Kabanata 53
"Sabi mo sasama ka na!" sigaw niya nang tumakbo ako papasok sa loob.
Tumawa ako pero hindi ko siya pinansin. Susunod din naman iyon sa loob. Umakyat ako sa kwarto ko. Nakalagay pa sa paanan ng kama ko ang kahon ng libro at hindi ko pa naaayos.
"Ano pa bang hinahanap mo? Nakaharang yung sasakyan ko sa daan," reklamo ni Gab.
Balak kong magdala ng dalawang libro. Isa-isa kong tiningnan iyon at nahihirapan pa akong mamili kung anong dadalhin ko kaya kinukuha ko iyon at binabalik. Nang makapili ako ay tumayo ako kumuha ng mas malaking bag na magkakasya iyon.
Nang maayos ko ang bag, kinuha ko na ang pulso ni Gab para hatakin pababa, "Tara na!"
Talagang sa U.P. Town Center naka-pin ang Maps niya. Hindi ba talaga siya nagsisinungaling? Bakit mukha kasi siyang sinungaling? Ayos na rin, mabuti na ang sigurado. Pwede rin naman akong magbasa rito.
"What phone are you planning to buy?"
"Just an android, I saw my friend's new phone and it's easier to back up all the files. May app na pwede gamitin. I like that better."
He parked. Pumasok kami sa loob at nagpunta kami sa store ng Samsung, bumili ng cellphone, tinest niya, at binayaran ko. Hindi nga talaga siya nagsisinungaling?
"Where are we going next?" I asked.
"Kain tayo!" Nakangising aya niya sa akin.
Isa sa bagay na hindi nagbago sa kanya. Ang hilig hilig niya pa ring kumain. Ngayon, siya na ang humatak sa pulso ko.
Pumasok kami sa Japanese restaurant. Hindi naman ako kasing hilig niya kumain kaya siya ang pinag-order ko.
Magkatabi kami sa upuan. Excited na excited siyang magtingin sa menu.
"Ito masarap 'to," Tinuro niya iyong sushi sa menu, "Nakatikim ka na ba nito?"
"Hindi pa."
Umorder siya matapos. Hindi ko na alam ang tawag sa iba niyang inorder. Makikitikim na lang ako. Habang naghihintay kami ay kinakalikot niya ang bago niyang cellphone.
"Malapit na birthday mo, anong gusto mong regalo?" tanong niya sa akin.
Oo nga pala! Hindi naman kasi ako mahilig sa party at mag-celebrate ng birthday kaya hindi ko masyadong naalala ang birthday ko.
Hinawakan ko ang baba ko at nag-isip ng gusto kong regalo. Sa totoo, wala naman. Kahit ano namang ibigay niya tatanggapin ko. It's the thought that counts. Iyong pinag-isipan niya ang ireregalo sa akin, ayos na 'yon. Sobrang saya ko na non.
"Wala akong maisip. Kahit ano!"
"Ikaw ang pinakamahirap na regaluhan sa lahat! Saan naman ako hahanap ng kahit ano?"
"Hindi ko rin alam! Just write me a letter!" sabi ko. Ilang taon ko na hinihingi sa kanya yan pero ayaw niya akong bigyan. Hindi kasi siya magaling sa pagsusulat, sabi niya. Laging pagkain ang regalo niya, ayos lang din naman.
"Pag-iisipan ko. Maging mabuti ka sa akin ng ilang araw para sipagin ako!"
"Ilang taon na akong mabuti sa'yo!"
"Wow! Binasag mo nga ang cellphone ko."
"Kaya ka nga binilhan ng bago."
"Edi hindi ka mabuti sa akin ng ilang taon, minsan sa ilang taon lang."
"Dami mong alam."
Pareho kaming nasa cellphone habang naghihintay sa pagkain. Nakapa-landscape na ang hawak ni Gab sa cellphone niya kaya siguradong naglalaro na naman siya. Ang bilis talaga makapag-setup basta laro.
I scrolled through my social media and saw my friends' post that they are out of the country. Mom's always busy and Grandma's busy too. We never travelled together. I never asked them though. I'm happy with our dinners though. I just want to travel with them at least once.
I liked each and every photo of my friends.
"Hi," a familiar deep voice greeted us. Agad umakyat ang excitement sa akin.
My eyes sparkled when I raised my head and saw Rai in his usual dishevelled hair and white shirt & pants getup.
"Hi!" I greeted in high pitch.
Rai instantly became my favorite person... like my ray of sunshine. I feel like he's near to surpass Gab.
"I thought you're gonna be busy," I added.
Saglit na nag-angat ng tingin si Gab, "Oh, nandyan ka na pala, umorder na ko pagkain."
Umupo siya sa upuan sa tapat ko. I swear, I'm close to pushing Gab away from his seat.
"Do you have a change of clothes?" Rai asked.
"Why?" I calmly asked.
Sumulyap siya ng tingin kay Gab, "He didn't tell you? We're going to party in Cebu later. That's why I was shocked that you're coming, you said you'll be reading."
"Huh?" I asked in confusion.
And then it sinked in.
"Ask him! Nag-aya sina Nicole."
Sabi ko na! Sabi ko na! Agad kong hinampas si Gab. Mahina lang iyon pero sapat na para magulo siya sa laro niya.
He stomped his feet because he died or something in the game. "Ano? Ano?!" sigaw niya, "Namatay ako dahil sa'yo."
"Pupunta kayong Cebu mamaya?! Sabi ko na. Ihahatid sundo mo talaga ako next sem."
Party! Again! Oh my god. I will not be able to read my books.
"Oo na nga. Ihahatid sundo ka nga. Kaya ka nga pinagpapalit ng damit kanina."
"Bakit hindi mo sinabi kanina? Nagsinungaling ka pa?"
"Edi hindi kita mahahatak sumama?"
I sighed. "Ayokong sumama. Tinatamad ako," Naiisip ko pa lang ay pagod na agad ako. Ano ba yan?
"Kaya ko nagsinungaling! Wala na, nandito na tayo. Sumama ka na."
"We can stay, Lily," Rai suggested.
Binaba ni Gab ang cellphone niya sa lamesa at tinuro si Rai.
"Hoy, lagi ka raw wala sa party sabi ng mga kaibigan natin. Sinakripisyo ko ang oras ko next sem para lang makasama ka ngayon! Buong sem na kayong magkasama, maghiwalay naman kayo," sabi niya kay Rai at bumaling siya sa akin, "Ipahiram mo naman samin si Rai."
Bakit parang kasalanan ko? Napaisip din ako roon. Hindi namin iyon napag-uusapan. Hindi naman kami madalas na magkasama tuwing gabi. Madalas kapag alas syete nakauwi na ako. Hindi ko alam na hindi na pala sumasama si Rai mag-party.
"Huh?" taka kong sagot.
Inabot ni Rai ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at hinawakan niya iyon.
"You stop attending parties simula nung lagi na kayong magkasama. Syempre hindi alam yon ng mga kaibigan natin. Ako lang nakapansin non."
"I joined you last December. You guys are making this a big deal," depense ni Rai.
"Asa! You joined because Lily's coming. Ngayon din, sinabi ko na isasama ko si Lily, sumama ka."
Rai chuckled, "Well... I don't see the purpose."
Wala na siyang ibang paliwanag matapos.
"Friendship! Party! Having fun!" sigaw ni Gab.
Nakatuon ang mata ni Rai sa kamay naming magkahawak. He's like in trance and not listening to whatever Gab is saying.
"I've been having fun the last few months," He simply answered, then he met my eyes, "What books did you buy? You texted me earlier that you got the books."
Gab looked at him in disbelief. "Tangina mo, man."

BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...