56

14 1 0
                                    

Kabanata 56

Kung sinu-sino sila sa Pop-Up noon ay sila sila rin ang mga kasama ngayon. Bihira ko silang makita kaya hindi ko na maalala ang mga pangalan ng mga lalaki. Hindi ko rin naman kasi kinabisado iyon nung una ko silang nakilala.

Since everyone knew each other, I can't ask them to introduce themselves again. I'll just limit my interaction then or I'll make sure that I'll minimize the need to call them by their names.

Parati akong nasa gitna nina Gab at Rai. Sa kotse papunta sa bar na pupuntahan nila at kahit nang pumasok na kami sa loob. Nasa unahan ko naglalakad si Gab at nasa likod ko naman si Rai na nakahawak sa baywang ko.

I instantly felt stuffy when we got inside. I read the name of the bar, Icon. Nililibot ng mata ko ang buong lugar. May ilang nakakakilala sa mga kaibigan namin at maging kay Rai. Tinatanguhan lang niya ang mga iyon. Matapos ay mahuhulog ang tingin nila sa akin. They constantly made a disbelieving face.

I'm glad that most of them aren't familiar to me so they might not know me too. Napapadpad lang naman ang tingin nila sa akin dahil sa kamay ni Rai sa baywang ko.

I'm glad we have a table or something because I will never dance. I already gave up dancing in this lifetime so please I can't.

Sa unang parte ng gabi ay wala pang umaalis sa table. Nag-uusap-usap pa sila at nag-aasaran. Nasa tabi ko si Gab na nangunguna sa mga kalokohan. Tawang-tawa ang mga kaibigan namin sa kanya.

Nang may lumapit na babae galing sa kabilang table at hiningi ang number ng kasama naming lalaki ay nauna sa kantyaw si Gab.

"May hindi uuwing Manila ngayong gabi!" sigaw niya. Nagtawanan na naman sila, "Maghahanap din kami! You'll see!"

I am happy that Gab's having fun but I really hope I'm not here though. Kinuha ko ang baso na may lamang alak at ininom iyon.

"Bakit ka pa maghahanap? Nandyan naman si Nicole!"

Nakakabinging hiyawan ang ginawa ng mga kasama namin. Mas malakas pa sa ingay ng music iyon. Pakiramdam ko. Natameme naman si Gab sa sinabi ng kaibigan. Matagal siya bago nakabawi at nagmura. I laughed at that.

Wearing sweatpants and a hoodie didn't sit well inside the bar. Ang init! Mabuti nalang ay may fitted shirt naman ako sa loob. I'll remove it once they start dancing. I feel like it'll catch their attention if I do it now.

I feel uncomfortable with the eyes of the people when I'm with Rai, that's why I kind of distance myself from him and sit nearer Gab more. Gab doesn't seem to care either. He's used to me. Nilagay niya pa ang kamay sa balikat ko habang umiinom siya at nakikipag-usap.

"Bottoms-up," Inabot ni Gab sa akin ang baso niya, "I don't need a sane Lily here. I need you drunk."

I followed what he told me. Not minding if people are looking. I don't want to feel extremely nervous.

Hinawakan ni Gab ang dalawang kamay ko at pinipilit ako na sumayaw. I just let him move my hand. If he's not moving it, my arms stay still.

"Bottoms-up!" sigaw niya ulit habang inaabot sa akin ang baso.

"Gab!" I heard Rai. Inilagay niya ang kamay sa balikat ko pero ininom ko pa rin iyon.

Yeah, I think I need to feel drunk first. In order for me to not dread coming here. I seriously need that. Nakatatlong baso na ako pero hindi ko pa rin nararamdaman na nalalasing ako. Inaantok lang ako. No hint of confidence or desire to be fun like Gab.

"If that's you and Rai, you guys are already fucking tipsy," asar nila.

"Bakit hindi ka nalalasing?!" sigaw ni Gab. Tumayo siya at kinuha ang bote ng Jägermeister, iyon ang nakalagay na label. Nagsalin siya sa shot glass at inabot sa akin.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon