Kabanata 16
Iyon na ang huling beses na sinubukan kong makipagkita sa kanya. He didn't ask to meet either. I am so embarrassed that I am so scared to even touch that topic.
He always calls me "babe". I call him Adriel. Iyon din nga ang naka-save sa phonebook ko. He didn't seem to mind. He knows that I can't have a boyfriend yet. He respects that.
Hindi ko alam kung malulungkot ba ako na hindi na niya ako inaya ulit makipagkita. I am sad though. Bakit kaya? Ayaw na niya ba sa akin? Natarayan ba siya akin?
Isang beses ng uwian namin, nakita ko si Adriel sa labas. Sa unang puno malapit sa gate. May kasama siyang dalawang babae. Nag-uusap sila at minsan tumatawa. Hindi sila naiilang sa isa't isa at minsan naghahampasan pa.
Hinatak ako ni Andrea dahil napatigil ako sa paglalakad. Sinundan niya ang tingin ko at nakita rin si Adriel.
"Batiin natin?" tanong niya.
My heart hurts. For some reason, I felt sad. Hindi naman ako siguro nagseselos. Hindi ba? Naiinggit siguro. He can talk to other girls or...people casually and comfortably but not to me.
"Selos ka?" tanong ulit ni Andrea dahil hindi ako sumasagot.
Nakita ako nang isa niyang kasama at tinuro ako. Lumingon si Adriel at nakita ako. Ngumiti siya at parang nahihiya. I smiled faintly.
"Tara na, bili na tayong ice cream sa 7-eleven."
May 7-eleven sa malapit sa mahabang terminal ng jeep. Tatawid ka sa kabilang kalsada mula sa school, pagkatapos tatawid ka sa may Fire Station. Sa kabilang kalsada ay Red Ribbon. Lakad ka pakaliwa at doon na sa corner ang 7-eleven. Maraming estudyante roon dahil uwian na. Pumila kami sa counter at bumili ng ice cream na nasa cone. Ang sarap kasi ng cone nila rito at abot kaya ang presyo, 15 pesos lang.
"Matamlay ka? Selos ka no?"
"Hindi naman," tanggi ko.
"Sagutin mo na kasi si Adriel. Hindi naman malalaman ng Mommy mo."
I don't know even though I know that Mommy won't even notice that I have a boyfriend because she's busy. I still feel like I have to obey her even when she's not watching me. I just can't stop my feelings for Adriel, but that doesn't mean I'll rebel and disobey her. Hindi ko alam parang nakakatakot din.
"Hindi nga kami nagkakausap sa personal. Mukha pa akong ewan non. Naalala ko na naman."
Hinatid ko sa sakayan ng tricycle sa gilid ng school si Andrea at umuwi na siya sa kanila. Ako naman naglalakad na papuntang ice cream house.
Naupo ako sa kung saan nakaupo si Gab at mukhang gumagawa ng assignment.
"Tigilan mo na nga ang pagg-GM mo sa akin. Ang ingay ng cellphone ko gabi-gabi. Kakairita," bungad niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Simula matapos ang first grading, lagi na lang siyang iritado sa lahat. Siguro hirap na hirap na. Lagi kasi silang may assignment tapos gabi lang ang oras niya para gumawa. Eh, hinihintay niya pa ako makauwi.
"Kain muna tayong kwek-kwek," Aya ko. Hindi pinansin ang rant niya tungkol sa mga GM ko.
Mayroon kasing hilera ng kwek-kwekan doon sa kabilang kalsada sa may stoplight. Katabi ng bentahan ng mga pirated na DVD at CD.
"Wala ka bang assignments?"
Umiling lang ako. Pwede ko pa naman kasi iyon gawin bukas ng umaga.
"Pwes ako mayroon! Ilang oras na nga ang nasayang ko sa paghihintay sa'yo."
"Ba't kasalanan ko? Edi sana sa Indrenz ka gumawa at may print din naman sila doon."
Lagi kaming magkaaway tuwing gabi. Hindi naman kami pormal na humihingi ng tawad sa isa't isa pero alam kong okay kami dahil hinihintay pa rin naman niya ako para sabay kaming umuwi.
"Tingnan mo," Sabay buklat niya ng wallet isang Lunes ng gabi.
Ngumisi siya ng malaki at nagyabang na naman. "Dinagdagan ni Mama ang baon ko. Para raw hindi na ako gutumin sa paghihintay sa'yo."
"Yaman!"
"Ayos din pala. May pakinabang ka rin sa buhay ko. Lagi na akong makakakain sa KFC sa may Bluewave nito."
"Libre mo ko!"
"Asa ka! Doon ako kakain habang nasa school ka pa para hindi ka makahingi."
"Madamot!"
"Saka pala, may groupings kami sa Sabado ha?"
Inirapan ko siya, "Who cares?"
"Who cares? Care bears."
"Parang tanga!"
"Don't say bad words, Lily," asar niya tulad nang lagi naming pinag-aawayan nung Grade 6.
"Sa inyo kami maggroupings. Gusto ko na mag-first kiss kay Victoria, iyong kinuwento ko sa'yo na maganda. Kami na!"
Ngumiwi ako. "Edi sa park kayo! Bakit sa bahay pa namin?"
"Eh wala namang tao sa inyo. Ayoko rin makita kami ng mga classmates ko."
"Dalawang buwan pa lang kayong magkakilala, magk-kiss na agad kayo? Eh kami nga..."
"Eh torpe naman kasi iyong boyfriend mo," Humagalpak na naman siya sa tawa, "Naalala ko na naman tuloy. Hanggang hi hello lang kayo tapos ikaw pa ang dumayo sa classroom nila. Dapat siya!"
"Tama na nga," Tinakpan ko ang tainga ko para hindi na marinig ang sinasabi niya. Namumula na ang pisngi ko at naaalala na naman ang kahihiyan.
Tawa pa rin siya ng tawa. "Paano nga ulit yung sabi mo nung paalis na kayo?" Asar niya, "reCESS!" He said it exactly how I said it then, crescendo. Mahina tapos tumili.
"Ang sama mo!"
Nagmartsa ako paalis ng ice cream house. Hanggang sa sakayan ng tric, hindi ko siya pinansin.
"Bawal kayo mag-groupings sa bahay," anunsyo ko nang nakasakay na kami sa tric.
Tinusok niya ang tagiliran ko. "Eto naman, nagj-joke lang ako. Hindi na mauulit."
"Hindi, bawal."
"Ililibre kitang ice cream ng isang linggo?"
Ngumisi ako agad kahit na nagpapanggap akong galit. "Isang buwan!"
"Ano ka patay gutom?"
"Ayaw mo? Edi wag."
"Oo na. Sige na!"
Nang mag-Sabado ay talagang nagpunta nga sila sa bahay. Kami lang ng mga katulong ang nandoon kaya ayos lang.
Ang pakilala sa akin ni Gab ay pinsan niya. Wala naman akong reklamo. Sumasakay lang ako sa trip niya. Hindi ako nakikisama sa kanila dahil hindi naman kami close. Nakikisama ako sa mga kasambahay na naghahanda ng meryenda para sa kanila.
"Makisama ka sa kanila, Lily, para magkaroon ka ng maraming kaibigan," Yaya Sita encouraged me.
"Ay, ayoko, Yaya Sita, kaibigan lang ni Gab iyan. Humingi lang siya ng pabor kaya sila nandito."
On that day, Gab had his first kiss. Nasa study room sa second floor silang dalawa ni Victoria habang ang mga kaklase niya ay nasa living room namin at ako naman ay kumakain mag-isa sa dining room habang nagbabasa.
Gaya ng plano niya. Ang landi niya.
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...