11

21 2 0
                                    

Kabanata 11

Wala kaming internet sa bahay. Kaya nang mag-summer vacation ay hindi pa kami nagkakachat ulit ni Adriel. Kumusta na kaya siya?

Ayaw kasing magpakabit ni Mommy dahil distraction lang daw iyon. May library naman daw kami rito sa bahay. Malaki naman iyon at puno ng libro. Iyon na lang daw ang pagkaabalahan ko.

I spent almost my everyday reading books, especially romance fiction books. Nagtahi rin ako ng mga tira-tira kong notebook para doon ko isulat ang review ko para sa mga libro na binasa.

Tuwing gabi naman, kasama ko ang mga kasambahay namin na adik na adik sa teleserye sa TV. Iyon ang laging gawain ko. Ah, pa-minsan, nagpapaturo akong magluto.

Hindi ako makadayo sa computer shop kasi wala naman akong idadahilan dahil bakasyon. Isa pa, wala akong pera.

Pero may cellphone na ako! Keypad phone iyon na text at tawag lang ang pwede. Naka-line iyon kaya hindi ko na iisipin ang load. Makikita nga lang ni Mommy kung sino ang mga tinatawagan ko.

Wala ring kwenta na may cellphone. Ang sabi sa akin ni Adriel ay wala siyang cellphone. Kaya hindi ko pa rin siya makakausap.

Hindi rin ako pwedeng lumabas sa bahay. Kapag wala si Mommy o Daddy, bawal. Lagi naman silang wala.

Buti na lang, pwedeng bumisita si Gab. Isa ito sa mga araw na bibisita siya. Lagi naman iyong pupunta rito kapag makikikain ng desserts. Bihira lang kasi magluto si Tita Mylene ng ganon.

May natatanging metal bench sa garden namin na kasya ang dalawang tao. Nags-swing din ito pero mabagal lang. Inaabangan ko ngayon si Gab. Sabi niya pupunta siya pagkatapos ng tanghalian para sa amin siya kakain ng dessert. Nagpahanda ako ng strawberry cake.

Masaya maupo rito kapag hindi na masyadong mainit pero sobrang init pa ngayon, 12:30 pm pa lang. Sobrang naiinip na kasi ako sa loob.

Matayog ang sementong bakod namin kaya wala kang ibang makikita kundi halaman at puno. Kapag nandito ako, lagi akong nakatingala. Tinatanaw ang puno at ang asul na kalangitan. Nakataas ang paa ko at nakapatong sa upuan habang nags-swing ito.

We're too young to be an adult but we're too old to play as a kid. Nandoon ako sa puntong iyon. At 13 years old, what do I need to do? I used to take piano lessons. Ipagpatuloy ko kaya? Tuwing first day of school, tinatanong kung ano ang pangarap naming maging. Ang iba nurse, ang teacher, ang iba model o flight attendant...ako? Ano ang pangarap ko? I always tell people that I want to be a doctor. I never meant it though. Gusto ko lang na isipin nila na hindi ako iba sa kanila...na may pangarap din ako gaya nila.

When I first visited my mom's workplace, I realized I don't want to be a doctor. There's just this gloomy, sad feeling that I felt when I was there. I don't think I can handle it.

"Lily! Tara na sa loob, strawberry cake," sigaw ni Gab, pagkapasok na pagkapasok niya palang sa gate namin. Iniwan ko iyong hindi nakalock kasi nag-cacarwash naman ang mga driver namin at nasa labas naman ako.

Mabilis akong tumayo at tinakbo ang papasok sa bahay namin. Simple lang ang itsura ng bahay namin na halos makabisado ko na nga dahil halos magdadalawang buwan na ako na nasa bahay lang.

Pagpasok mo sa pinto ay ang tanggapan at bulwagan. Mula sa pinto, sa kaliwang dulo ang papasok sa kitchen namin. Sa kaliwang banda ang grand staircase namin at nakapwesto iyon sa gitna. Itsura nito ay yung parang makikita mo sa mga Disney movies na makipot sa taas tapos lalawak hanggang pababa. Tuwing bumababa ako pakiramdam ko prinsesa ako. Sa gilid at pagitan ng hagdan at entrance sa kitchen ay may maliit na water fountain at mga halaman.

Sa ibaba ng hagdan namin ay malawak na bulwagan lang. Walang kahit ano. Minsan kapag sobrang daming bisita ay nilalagyan iyon ng lamesa at upuan.

Sa kanang bahagi ng first floor namin ang living room. Simple lang din iyon. Pang tatluhang sofa at dalawang pang-isahan na sofa, at coffee table. May mga painting na nakasabit sa pader at sa pagitan ng mga ito ang malaking bintana namin na abot hanggang second floor ang taas. Sa gilid sa kanan ay grand piano. Diyan ako nagpa-piano lessons noon. At syempre may chandelier doon. Mataas ang ceiling namin at kung titingala ka ay matatanaw mo na ang second floor.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon