Chapter 55 - Virus
[Jessica's POV]
"Oh sige, seryosong tanong. Mahal mo ba si Jessica?" Ugh? Anak ng tupa! Wait! Dad naman eh!
Napatingin ako kay Tristan at hinawakan naman niya ko sa kamay.
"Opo." Oww emm gee. Aahhsfsvsvb--I'm dead, help!
Hindi ko mapigilang mapangiti. Alam kong nagpapanggap lang siya pero, nakakakilig kasi, ano ba?! Ha-ha-ha! (Sana kasi, totoo na lang. LOL!)
"Ikaw Jessica."
"Po?"
"Mahal mo ba si Tristan?"
"Ugh--ano ba 'yan Dad para mo naman kaming kinakasal niyan eh!" Natatawa kong sabi. Natawa din siya.
"Haha. Ano?"
"O-of course." Alam naman niya 'yon.
"Kung gano'n, sige. Please be happy and.. I know that you guys already know what's right and wrong. Nice meeting you, Tristan. We can talk later about anything para mas makilala kita. For now, iwan ko na muna kayo dahil marami pa kong aasikasuhin."
"Yes Dad." I smiled.
"Sige po." Sabi naman ni Tristan.
Okay guys, pakalmahin niyo ko.
Mga 5 seconds pa bago ako nakapag-salita ulit. Kasi naman eh!
"Ah.. lika, kain na muna tayo. Hehe." Tapos hinila ko na siya at kumuha na kami ng pagkain.
"Oh ano? Sabi ko naman sayo eh, mabait 'yon si Dad, palabiro. Kapag mas nagkausap kayo, sigurado akong magkakasundo din kayo." Sabi ko habang kumakain kami.
"Is it obvious that I'm.. nervous?"
"Haha! Ang cute nga eh."
"Tsch. By the way, this dinner party is bigger that I expected. Akala ko simple lang."
"Ako din naman 'no. Eh 'yan kasing si Dad, kapag naisipan niya, gagawin niya talaga."
"Is he going to stay here for good?"
"Ewan. Pero, sa dami ng kailangan niyang asikasuhun, hindi naman siya nakakapag-stay dito. Umaalis din talaga siya. Sabi nga niya, isasama na niya kami do'n pagkagraduate ko."
"Aalis ka?"
"Ah.. matagal na kasi talaga naming plano 'yon. Na.. doon ako mag-aral ng masters at doctorate tapos.. do'n na kami titira."
"H-how about me? Iiwan mo ko dito?" Napangiti ako kasi, wait. Tatagal ba 'tong pagpapanggap namin hanggang sa makagraduate kami ng college? Hahaha!
"Eh diba, pinapapunta ka din naman do'n ng Mommy mo? Bakit hindi ka na lang din sumama para.."
"How about basketball? Hindi ko 'yon pwedeng iwan."
"Ah.. oo nga pala. Eh... kasi.. uh. Ano ba, matagal pa naman 'yon. Pwede pa namang.. may magbago, diba? Ha-ha."
Kumain na ulit siya. Napansin niya yata na pinaglalaruan ko lang ng kusara 'yong pagkain ko.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin kumakain ng maayos?"
"Huh? Hindi ano.. busog na kasi ako. Kumain na ko kanina eh." Kahit hindi pa naman talaga.
"Baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo eh."
"Saan? Sa.. pagtitig sa pagkain?" Tumawa ko sa sarili kong joke pero siya, walang reaksyon. Corny ba?
Sa kalagitnaan ng dinner party, kaming dalawa na ni Thea 'yong magkasama at kausap naman ni Dad si Tristan habang umiinom sila ng wine.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...