15

23 1 0
                                    

Kabanata 15

Pagkauwi ko ng bahay galing computer shop ay nagpaplano na akong itext ang number na binigay niya. Nakahiga ako sa kama.

Nakailang bura pa ako sa tinatype na "hello". Ang pormal naman kasi ng ganon lang. Close naman kami pero dalawang buwan kaming hindi nag-usap.

Lily:

Hiiii

-Lily

Nilapag ko ang cellphone sa kama. At pumikit, pinagsalikop ko ang mga kamay at hinihintay na tumunog ang ringtone ng cellphone ko para sa reply niya. There's this particular nervousness that I feel right now. Parang dahil nag-iba ang platform kung saan kami nag-uusap ay nahihiya na naman ako. Ano bang klaseng pagkatao ang mayroon ako?

My phone vibrated and I heard the ringtone. Kinuha ko iyon at agad binuksan ang text.

Adriel:

Hi, babe

Impit akong tumili.

Lily:

Ano gawa mo?

Adriel:

I'm texting you. Ikaw?

Wala pang ilang minuto ay nagreply na agad ako.

Lily:

Text lang din. Sino pa ka-text mo?

Tumunog ulit ang ringtone ka kaya pinindot ko muna ang back. Nagtext si Andrea. Iyon muna ang binasa ko.

Andrea:

Hindi kita naabutan na online. May cellphone na si Adriel? Nice! Nagtext na?

Lily:

Oo, magkatext na kami haha

Andrea:

Baka hindi mo na ako replyan nyan.

Lily:

Hindi ah.

Tumunog ulit ang cellphone ko at ilan doon ay GM, group message, galing sa mga kaklase ko. Bumabati ng happy weekend at good evening. Ilan naman may footnote pa na reply sa mga katext nila gamit ang call sign nila kaya di ko kilala kung sino iyon.

Isa pa lang ang ka-callsign ko. Si Andrea pa lang. Ang mga kaklase ko ang dami na agad. Grabe.

Ang pinakabago ay text ni Adriel.

Adriel:

Ikaw lang, ikaw ba may katext kang iba?

Lily:

Si Andrea, kaklase ko. Bakit bawal ba?

Adriel:

Hindi naman haha namiss kita nung summer.

Lily:

Ako rin :( Anong ginawa mo nung summer?

Buong gabi ay magkausap kami, pinag-usapan ang mga ginawa namin noong summer. Madalas daw siya sa computer shop kapag binigyan ng pera. Nanuod daw siyang anime sa bahay kapag hindi siya nakakalabas. Kinuwento ko naman ang mga binasa kong libro.

Parati na kaming magkatext tuwing gabi. Sobrang saya gumising araw-araw. I always look forward to every night because of our texts.

Andrea only replies so little because she's busy with her other textmates from other sections. Ayos lang naman sa akin dahil lagi naman kaming magkasama sa classroom at tuwing recess.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon