Kabanata 7
It is Valentine's day today. Excited ang lahat para roon. Lagi naman kaming excited simula Grade 1. Naalala ko nung Grade 4, pinagawa kami ng Valentine's letter para sa magulang namin. Pagkatapos ay nag-gugupit gupit kami ng puso para decoration sa room namin. Nag-aambagan din kami para makabili ng tatlong pirasong bulaklak para sa teacher namin.
Siguro ito ang unang taon para sa amin na ang ilan sa amin ay na-eexcite para sa ibang bagay. Ang ilan kong kaklase ay planong magbigay sa mga crush nila.
Patuloy pa rin ang chats namin ni Adriel. Hindi nga lang kami nakapag-usap tungkol sa Valentine's. Hindi naman kasi ako nakakapag-online tuwing weekends. Lunes kasi ngayon.
Pagkapasok ko pa lang ng classrooom ay sinalubong ako nina Dana at Zoe. Binigay nila sa akin ang isang maliit na teddy bear na nakatuhog sa stick at isang valentine's card. Niyakap pa nila ako at sabay na nagsabi ng Happy Valentine's.
"Wala akong nabili," Malungkot kong sinabi.
"Ayos lang!" sabi ni Zoe.
"Bibilhan ko nalang kayo pagkauwian," I answered, excited.
"Sige, meron kina Filipino!" Dana suggested, enthusiastically. Filipino is a store situated in front of our school. Mga bilihan ng mga laruan at candy na pambata. Katabi noon ay bilihan ng baon at pagkain, sari-sari store.
"Ako, bilhan mo nalang ako ng hotcake kina Mang Dan," ani Zoe.
Sa tapat din ng school ang kina Mang Dan. Sa may gilid na kanto, may pagitan na isang bahay bago ang kina Filipino. Bilihan iyon ng turon, hotcake, at banana cue. Pinaka-paborito ko ang banana cue nila. Sarap!
"Sige."
Pinapila na kami sa corridors para sa flag ceremony. By height, kaya nasa likod ako. Hiwalay ang pila ng babae at lalaki kaya katapat ko sa gilid si Gab.
"Ganto ka," He gestured to open his palm.
"Ano na namang ilalagay mo sa kamay ko?" Duda ko. Lagi kasing siyang ganyan. Nanti-trip. Madalas nilalagyan niya ng basura ang kamay ko at ako ang pinagtatapon.
"Bilisan mo na," Umandar na kasi ang pila namin.
Tinatago ko ang kamay ko at sumunod na sa pila. Kahit pababa ng hagdan, nakatago ang kamay ko. Pilit naman niyang kinukuha.
"Ang kulit mo, Gab."
"May ibibigay nga ako!"
"Ayoko nga, bigay mo na lang sa iba."
Nasa pwesto na kami sa quadrangle. Nasa pinaka-gilid kami sa kaliwang dulo. Grade 2 ang nasa unahan, iyong malapit sa stage. Sa gitna ang grade 4 at dulo naman ang grade 6. Dahil section 1 kami, kami ang nasa pinakagilid, tapos sunod-sunod na by section.
Naupo na kami at katapat ko sa gilid si Gab. Hindi niya talaga ako titigilan sa pang-aasar niya.
Kasunod lang namin ang section 2. Una ko agad nakita si Adriel. Una kasi siya sa pila kasi maliit siya. Napansin ko na may hawak siyang bulaklak. Agad umakyat ang kaba sa puso ko. Kahit medyo mainit na ay nanlalamig ako.
Ibibigay niya kaya sa akin yon? Para sa akin ba iyon? Ayokong mag-assume pero naiisip ko na agad ang magiging reaksyon ng mga kaklase ko. Sumunod na lang ang kilig.
If he did that, my classmates would know. His classmates would know. Everyone would know. My little secret with him will be known. I don't know how to feel about it.
However, the thought that he bought something for me to make me feel special today is heartwarming. It makes me feel good, beautiful, and loved. Love. I wonder then if what we have is love.
Para mawala ang iniisip at maibsan kahit paano ang kaba sa maaaring mangyari, nilahad ko ang palad kay Gab. Kung pagti-tripan niya man ako, okay lang.
Nilapag ni Gab ang limang piraso na flat tops na chocolate sa palad ko. Nagulat ako roon. Akala ko talaga aasarin niya lang ako.
"Bigyan daw kita sabi ni Mama kasi baka raw walang magbigay sa'yo."
"Oh, okay. Thanks!"
Wala masyadong nakapansin sa amin ni Gab na kaklase kasi nasa pinakalikod kami pareho.
Nilagay ko sa bulsa ng palda ko ang chocolate na binigay niya. Tinira ko ang isa, binuksan iyon, at kinain. Saka ako tumingin sa harap.
Natanaw ko na inabot ni Adriel sa kaklase kong babae sa harap ang bulaklak. Matapos no'n ay lumingon sa likod ang kaklase kong iyon at inabot sa likod niya ang bulaklak. Pinagpasa-pasahan nila iyon at nanatili ang tingin nila sa likod, nakangiti at parang may inaabangan. Nakasunod ang tingin nila sa bulaklak.
Habang lumalapit sa likod ang bulaklak, mas naririnig ko ang ingay ng mga kaklase ko. It's for me. Malakas na ang kutob ko na para sa akin. Hindi ko na magawang imonitor ang nangyari. Hanggang sa inabot na sa akin ang bulaklak.
"Pinapaabot daw ni Adriel," sabi ng kaklase ko.
Sabay-sabay silang nagsasalita, "Yie..."
Mahaba iyon at nakakabingi. Nang nag-angat ako ng tingin para kunin ang bulaklak, napansin kong pati mga nasa section 2 ay nakatingin na sa amin.
Kinatyawan ako ni Gab, "Lagot ka kay Tita Catherine," sabay tawa niya na parang nakaisip na ng pang-blackmail sa akin.
They teased me more. Pumunta pa sina Dana at Zoe para yugyugin ako. May sinasabi sila na hindi ko na maintindihan.
Halu-halo ang nararamdaman ko. Gusto kong maglaho na parang bula sa hiya pero sobrang saya ko rin sa kilig. Nilapag ko ang bulaklak sa palda ko habang naka-indian sit.
Nakayuko lang ako at hinihintay na humupa ang ingay ng mga kaklase ko. Hindi na ako nag-abala na hanapin pa ang mata ni Adriel para makita ang reaksyon niya. Namumula na siguro ako ng sobra. Mas grabe pa sa kung paano ako namumula kapag nagugulat, naiilang, o nahihiya.
Itong pakiramdam na ito, ngayon ko lang ito naramdaman. Kahit na nahihiya ako sa nangyari ay sobrang saya pa rin. Ibang kasiyahan ito kung ikukumpara kapag nanalo ako sa 10-20, o di kaya kapag natatawa sa joke ng kaibigan, iba rin sa nararamdaman kong excitement tuwing pasko at bagong taon. Iba ito. Naiisip ko pa lang si Adriel ay sobrang saya ko na.
Ganito ba ang mainlove?
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...