkikita na ulit kami ni Tristan!

Nakaayos na lahat at aalis na lang.

"Thea."

"Hm?"

"Hindi pa ba bumabalik si Tristan dito sa Manila?"

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon