23

21 1 0
                                    

Kabanata 23

Hindi ako natuloy lumipat ng Ateneo de Naga at section 1 pa rin ako ngayong 3rd year. III-Gold. Nalipat ng section 2, Platinum, si Andrea. Na-dissolve ang ESEP II-B at isa ang nalaglag sa amin, at karamihan ay nasa section Platinum. Na-dissolve rin ang binuong section na SPS kaya nakita ko si Adriel sa Platinum.

Nang bakasyon ay magkaaway kami ni Gab. He betrayed my trust. Kahit maganda man ang rason niya sinumbong niya pa rin ako.

Ni-hindi niya nga ako sinuyo buong April. Palagi akong nasa Ospital nitong May. Simula nang pumunta si Grandma sa bahay ay lagi na niya akong inaayang kumain sa Manila Pen. Maraming pagkain doon na hindi ko pa natitikman kahit kailan. Mukhang mayayaman din ang mga nandoon. Minsan binabati si Grandma kaya nanliliit ako minsan. Alam mo rin kasi na ang mga anak nila, mayayaman. Sa pananamit, sa cellphone, at sa bag ay grabe nakakapanliit pero nakakamangha.

Dalawang linggo bago ang bakasyon ay bumisita ulit si Grandma kasama ang mga katulong at bodyguards nya. Napakarami nilang dalang paper bags.

"I bought you school supplies," She said. Inaya niya akong maupo sa long couch namin.

Nanlaki ang mata ko ng ipasok ng katulong ang pamilyar na box na puti na may Apple na logo. Napansin iyon ni Grandma.

"I heard from Sita that you don't have a laptop, my god, your mom never failed to disappoint me," She ranted, "In-enroll ka sa public school from elementary. Wala kayong internet at laptop, pati damit mo, at pati ang cellphone! Pinagmumukha niya tayong mahirap."

Nagpakabit ng internet si Grandma. Nang gawin niya iyon ay wala ng magawa si Mommy bukod sa busy siya sa ospital ay pakiramdam ko hinayaan niya na talaga si Grandma na manghimasok sa buhay namin.

Isang linggo bago magpasukan ay natagpuan ko si Gab sa harap ng gate. May dala-dala siyang pagkain. Itinapat niya iyon sa mukha ko habang hawak-hawak niya na.

"Sorry!" pasigaw niyang sinabi.

"Ikaw pa ang galit?"

"Bakit? Tama naman ako ah? Masama naman talaga ang ugali nung Mildred na iyon. Hindi ko alam kung paano ka niya napapaikot non. Ang peke naman niya. Nung pababa nga tayo, isang beses, nakita ko na halos ipaligo na niya ang alcohol sa katawan!"

"Ganyan ba mag-sorry?" Irita kong sinabi.

"Hmp," Bumuntong-hininga siya, "Sorry. Hindi ko naman sinasadya na sirain ang tiwala mo. Nag-aalala lang ako para sayo. Alam kong si Tita Catherine lang naman ang makakapigil sa'yo na sumama don sa matanda."

My summer ended with reconciling with Gab. Dahil pang-hapon pa rin ako, ganoon pa rin ang sistema namin. Nadagdagan na ang baon ko kaya sa unang buwan namin sa school lagi na kaming nasa 7-eleven. Sabi niya doon na lang niya ako hihintayin dahil mainit sa ice cream house. May ice cream din naman sa 7-eleven. Isa pa, mas malapit iyon sa SEHS pero maglalakad pa rin naman kami sa stoplight para sumakay ng tricycle.

Hindi maganda sa akin ang dulot ng internet. Halos alas-tres na ako natutulog gab-gabi, nanunuod ng videos sa Youtube at nagt-Twitter. Tuwing gabi kausap ko si Andrea sa FB at Twitter, madalas ang mga kaklase rin namin. Uso kasing mag-replyan sa Twitter. Ime-mention mo roon ang gusto mong kausapin at magre-replyan kayo na para kayong nasa group chat pero lahat ng followers mo ay pwedeng makabasa ng pinag-uusapan niyo.

Madalas sa madaling araw inuubos ko ang oras sa pags-stalk sa mga kaibigan at kay Adriel. Ngayon lang ako naging active online pero siya dati pa. Binabasa ko ang mga tweets niya. Minsan iniisip kong tungkol sa akin ang mga ni-reretweet niya. Madalas naman akong malungkot dahil pakiramdam ko ay naka-move on na siya sa amin.

It's my fault that we ended. Maybe. Minsan naiisip ko rin na mababaw ang kung anong meron kami. Ni-hindi naman kami nagkaroon ng matinong usapan sa personal.

Kung online ba ang pagiging close ay hindi na totoo?

Ganoon ang ginagawa ko sa lumipas na ilang buwan. Stalk.

Buti na lang sabay pa rin ang recess ng section namin kaya nakakasama ko pa rin si Andrea. May circle of friends din naman ako sa loob ng classroom pero bestfriend ko si Andrea. Simula first year ay kami na ang close.

I rarely maintain friendships. It's not that I do not want to but I think I am not capable. The only friendship I retain is with Gab. I have never talked to Zoe and Dana ever since we graduated elementary school.

Being able to maintain my friendship with Andrea even though we're not in the same section is a miracle, at least for me.

"Bakit ka ba hindi tumuloy?" Andrea asked. I treat her as my girl bestfriend and I really want to tell her a part of my life that's not pretty but I am really embarrassed. Hindi ko pa kaya ngayon.

In highschool, we struggle so hard to fit it, to avoid standing out, to avoid being the weird one. We often label things as cool and uncool. We often judge. Maybe, we're immature at this time but we assumed that we lived enough to know about the world.

"Ayaw ni Mommy at Grandma."

"Naku, buti na lang! Mamimiss kita. Hayaan mo na si Adriel, hindi naman siya kawalan. Ang dami namang nagkaka-crush sa'yo na iba pa."

"Eh ikaw, buti hindi ka na kinukulit ni Ronnie? Magkaklase na kayo ah."

Tumawa lang siya, "May iba na naman iyong gusto. Kaibigan lang ang tingin ko don."

Pumipila kami sa quadrangle kada section bago kami umakyat sa classroom. Minsan hinahatid niya ako sa pila namin kaya ako naman ngayon ang maghahatid sa kanya.

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko nang mapansin na naliligaw ang tingin ko kay Adriel sa pila nila.

"Isipin mo na lang na hindi kayo bagay. Matangkad ka, maliit siya."

Wala namang kaso iyon. Hay.

Tumawa na lang ako at inasar din siya. Matapos ay bumalik na ako sa pila ng section namin.

Ang bawat tingin ko kay Adriel ay nakaw na lang. Hindi na tulad ng dati na may pag-asa pang mapansin niya at magtagpo ang mata namin.

I am hopeful that he will try to communicate again. Parati na akong online, hindi katulad ng dati na kailangan ko pang dumayo sa computer shop. I always stalk his accounts.

This night too but it's different now. He is active tonight on Twitter and he is talking to someone. I would say flirting with my classmate, Rose.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon