Kabanata 65
"I'm going," I announced. Hindi ko na hinintay na sumagot si Ian. Binuksan ko na lang ng basta ang pinto ng sasakyan niya. Saktong pagpasok ng sasakyan ni Gab sa West Parking. Unti-unting bumagal ang sasakyan niya at tumigil sa gilid ko.
Hindi ko na siya hinintay na bumaba pa para pagbuksan ako ng pinto gaya ng madalas niyang gawin. Ako na ang nagbukas non. I can see most of the students looking at me. Matapos ay magbubulungan. I cannot handle this. Nanginginig pa ang kamay ko at nanghihina na buksan ang pinto sa pagkabalisa dahil sa mga mata ng mga tao na nakatitig sa akin.
When I successfully did, I sat and rested my head on the headrest. Tumingala ako para pigilan ang luha pero kahit sa ganoong posisyon ay tumulo pa rin ito.
"Can you call and tell Rai that I'm coming with you instead? I don't want him to worry about me. Ian said he's coming to pick me up."
"Alright."
I don't know how he does it while driving but I just heard his phone ringing.
"I'm driving," Rai said in a tone that he's kind of irritated.
"I was around BGC-" Gab was immediately cut off.
"I'm busy, Gab...can I call you back later?"
"Lily," Gab mentioned my name right away. Mukhang ibaba na kasi ni Rai ang tawag. There's a static silence on the other line, he didn't hang up though, "I happened to be around the area, kaya napuntahan ko kaagad si Lily. She's with me now. She told me to let you know so you wouldn't worry."
"Oh," Rai said and I heard him sighed on the other line, "Is she okay?"
Parang sa tanong na iyon ni Rai ay tumigil ang pamumuo ng luha ko. I straightened my posture to actually pretend that I'm okay. I really do not want him to worry.
"I'm sure Lily wants me to tell you that she's okay...so you wouldn't worry," Gab told Rai. Nilingon ko siya. Our eyes briefly met. I glared at him, "But," Agad ko na siyang hinampas. Hindi siya makuha sa tingin. "She cried the moment she rode the car."
"Is she listening?"
I became extremely conscious now that he asked.
Gab chuckled. "We're going home. Sa bahay ka na sumunod."
"Baby," He called me calmly. Napatikom ng bibig si Gab. He then focused on the road. Napapikit ako. I don't know if I'm feeling embarrassed because Gab is here but I am feeling something in my heart...when he called me that. I bit my lower lip, "Can I come?"
Ilang segundo...sampung segundo? Bente? Trenta? Matagal akong hindi nakasagot. May nararamdaman akong kung ano sa tyan ko. Hearing his voice. Pleading. Calm. Sweet? Dinilaan ko ang labi ko bago tumungo na para bang nakikita niya ako. Mahina at nahihiya pero sumagot ako, "Ayos lang sa akin."
Akala ko aasarin ako ni Gab matapos ang tawag pero hindi niya iyon binanggit.
I stopped crying. Hindi na mawala sa isip ko si Rai. Ang marinig ang boses niya ang nagpakalma sa akin. The hurt and feeling of embarrassment is still there but I am more composed now compared to myself before I talked to Rai.
Nasa rooftop ulit kami nina Gab. Naupo ako sa swing nila. Pumwesto siya sa harap ko, hawak hawak ang cellphone. Ini-level niya sa mukha ko iyon. I glared at his phone.
Humagalpak siya. "Documentation. You should see your eyes."
"You are mean. Galing sa iyak yung tao."
"You rarely cry. The first time you did, I forgot to take a photo. I need something to commemorate this moment."
"When you cry, ipapabillboard ko talaga!"
"Puputi na ang uwak, kakahintay mong mangyari yon."
Tumawa siya. Ibinulsa ang cellphone at naupo sa tabi ko.
"What do you plan to do?"
"Hindi ko alam."
"Kung ako sa'yo, I'll put Mildred to her place. Your family surely can drag them down."
"She's doing that because of her hatred which is rightfully understandable. Kabit ng asawa niya si Mommy."
"And it's not even your fault. Bakit ikaw ang inaatake niya?"
Nagbuntong hininga ako. My unfiltered thoughts already thought of that. Now that I think about it, I want to be a bigger person and understand her. However, I cannot face everyone after this. Hindi ko kaya na lahat ng taong makakakilala sa akin at makakakita sa akin ay iisipin na anak ako sa labas at anak ng kabit. Naiisip ko pa lang ay natutunaw na ako sa hiya.
This will surely pass. The rumors and people talking about it will, at some point, get tired of even saying it. Hindi pa rin maaalis non ang totoo. Hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na kada makikita ako ng tao ay iyon na ang iisipin nila. Kasi, maging sa sarili ko ay hindi ko matanggap na ganoon. There's no fix in this. Dahil totoo iyon. Iyon ang pagkatao ko.
It's best if people don't know about it. Nahihiya ako para sa sarili ko.
Dumating si Rai. Tinatanaw ko mula sa rooftop ang sasakyan niya na madalas gamitin pangsundo sa akin na paliko sa street kung nasaan ang gate nina Gab. Pinagbuksan siya ng gate ni Tita Mylene sa baba.
Nang makaakyat na siya sa rooftop ay agad niyang pinakita ang hawak na pagkain. "I brought breakfast."
"Sakto gutom na ako," Tumayo si Gab sa swing. Lumapit naman ako sa banda nila. Kinuha ni Gab ang pagkain at dinala sa metal table.
"Sa baba na tayo kumain, umiinit na," suhestyon ko.
"Good idea!" bitbit ang pagkain ay dire-diretso ang lakad ni Gab palabas at pababa. Bumuntot ako sa kanya.
Tinapik ko ang balikat ni Rai para ayaing bumaba. Medyo nahihiya akong harapin siya. Panigurado may ideya na siya nangyari. Sinabi na siguro ni Ian.
Hinawakan niya ang pulso ko at hinatak papalapit sa dibdib niya. Mabilis pero maingat at magaan. Nang dumikit ako sa dibdib niya ay hinaplos ng isang kamay niya ang buhok ko.
"Why are you being distant?" He whispered.
"Have you heard what happened?"
"Hmm, yes."
"That's the reason. I'm embarrassed."
"I already knew about it even before Gab introduced us. I see you just the same."
Halu-halong emosyon ang naramdaman ko sa narinig. Umakyat ang kaba ko ng sinabi niya na matagal na niyang alam. Kinabahan ako dahil baka may ibang tao pang nakakaalam bukod sa kanya. Nahihiya ako. I also find it settling to realize that he still befriends me even though he knew. He sees me just the same. How comforting to hear that.
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...
