21

31 1 0
                                    

Kabanata 21

Life has been significantly boring to me. I'm already in my second year highschool now. Officially, a sophomore. My section's still the same, the first section. It's called II-Archimedes.

Pang-hapon pa rin kami. Akala nga namin pang-umaga na kami pero hindi pala.

I just found out that Adriel has been training to be our school's representative for badminton. Kaya nalipat siya ng special section. Lahat ng players na ipinanlalaban sa palaro ay na-pull-out sa kani-kanilang section para pagsama-samahin sa isang section. Special Section for Sports (SPS).

Mas nahirapan kaming makapag-usap ni Adriel dahil pang-umaga na sila. Mas dama ang angwat namin sa isa't isa dahil mas marami siyang oras na wala sa school tuwing weekdays.

Bihira na rin akong makapag-online at halos hindi na nga. Wala pa rin siyang cellphone.

Hindi ko alam kung kami pa rin ba. Wala namang kami pero napapaisip ako minsan. Hinihintay niya pa ba ako?

I felt empty inside on regular days. The days I always looked forward to are gone. Daddy still continues to go home whenever he has time. Tuwing pareho silang nasa bahay ni Mommy, parati silang nag-aaway.

Noon ay tinatago pa nila sa akin iyon. Ngayon, hindi na. Kahit tuwing kumakain kami ay nagsasalita si Daddy. Hindi sumasagot si Mommy at aalis lang. Dad will be hysterical.

During those days, I sleep over Gab's. It's one of those days.

Nasa kwarto niya kami. Iniiwan namin laging bukas ang pinto. Nakahiga ako sa kama niya habang nagbabasa ng libro. Siya ay abala naman sa pagdo-dota.

Texting is not that trendy now compared to last year. My cellphone is also long outdated. That's why I stopped bringing one to school. Isa pa bawal din naman iyon talaga.

"Lily, Gab, let's eat dinner," Dumungaw si Tita Mylene sa pinto.

I smiled. Medyo nakakapag-warm up na ako kina Tita Mylene at Tito Noel. Nakikipag-usap na rin ako at kaunti na lang ang nararamdamang hiya.

Kapag may pagkakataon ay nagdadala ako ng pagkain sa kanila kapalit ng mga hinahanda nilang pagkain tuwing nandito ako.

"Nagha-hang out kayo pero hindi naman kayo nag-uusap. Ganyan na ba ang hang-out ng mga kabataan ngayon?" Tita Mylene asked over dinner.

I just laughed. "Hindi naman po yan nakakausap kapag busy maglaro."

"Natatalo kasi ako, Mama kapag dinadaldal ako ni Lily."

"Magpahangin kayo sa rooftop mamaya para makalanghap naman kayo ng sariwang hangin."

"Sige po."

Matapos ay umakyat kami sa rooftop. Bumalik din naman kami agad dahil antok na. Magkatabi kami sa kama pero may harang na unan sa pagitan naming dalawa.

"Tingnan mo," Tinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya. "Ganda no?"

Sinilip ko ang babaeng kasama niya sa picture. "Hindi si Victoria yan ah?"

"Wala na kami non. Bago ko to."

"Baliw ka. Babaero ka pala."

"Baliw. Babaero agad? Hindi ko naman pinagsabay ah. Bitter ka lang," asar niya, "Gamitin mo ang PC ko, chat mo boyfriend mo."

Umiling ako. "Tinatamad ako. Sino ba yan?" Turo ko sa picture na pinakita niya.

"Franchesca, Chesca ang nickname."

"Mas maganda si Victoria."

"Hindi kaya!"

"Syempre, blinded ka kasi mahal mo."

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon