Chapter 61 - Surprise Party

82 2 0
                                    

Chapter 61 - Surprise Party

[Jessica's POV]

Sisimulan na namin ni Thea 'yong pag-aayos.

"Okay ka lang ba? Ang dami niyang lulutuin mo ah!"

"Kaya 'yan."

"Oh sige, ako na munang bahala sa designs. Madali lang naman 'to eh, pagkatapos ko dito, tutulungan na kita diyan."

"Okay. Thank you, Thea."

"Sus wala 'yon!"

Ang dami ko kasing kailangang lutuin. Syempre, di mawawala 'yong chicken adobo na favorite niya at chicken curry na favorite ko.

Nakakapagod pero kaya ko naman saka okay lang, para kay Tristan eh.

4PM na nang matapos ko lahat at nakahinga na kami ni Thea ng maluwag nang makita namin na maayos naming nagawa.

"Wow. Tapos na." Sabi ko.

"Ang ganda!"

Tinawagan ko na si Arden para umuwi na sila at nagfinishing touches naman kami ni Thea. Nag-ayos na din ako at after 30 minutes, dumating na sila.

Nagtago kami ni Thea sa likod ng halaman at natatawa pa kami nang magulat siya sa nakita niya.

"What's this? Who made this?"

"Sino pa sa tingin mo?" Sabi ko pagkalabas ko do'n sa halamanan.

"Khate?! I thought you're--"

"Surprise! Happy birthday!" I said with a wide smile.

"Ugh--how did you.."

I looked at Arden kaya tumingin din siya.

"You planned this?"

I smiled.

"Surprised?"

"Who wouldn't be?" He smiled at ginulo 'yong buhok ko.

"Come here, may ipapakita ako sayo."

Dinala ko siya do'n sa mahabang lamesa kung saan nakalagay 'yong mga pagkain.

"Nagpa-cater ka?"

"What?! Niluto ko 'yan 'no!"

"Ugh? Really?"

"Oo! Of course, with the help of Thea." I smiled.

"You even baked a cake."

"Hindi mo ba nagustuhan?"

"What? Why wouldn't I? First time na.. may nagsurprise sakin ng ganito."

"Syempre, hindi naman pwedeng tayo-tayo lang so.. ininvite ko 'yong teammates mo."

"Ugh?"

Tumango ako with a big smile. Inakbayan naman niya ko.

"Thank you for this. Hindi naman kailangan pero.."

"Pero ginawa ko para sayo. Oh dali na, mag-ayos ka na kasi maya-maya lang, dadating na 'yong mga bisita mo. Dali na."

Hinila ko na siya papasok ng bahay at habang nasa loob siya, nagsidatingan na nga 'yong teammates niya at si Coach Ben.

"Welcome! Pasok kayo!"

"Wow ang swerte naman talaga ni Tristan sayo oh!" Sabi no'ng isa. Sus!

At biglang naging awkward nang dumating si Caleb. Oops.

Nagkatinginan pa sila ni Thea samantalang ako, masama pa din 'yong tingin sa kaniya.

Pagkalagpas niya, I looked at Thea.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon