Chapter 70 - Giving up
[Jessica's POV]
"Oh sige, ano ba'yon? Sabihin mo na."
Tumigil pa ko ng ilang segundo at saka yumuko at nag-unahan na sa pagpatak 'yong mga luha ko.
"Hey.. Khate. What's wrong? Tell me."
Napakagat na lang ako sa labi para pigilan 'yong sakit sa dibdib ko ngayon at 'yong mga luha ko.
"Khate?"
Madiin kong isinara 'yong mga kamay ko at huminga nb malalim. Nagpunas ako ng mga luha bago tumingin sa kaniya.
Pero parang hindi ko kaya. Nakakatitig lang ako sa kaniya nang umiiyak. Pinunasan niya 'yong mga luha ko.
"Don't cry. Sige, tell me."
Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mga mata.
Kailangan kong gawin 'to.
"Maghiwalay na tayo." I'm sorry.. I'm sorry.
"W-what?"
"Tapusin na natin 'yong namamagitan satin, Tristan. Ayoko na."
"No. What are you saying? You can't just.."
"Ayoko na. Pakiramdam ko kasi kailangan kong.. hanapin 'yong sarili ko. Simula kasi no'ng.. nagkakilala tayo, ang daming nagbaho. Parang ang daming nawala. Kasi laging sayo na lang naka-focus lahat. Pa'no naman ako? Kaya.. sige na. Maghiwalay na tayong dalawa--"
"No! Ayoko. Hindi pwede--"
"'Wag mo na kong pahirapan, please! Wala naman na tayo sa ko trata diba, so ibig sabihin pwede na din akong magdesisyon!"
"Khate.. please.. I can't.."
"Ugh. Tristan, sa dami ng ginawa ko para sayo, ito na lang 'yong hihingin kong kapalit. Intindihin mo naman ako! Hindi naman pwedeng lagi na lang ikaw!"
Yumuko siya at lalo akong naiyak. Ugh. Please, kailangan kong gawin 'to, para sayo.
"Gusto mo talagang marinig? Hindi na ko masaya, ayoko na." Ako ang pinakamasaya, kapag kasama kita. "Hindi na kita mahal." Mahal na mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal. Hindi ko kayang makitang nahihirapan ka nang dahil sakin. Kaya mas pinili ko 'to. Na mag-isa akong mahirapan.
"No."
"Tama na Tristan. 'Wag mo na kong pahirapan."
Hinawakan niya ko sa kamay. Ugh--umiiyak siya.
"Please." Sabi niya. Ugh. Naman eh!
Umiling ako habang umiiyak. Hinila ko din 'yong kamay ko pero hinawakan ulit niya.
"How can you say that you'll find yourself? How can I do the same if you're the one who completes me?"
Ugh. Ano ba?!
"You know how much I've changed since I met you. You can't just leave me like this."
"I can."
"Khate. I love you.. please.. don't."
Ugh! Ang sakit! Ang sakit! Ahh!
"Tama na." Hinila ko na 'yong kamay ko at tumalikod at saka umiyak nang umiyak.
"Khate--"
"Stop. 'Wag mo an kong sundan." Naglakad na ko palabas at sumakay sa kotse habang walang tigil sa pag-iyak hanggang sa makarating sa bahay.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...