25

19 2 0
                                    

Kabanata 25

It's our final year in highschool. Sa wakas! Sa unang pagkakataon, pang-umaga na kami. Mula 6am hanggang 12nn lang kami. Ang bad news don, apat na oras kong hihintayin si Gab hanggang alas kwatro kasi ang pasok niya. Ang good news ulit, malaki na ang baon ko kaya pwede na akong tumambay sa Bluewave habang naghihintay sa kanya. Gusto kong maglaro sa Worlds of Fun at kumain sa KFC o kaya Starbucks! Ayos.

May bagong cellphone na rin ako. Binilhan ako ni Grandma ng iPhone. Hindi ko iyon nilalabas sa school pero dinadala ko para makapag-text ako kay Gab at kina Grandma at Mommy.

It's a good progress that Mommy always made sure that she has time for me. Siya na ang kumukuha ng card ko sa school. Pinagalitan pa nga ako nung nakaraang taon dahil nalaman niya na nagsinungaling ako tungkol sa trabaho nila ni Daddy. Akala ng mga teacher ko ay housewife lang siya.

Sinabi ko na ang nararamdaman ko tungkol doon. Lagi kasing namamangha ang mga kaklase ko at iniisip na mayaman kami kahit hindi naman ganoon.

Siguro sa huling taon namin sa highschool, sobrang importante na ng pangarap. May isang assignment kami sa Values Education na kailangan naming magdamit ayon sa pangarap naming maging paglaki.

Wala akong maisip. May flight attendant, may teacher, at doctor pero ako? Ewan. Hindi ko kailanman naisip na may gusto ako maging. Pinangarap kong maging doktor kasi gusto ni Mommy at syempre gusto ko siyang gayahin.

Bukod doon? Wala na. Sa dream school naman ay wala rin. Ang mga kaklase ko ay magt-try sa UP kaya ganun din ako. Ang iba, dream school ang UST.

Ako? Wala.

I dressed up as a doctor though.

Pag-alas kwatro na madalas akong mag-abang sa labas ng school ni Gab. Kaya madalas din kaming makita ng mga kaibigan niya. At syempre madalas kaming inaasar na dalawa.

Sanay na ako na ganon. Wala naman kasi akong nararamdaman para sa kanya.

"Nandyan na ang girlfriend mo, Gab!"

"Hi, Lily."

Ngumingiti lang ako pero hindi ako madalas makipag-usap sa kanila.

"Kaya hindi ako nagkaka-girlfriend e. Kakasabi niyo na gf ko si Lily."

Kumain kami sa kainan ng pares sa malapit sa sakayan ng tric sa may tapat na kalsada at gilid ng SEHS. Laging marami ang tao roon at madalas naghihintay talaga kami para makaupo pero masarap naman kasi ang pares nila.

"Huwag na lang kaya ako sa tapat ng school niyo maghintay? Puntahan mo na lang ako sa Bluewave. Doon ako tumatambay e habang naghihintay sayo."

"Huwag na! Layo. Ayos na sa school."

"Eh sabi mo, hindi ka nagkaka-girlfriend dahil sa akin."

"Luh sinabi ko ba yon? Sabi ko dahil inaasar ako nila Jasper," Nagpatuloy siya sa pagkain at uminom, "Isa pa, wala akong oras mag-girlfriend. Gusto ni Mama na makapasok ako sa UP. Kaya naghahanda ako sa UPCAT, may review center ako ng weekends kaya paano ko makikipagdate?"

I still stalk Adriel every night when I am not busy. Hindi na katulad dati. I'd like to believe that I am over him. Rose and Adriel didn't hit off. Hindi naging sila. Siguro tatlong buwan lang silang naglandian pero natigil na rin matapos. My hopes were still high after that. Baka pwede pa ulit kami.

Ngayon? Ayoko na. Ang una kong napansin sa kanya nung pasukan ay ang biglaan niyang pagtangkad. Mas matangkad na siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung hanggang saan niya ako. Happy for him.

Mas marami kaming oras ni Andrea na magkasama kasi ang haba ng oras namin pagkatapos ng klase. Lagi siya ang kasama ko sa Bluewave, nililibre ko siya ng pagkain at inumin para makatambay kami. Ang saya!

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon