Kabanata 6
Ngayong Biyernes, excited na excited na akong mag-uwian. Gusto ko na makita kung nagchat ba si Adriel kahapon. Kada may dadaan na estudyante sa corridor namin ay napapalingon ako. Inaabangan na baka si Adriel iyon.
Last subject na namin na Filipino nang napalingon ulit ako dahil akala si Adriel. Hindi pala. Nagtagpo pa ang mga mata namin ni Brent! Nakatingin din kasi siya sa akin. Tila alam na alam kung saan ako nakaupo.
Nanlaki ang mata niya nang napansin na nakatingin ako. Agad naman akong yumuko. I don't want to give unnecessary signals. I don't like people to think that I like them even when I don't.
"Bumili ka kasi ng sarili mong relo," Inis na sabi ni Gab nang kinuha ko ulit ang pulso niya para tingnan ang oras sa relo niya.
10 minutes na lang, uwian na.
"Magsimula ka na magligpit, malapit na mag-uwian," mungkahi ko habang inaayos na ang mga ballpen ko sa loob ng pencil case ko.
Nilagay ko rin ang ilang librong ginamit sa bag ko. Nagbibilang na rin ako ng pamasahe at inabot yon kay Gab.
Ang dami ko nang nagawa pero parang sobrang tagal naman ng sampung minuto. I slowly tapped my fingers on my desk while waiting for the time to pass.
Nang marinig ko na ang bell ay agad kong sinuot ang bag ko sa likod. Nilingon ko ang kasabay kong umuwi pero hindi pa niya naaayos ang mga gamit niya.
"Natatae ka ba?" bulong niya.
Hinayaan ko siyang paniwalaan na natatae nga ako para bilisan niya. Siya lang naman yan. Hindi ko naman kailangan pagandahin ang image ko sa kanya. Isa pa, mas balahura siya sa akin.
"Samahan kita sa computer shop, lunch lang ako," paalam niya nang nasa tapat na kami ng gate.
"Huwag na."
"Nangako ako kahapon," simple niya lang sinabi, "Sige na tumae ka na."
Ala-una ako nag-online nung Miyerkules. Nakahanda na ang tanghalian pag-uwi ko pa lang. Binati ako ng kasambahay at nagulat ako na nasa hapag si Mommy. She sipped on her juice and she smiled at me.
"Sit, sabay na tayong kumain," mahinahon niyang sabi.
I really admired how fluid and elegant she looks whenever she moves. Her posture and the way she flick her fingers look so expensive like we're from some really rich families from the dramas I watched.
Hindi naman kami ganoon kayaman. We're comfortable, I would say. Middle class.
"Wala kang pasok, mommy?"
"Yes, kakauwi ko lang dahil may operation ako kagabi. Kaninang umaga lang natapos."
Inabot ng kasambahay namin ang bag ko at saka ako lumapit sa dining table para maupo sa kanan ni Mommy na nakaupo sa kabisera. Sa ganitong pagkakataon, hindi sumasabay ang mga katulong sa amin.
"How's school?"
Tanong niya kaya nagkwento ako ng ilang pangyayari sa school at ang performance ko sa academics ngayong grading.
"No boyfriend?"
Namula ako at nataranta, "Wala, mommy!"
"Is Gab courting you? Lagi kayong magkasama. Hinahatid at sinusundo ka pa niya."
Halos maduwal ako roon, "Ew, Mommy, no po. We're only friends."
"Any other suitors?"
Naisip ko si Adriel. Hindi pa naman siya manliligaw. Pero...alam ko naman na maaaring doon papunta iyon. Kaya hindi ako makasagot.

BINABASA MO ANG
lilies.
Novela JuvenilCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...