13

25 1 0
                                    

Kabanata 13

That week, SEHS texted Mommy that they will be posting the class section in front of the school.

Not everyone is online like me so this is a good move. Wala pa naman akong kilalang magiging kaklase ko. Hindi naman close sa ibang classmates at hindi rin naman ako nakapag-online buong summer kaya hindi ko natanong ang ilang ka-close. Dana and Zoe are going to different schools. Ever since summer vacation started, I haven't talked to them since.

Hindi rin ako masasamahan ni Mommy dahil pupunta siyang branch hospital ng St. Colette sa Cebu. Kaya nagpaalam ako na isasama ko si Gab. Ayoko na kasing magpasama sa katulong namin, malaki na ako.

Nung nakaraan, sumama rin ako sa kanila ni Tita Mylene sa Sta Lucia Mall sa Cainta para mamili ng gamit sa National Bookstore. Mommy gave me enough money for it. Ang gaganda ng notebooks na nabili ko.

Ngayon na lang ulit ako makakabisita kina Gab. Modern looking ang house nila na kulay puti ang pintura at may accent na black. Katulad namin marami rin silang puno at halaman. Corner lot din ang sa kanila pero nasa gilid na street ang gate nila kaya lumiko pa ako.

Tatlong palapag ang bahay nila at ang pinakagusto kong parte ng bahay nila ay ang rooftop. Doon sila nagpaparty. Nakanood na rin ako ng fireworks doon, isang beses. Sobrang ganda! Kitang-kita mo talaga.

Papalabas ang kotse nilang itim nang maabutan ko. Nagbaba ng salamin iyon at nakita ko ang Papa niya.

"Pasok ka. Kumakain pa si Gab. Nag-almusal ka na rin ba?"

Ngumiti lang ako at tumango. Kahit lagi nila akong iniimbita tuwing may okasyon, nahihiya pa rin ako.

Pagpasok ko ay ang malawak lang nilang living room ang tanaw at ang hagdan sa gilid. Hindi kasing lawak ng hagdan namin, sakto lang ang kanila. Maliit lang ang tanggapan nila, diretso living room na agad.

Maganda ang bahay nila. Dalawang puting mahabang sofa na nakaporma na pa letter L sa sala nila. Nagmistulang itong division ng tanggapan at living room nila. Sa pader sa unahan na may wooden accent ay naka-wall mount ang 60-inch TV. May maliit na chandelier sa kisame at baba nito ang coffee table. Sa kanang gilid ay sakop ng glass walls at tanaw ang lawak ng kanilang hardin sa likod bahay.

Hindi ganoon kalaki katulad sa amin pero tamang tama lang iyon. Nilampasan ko iyon at dumaan sa gilid para makapasok sa dining room nila.

Their dining room and living room's division is a glass wall. Ang tatlong sulok ng dining room nila ay pader. Isang mistulang pintuan lamang, isang pintuan papabalas sa garden kung saan may grill, at isang pintuan papasok sa dining room. Pumasok ako roon. The only concrete wall there is the division going to the kitchen.

Lumabas si Tita Mylene sa kitchen at malapad ang ngiti nang makita ako sa bukana. Nag-angat din ng tingin si Gab pero saglit lang iyon at bumalik din agad sa pagkain.

"Kain," alok ni Tita Mylene.

I smiled brightly, "Tapos na po."

Ilang segundo niya pa akong pinagmasdan at saka sinabing, "Dalaga na talaga. Marami ka sigurong manliligaw?"

I smiled again. "Hindi po."

She hugged my waist and whispered something, "Nanliligaw ba si Gab?"

Paulit-paulit akong umiling at nahihiyang ngumiti. "Hindi po!" Agap ko. Kadiri naman yon.

Ngumiti siya at naglakad na pabalik sa kitchen. Hinintay ko muna siya makapasok bago tumabi kay Gab. Agad kong dinampot ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa.

"Ang ganda ng cellphone mo. Bago ito?"

"Obvious ba?"

Pinailaw ko ito sa pagpindot sa button sa gilid. Manghang-mangha ako at pinindot ko ang screen non. Wala kasing keypad. "Touchscreen! Ang galing at ang ganda. Ano password?"

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon