Kabanata 9
This may be a young love that grown ups would mock, and they may deemed it as shallow...but it felt real to me. It is real to me now.
I wanted it so bad.
However, I think about my mother. I don't want her to be disappointed with me.
Catlyn Lily Acosta: Hindi pa ako pwedeng magboyfriend e.
Nagpaalam na ako na malapit na akong mag-time. Sa linggong iyon, hindi ako nakapag-online araw-araw kasi nagastos ko na ang sobrang pera ko para sa regalo.
Nag-uusap pa rin kami sa sumunod na linggo pero hindi niya nabanggit ulit ang tungkol sa panliligaw.
Graduation na namin sa katapusan ng March. Mas naging abala na rin kami sa pag-aasikaso ng mga requirements para sa admission namin sa high school.
My mom decided to enrol me in Sta. Elena High School (SEHS). It's the top public high school in Marikina if we're not counting Marikina Science High School. Well, Marikina Science High School or MariSci is a different league on its own. Academics wise, they are on top, followed by SEHS. No one can defeat SEHS yet in Marikina when it comes to sports.
There are high league private schools as well but they only offered scholarships to the cream of the crop. Our top 1, Echo, was offered to take a scholarship exam in Ateneo. Our top 2-6 are mostly girls so they take the admissions test in St. Scholastica's College or St. Scho. Zoe is our class' top 3 and Dana is our top 5.
Ang alam ko, hindi nakapasa si Dana pero balak niyang mag-aral sa Roosevelt College Marikina. Gusto ko nga rin sana para magkasama kami. My mom already decided though.
Si Zoe at iba pang nasa top ay nakapasok sa St. Scho pero ang top 2 namin, sa Miriam College siya papasok.
Pareho kaming nakapasa ni Gab sa admission test ng MariSci pero siya lang ang nakapasa sa interview.
Ngayon, unti-unti na naming nararamdaman na magkakahiwalay kami.
Lunch ngayon at inaya ako ni Zoe na kumain sa bahay nila. May tutor kasi kami mamayang alas-tres, iyong program ng SPG. Sobrang lapit lang din talaga ng bahay nila sa school. Kung saan kami nag-aabang ng jeep ni Gab, lalakad ka lang ng konti at liliko ka sa kaliwa papasok sa daang bakal. Lakad lang ng kaunti ay nandoon na ang bahay nila.
Dalawang palapag iyon. Nasa gilid ang pintuan papasok sa kanila.
Bumati ako agad sa Mama niya. Madalas na naman akong narito simula pa nung June kaya hindi na siya naninibago sa akin.
Pinaupo niya kami sa dining table nila na pang-dalawahan lang. Nakalabas ngayon ang washing machine nila dahil naglalaba ngayon si Tita.
Kaya habang kumakain kami, nakikipagkwentuhan siya sa amin.
"Ayan si Zoe parang nagdadalawang isip na tanggapin yung sa St. Scho kasi gusto niyang sumama sa'yo sa Sta. Elena."
Nilingon ko si Zoe. A lightning struck my heart, I smiled to hide the pain. Ilang araw ko na ring iniisip na magkakahiwalay na kami. Zoe felt it too. Nasa Marikina pa rin naman ang St. Scho, magkaibang barangay lang pero iba pa rin sa pakiramdam kahit ganoon.
Sanay kami na laging magkasama araw-araw simula Grade 3. Magkasama tuwing recess at sabay lalabas ng school kapag uwian. Magkatabi kami tuwing may event, magkasama tuwing Christmas party, sabay kumain ng lunch pa-minsan minsan, at magkakasama lagi sa groupings. Mag-iiba na yon kapag highschool na kami. Paano kung hindi na kami maging katulad ngayon? Magkaroon ng sariling kaibigan at tuluyan na naming makalimutan ang isa't isa. Paano kung maging sobrang busy na namin at wala nang oras para magkita o mag-usap man lang?

BINABASA MO ANG
lilies.
Novela JuvenilCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...