Chapter 38 - Honey

73 2 0
                                    

Chapter 38 - Honey

[Jessica's POV]

Nagdilim na kaya nagpunta na kami sa kung saan tutugtog 'yong live band. Marami nang tao kaya nakatayo na kami.

Tumitingin-tingin ako sa paligid nang may napansin akong isang pamilyar na babae--aha! Sigurado ako.. si Thea at Caleb!

"Uy Tristan! Si Caleb oh! Kasama si Thea!" Turo ko sa kaniya.

"Oh. Nandito pala 'tong dalawang 'to. Caleb!" Sigaw niya kay naman napalingon silang dalawa. Ngumiti ako at kumaway. Nagulat pa si Thea nang makita ako.

Lumapit naman sila agad dito.

"Wow, pagkatapos ng nangyari kanina, namamasyal kayong dalawa?" Sabi ni Caleb.

Pagkalapit naman sakin ni Thea, ininspeksyon niya agad ako mula ulo hanggang paa.

"Jessy! Okay ka lang ba? May masakit pa ba sayo? Ugh grabe, tignan mo'ng nangyari sayo! Bakit ba kasi hindi ka lumaban? Ayan tuloy!"

Natawa na lang ako.

"Okay na ko."

"Ang dami mo kayang sugat! Oh may mga pasa pa! Ano ba 'yan! Aabangan ko sa labas ng Rockheights 'yong nga 'yon at susunugin ko!"

"Ikaw? May ginawa ba sila sayo? Nasaktan ka ba?"

"Ugh. Hindi! Okay lang ako! Ikaw 'tong mas inaalala ko diyan 'no! Ang dami kasi nila na nakahawak sakin kanina kaya hindi ako nakapalag para tulungan ka. Sorry."

"Tsch. Okay lang!"

"Buti naman at mapaparusahan silang lahat sa ginawa nila sayo. Kulang pa nga 'yon eh! Dapat ipahiya silang lahat sa Rockheights! Isa pa 'yan si Ashley! Lagot talaga sakin 'yan 'pag nakita ko!"

Ngumiti lang ako.

"Sigurado kang okay ka na ah?" Biglang nag-shift from high-pitched to concern tone 'yong boses niya.

"Hm."

Tumango siya, tumingin kay Tristan tapos sakin. And then all of a sudden, bigla siyang ngumiti.

"Oohh. Oo nga pala! 'Yong nangyari kanina na nagpagulat sa'ming lahat!" She smiled creepily. Alam ko na kung anong tinutukoy niya. Anak naman ng--kanina pa kami magkasama ni Tristan pero hindi namin pinag-uusapan 'yon, tapos ibo-brought up mo?! Ugh!

Awkward tuloy akong ngumiti at tumingin sa ibang direksyon. Si Tristan naman, nagclear ng throat.

"Bagay talaga kayo! Nakakainis! Pati ako kinilig do'n sa eksena kanina eh! Parang nasa telenovela! Uy ikaw, Jessy ah! Kinaiinggitan ka na tuloy ngayon lalo ng lahat! Naka-score ka na kay Tristan Montevista! Hahahaha!"

"Ano ba?!" Nahihiya kong sabi. Ang awkward kaya!

Natigil lang siya nang may magsalita sa mic, kaya napatingin kami sa stage. Mukhang mag-uumpisa na.

"Good evening! Salamat sa pagpunta at pakikisaya sa third and last day ng food festival! At dahil last day na nga 'to at next year na ulit, gagawin nating espesyal ang gabing ito! Handa na ba kayo?! Okay! Let's go!"

Nagsimula na silang tumugtog.

Shet. Intro pa lang alam ko na kung ano 'to. Pinapatamaan ba ko nito? Kasi kung oo, wow ha! Nakakaiyak bes.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Hanggang dito na lang ako. Nangagarap na mapasa'yo." Sa linyang 'yon pa lang, nagkatinginan na kami ni Thea. Siniko niya pa ko ng mahina.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon