Kabanata 4
My first reaction? I really wanted to scream. Kung may cellphone ako at may internet iyon tapos nakahiga ako sa kama ko, siguro nagpagulong-gulong na ako at hindi maitago ang kilig.
The question I have in mind though is why did he call babe? Was it too obvious that I kind of like him? O baka alam niya na crush ko siya nung Kinder? I doubt it. Wala naman akong sinabihan no'n.
Eh...ang alam nga ng lahat, crush ko si Elias? Imposibleng malaman niya. Isang beses na niya akong nahuling tumingin sa kanya. Baka iyon na iyon?
Na-seen ko na! Hindi ko pa rin alam ang irereply ko. Nagpop-up ang chat ni Gab.
Gabriel De La Cruz: Ikaw, mukha mo kapre.
Pinindot ko ang x na button sa chat ni Gab. It is private and no one can tease me about it right now so I feel confident. I typed my reply.
Catlyn Lily Acosta: y?
I ignored the flirting. I ignored the fact that he called me babe casually. I'm curious as to why though. It's just that I feel like it will stop him from chatting with me if I probe. Ewan, bahala na.
Ian Adriel is typing...
I never thought that seconds could be this long. I focused on that text and waited for his reply to appear.
Malakas ang pintig ng puso ko. Ngayon, hindi dahil sa kaba. It is because of excitement. Parang walang nakakahiya ngayon o nakakailang ngayon. It's like the computer or Facebook is protecting me from being embarrassed.
Ian Adriel Santos: Wala lang :) Ano gawa mo?
Me: Assignment sa Filipino, ikaw?
Ian Adriel Santos: Wala, naglalaro lang ako ng dota kasama mga kaklase ko.
Nag-isip ako ng isasagot pero wala na akong maisip, hindi rin naman ako naglalaro ng computer games. Wala akong masasabi tungkol don.
"Lily, 15 minutes na lang," Sabi ni Ate Jen, yung may-ari ng computer shop. Kilala na nila ako sa sobrang dalas ko rito.
"Okay po."
I typed in my reply.
Me: Ah, ganun ba? Enjoy!
Me: Sige na. Mag-oout na ako. Bye!
Clinose ko na ang mga tab na ginamit ko pati ang Microsoft Word kung saan ako nag-type. Dinelete ko na rin ang file dahil nasend ko naman na kay Gab.
Tumunog ang Facebook at chat iyon ni Adriel. Ang bilis niya naman magtype.
Ian Adriel Santos: Tuwing ganitong oras ka ba online?
Me: Oo. Ikaw?
Ian Adriel Santos: Sige, ganitong oras na rin ako mag-oonline. See you bukas sa school! :)
I paused. Mag-oonline siya ng ganitong oras para sa akin? Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang ngiti.
"5 minutes, Lily."
Me: Okay, see you 🙂
Excited na ako bukas.
Bago matulog sa gabing iyon, nag-iisip ako ng mga bagay na pwede naming pag-usapan. Hindi ako sanay makipagkilala o makipagkaibigan. Nalimutan ko na kung paano. Hindi naman kasi ako nalilipat ng section at ang mga naging kaibigan ko kilala ko na simula Grade 3. Kahit na ganoon, sana magawa ko pa rin siyang maka-close.
Bago sa pakiramdam ko ang nararamdaman. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko nung crush ko sina Gab at Echo noon. Noon, masaya lang ako na kausap ko sila o 'di kaya may nagugustuhan ako sa itsura niya. Kapag kausap ko sila, sumasaya ako. Ayun lang. Pero hindi ko sila iniisip sa gabi. Hindi ko masyadong iniisip ang iisipin nila tungkol sa akin basta ako, sa isip ko, crush ko sila.
BINABASA MO ANG
lilies.
Fiksi RemajaCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...