Kabanata 14
Buti na lang kaklase ko si Charlie! Hay. Nabawasan ng kaunti ang kaba ko sa first day of school nang nakita ko siya sa loob ng classroom.
Nilapitan ko agad siya at binati. Naupo kami sa gitnang banda. Parang wala namang gustong umupo sa harap kung bibigyan ng choice. Nakakapressure kaya.
Pang-hapon kami. Ang oras ng pasok namin ay 12:30 ng tanghali hanggang alas-sais ng gabi.
Samantalang si Gab, alas sais ng umaga ang pasok hanggang alas kwatro ng hapon. Kawawang nilalang.
Ang ayoko sa first day ay iyong introduce yourself. Pupunta pa kasi sa harap at magpapakilala. You're in the spotlight. Everyone's eyes on you and all ears as well. I hate that feeling. Sumasabog ang puso ko sa kaba.
Nagsimula magtawag sa harap ang adviser namin. Buti na lang sa gitna kami naupo ni Charlie.
Bukod sa sinusubukan kong isaulo ang pangalan ng mga kaklase, inaalala ko rin ang pare-parehong sagot nila sa hobbies at parent's occupation.
I will lie. I don't want to stand-out. Ayokong magsabi ng kakaiba. Kung noong elementary, hindi ko nagawang magsinungaling simula Grade 1 hanggang Grade 6 tungkol sa trabaho ng mga magulang ko dahil hindi ko naman naisip na big deal iyon nung grade 1. Kung magsasabi ako ng iba nung Grade 6, masyadong halata iyon dahil ang mga kaklase ko nung Grade 1, kaklase ko rin nung Grade 6. Hindi naman ako nalipat ng section.
Sa hobbies, pinaka-common ang watching TV at reading books. Hmm, hindi ko na kailangang magsinungaling dahil ginagawa ko naman iyon. Ayos.
Sa parent's occupation, wala akong naririnig na katulad ng sa parents ko. Ang pinakamarami ay housewife at accountant o engineer naman ang trabaho ng tatay nila. Mukhang mahihirapan ako. Nang may narinig ako na government employee ang mommy niya. Iyon na lang ang napagdesisyunan kong sabihin. Malapit iyon sa trabaho ni Daddy.
Housewife si Mommy, Government Employee naman si Daddy. Hindi na malayo iyon at kalahating totoo naman. At least, they won't be shocked. Ayoko na makita ang reaksyon ng mga tao sa pagiging Mayor ni Daddy.
Nairaos ko rin ang first day. Salamat naman.
Kahit na hanggang alas kwatro lang si Gab ay hihintayin niya ang uwian ko. Malapit lang naman ang school nila sa amin. Lakad lang at halos magkabilang street lang. Mas malapit lang sila sa munisipyo. Kami, katapat namin ang palengke.
Labag sa loob niyan na hintayin ako pero inutusan siya ng Mommy niya dahil delikado raw kung mag-isa lang akong uuwi sa gabi.
Habang nakapila kami sa quadrangle para makalabas nang gate, tinatanaw ko kung makikita ko si Adriel. Hindi ko pa nga alam ang room niya e. Hindi ko pa kasi siya nakakachat. Hay.
Gabi na ang uwian namin kaya hindi na ako makakadayo sa computer shop. Kaya inaabangan ko na mag-weekends agad. May baon na ako! Kaya makaka-online na ulit ako.
Madaming tao, sobra. Talagang nagba-baka sakali lang talaga ako. Hindi ko siya nakita. Nakahawak sa braso ko si Charlie at sabay kaming lumabas na dalawa.
Sa may unang puno malapit sa gate namin napagpasyahan ni Gab na doon niya ako hihintayin. Magkasama pa rin kami ni Charlie dahil hinahanap niya pa rin ang Mommy niya na susundo sa kanya. Mas nauna kong nahanap si Gab.
Kumaway si Charlie kay Gab. "Hinihintay mo si Lily?" Ngumisi siya matapos, "Kayo na ba? Yieee!"
Sumimangot ako at agad sumagot, "Hindi ko yan boyfriend!"
Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? Lagi ngang iniisip ng ibang tao na kami kahit nga si Tita Mylene. Hay naku.
"Asa, Charlie. Ang panget panget ni Lily."
"Weh? Totoo ba o baka dinedeny lang?"
"Totoo. Magkapitbahay lang kami. Sabay kami umuwi para tipid sa pamasahe."
"Oh, okay. Sa bagay, kinukwento ka pa rin naman ni Adriel."
"Anong sabi niya?"
"Hindi ka pa raw pwede magboyfriend pero hihintayin ka niya, yieee!"
Matapos ang gabing iyon. Napagkasunduan namin ni Gab na sa may ice cream house na lang kami magkikita. Ayoko naman na laging pagkakamalang boyfriend ko siya. Mamaya makarating kay Adriel. Ayoko naman isipin niya na nagpapahintay ako tapos may boyfriend na pala ako.
Sa unang linggo namin sa school, uso maghingian ng cellphone number. Nagkaroon na rin kami ng seating arrangement. Nagkaroon na rin ako ng ibang kaibigan maliban kay Charlie!
Hiningi ko ang number ni Andrea nung naayos na ang seating arrangement at nasa harap ko. Naging magkatextmate kami at doon ko nga rin nalaman na uso pala ang callsign. Iyong tawagan niyo ng katext mo. Ang callsign namin ay Beshie! Ang saya. Gustong gusto ko siyang kaibigan. Pinag-uusapan namin ay lovelife namin pareho. Nakuwento ko na rin sa kanya si Adriel at nakwento niya na rin ang sa kanya.
Excited na excited na akong mag-weekends. Umaga palang inaya ko na si Gab na magcomputer shop. Nagpunta ako sa kanila. Late nga siya nagising alas diyes na kaya pinanuod ko muna siyang mag-almusal. At nakipag-kwentuhan tungkol sa bago niyang school.
"Nandoon nga si Echo e."
"Oh? Edi magkaklase kayo?"
"Hindi."
"Syempre. Bobo ka kung itatapat ka sa kanya. Pag tayo ang magkatapat saka ka lang tatalino."
Nanlaki ang mata niya at nanlisik ang mata matapos ang sinabi ko. Ngumisi ako ng malaki. Ibig-sabihin ay maganda ang pinang-asar ko sa kanya. Muntik na siya mapikon e.
"May crush ako, si Victoria. Gusto ko siyang ligawan."
Inirapan ko siya. "Ang bilis naman non masyado. 1 week pa lang."
"Sobrang ganda niya, gagi. Kung makita mo lang. Sayang di pa kami friend sa FB. Kapag nag-add add na kami, pakita ko sa'yo."
Finally, when he finished eating. We went to the computer shop. I actually finished my assignment last night. Gusto ko pa kasi makipagtext kay Beshie pero wala na akong ginagawa baka antukin ako. Kaya ginawa ko na lang assignment ko.
Agad akong nag-log in ng Facebook.
Ian Adriel Santos: May cellphone na ako!

BINABASA MO ANG
lilies.
أدب المراهقينCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...