24

24 1 0
                                    

Kabanata 24

Hindi ko alam. Ngayon ko lang nalaman iyon. Sa tono ng pag-uusap nila mukhang matagal na silang nag-uusap. Ngayong 3rd year ko lang naging kaklase si Rose. Ngayong taon lang naman siya naging section 1 sa pagkakaalam ko.

Agad kong tinext at chinat si Andrea. Sa chat ay sinend ko ang screenshot ng tweets nila.

Catlyn Lily Acosta: Mukha may iba na...

Me:

May iba na. Check mo ang chat ko sa fb.

Kinabukasan ng recess ay iyon din ang topic namin ni Andrea.

"Ano ka ba? Mas maganda ka naman don. Huwag mo na masyadong isipin."

Pero halata na apektado ako. Nalulungkot ako. Maybe, it's because of the books I read. Akala ko kung mahal ka ng isang tao, ikaw lang kahit na anong mangyari. When he said that he loved me, does he even meant it? Does he date to marry?

"Makikisagap ako ng balita sa classroom, okay? Huwag ka na masyadong mag-isip dyan. Paano ka makakamove-on nyan, Lily?"

Nang mag-uwian na at kinita ko si Gab ay agad akong nagkwento. Kinuwento ko sa kanya ang nabasa ko sa Twitter.

"Malamang, Lily, may bago na siya. Pwede naman na iyon dahil hindi na naman siya naghihintay sayo."

"Kahit na masyado namang mabilis yon. Ilang buwan pa lang naman. Kahit naman hindi naging kami nag-I love you na siya sa akin. Ang bilis namang mawala ng pagmamahal niya."

"Lily!" May tumawag sa amin galing sa pinto ng 7-eleven. Pumasok doon ang mga kaklase ko!

Ito ang unang beses na nakita nila si Gab. Hindi ko rin naman mga ka-close ang mga ito kaya hindi ko alam ang sasabihin.

"Boyfriend mo?" tanong nila. Mga bagong kaklase ko sila kaya malamang hindi sila pamilyar kay Adriel. Kung alam nila iyon ay hindi nila itatanong sa akin iyan. "Yieeee."

Agad namula ang pisngi ko sa hiya, "Hindi."

Umalis na kami roon dahil nahiya na ako. Kakantyawan lang nila kami.

"Hanap ka kaya ng ibang tambayan?"

"Ayoko na sa ice cream house, ang init," reklamo niya, "Ayaw mo non? Iniisip nila na may boyfriend ka kaysa mukhang kawawa ka dyan na di maka-move on sa ex."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo ang sama mo."

"Masama kasi totoo. Hindi ka naman talaga maka-move on kahit na ikaw naman ang may kasalanan."

Tama si Gab. Buti na lang nakita nila akong may kasamang iba dahil sa nagdaang buwan ay kinausap ako ni Rose at ng mga kaibigan niya tungkol kay Adriel.

"Sabi nila crush mo rin daw si Adriel?" tanong sa akin ni Elle, kaklase ko na siya nung 2nd year pa pero hindi kami close. Siya rin ang muse namin nung 2nd year hanggang ngayon.

Diretsahan niya iyong sinabi sa akin na para bang inaagawan ko ang kaibigan niya. Excuse me?

Naaalala ko na itong si Rose. Kaklase ko rin siya nung Grade 6! Lagi lang siyang nasa unahan at kulot pa ang buhok niya kaya hindi ko siya nakilala agad, tuwid na kasi ngayon iyon.

Kung kaklase ko siya non, siguradong alam niya ang sa amin ni Adriel. Si Charlie nga na nasa unahan din nakaupo noon ay alam niya.

"Hindi," sagot ko. I have to even save my pride. Kahit iyon na lang. Kahit na nasasaktan ako na siya na ang pinopormahan ni Adriel.

"Weh? Crush mo raw eh. Yun yung narinig namin," pilit ni Elle. I feel like they are cornering me to something.

Ipipilit ba nila na sabihin ko na crush ko para sabihin nilang inaagaw ko kay Rose si Adriel? Sa kanya na! Hinding hindi ko gagawin yang ganyang pang-aagaw.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon