Kabanata 5
Hindi ko naabutan sa corridors si Gab. Ang bilis naman niyang maglakad. Humawak ako sa railings at hinanap siya. Inaabangan ko siya lumabas sa banda ng building kung nasaan ang hagdan.
"Lily, bye! Susunduin ako ni Mama," Paalam ni Dana, magkahawak kamay sila ni Zoe.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Zoe, "Sabay na tayong bumaba."
Natanaw ko si Gab na naglalakad na palapit sa bench sa dulo ng quadrangle na medyo malapit sa gate. Nilingon ko sina Dana at humawak sa kamay ni Zoe.
"Tara pero hindi pa ako uuwi. Si Gab kasi maglalaro ng volleyball, eh diba sabay kami umuuwi?"
"Baka madevelop ka kay Gab ha?" asar ni Dana, sabay tingin kay Zoe, "Tingnan mo si Zoe. Naging crush si Gab."
"Nung Grade 3 lang yon. Syempre kasi transferee ako."
"Ano ka ba? Kaklase ko na yan simula Grade 1, nakakaumay na. May bago akong crush!"
They both giggled. "Talaga? Sino?!"
Kinuwento ko sa kanila nung una kong napansin ulit si Adriel, sinabi ko rin sa kanila na crush ko siya nung Kinder. At pati ang chat niya kahapon.
Para kaming mga ewan na tawa ng tawa habang pababa ng hagdan.
"Kaya siguro akala nila, crush mo si Elias. Lagi ka kasing nakaw tingin kay Adriel, eh diba lagi silang magkasama!" conclusion ni Zoe.
"Bakit ka kaya niya tinawag na babe?" Masyadong malakas ang boses ni Dana kaya agad kong tinakpan ang bibig.
"Baka may makarinig," Mahina kong sinabi.
Nang maihatid ko na sila sa gate ay agad kaming nagpaalam sa isa't isa.
"Papaalam ako kay Mama na babalik sa school, dyan lang naman bahay namin sa daang bakal," sabi ni Zoe, "Kapag hindi ako nakabalik, ibig sabihin di ako pinayagan."
"Sige! Ingat kayo. See you tomorrow."
Naglakad ako pabalik sa quadrangle na. Nakakatamad na gumilid sa mga puno. Nakaupo si Gab, kasama si Jerome, at ilan pang kaklase naming lalaki.
Nasa gitna pa ang pole at net pero hindi pa nakaayos.
"Hindi ka pa uuwi, Lily? Manunuod ka?" tanong ni Dylan. Tahimik lang akong tumango.
Tinititigan ko si Gab na umaarte na hindi ako nakikita. May kung anong kinukuha sa bag kunwari.
Nang makalapit na ako sa tapat niya. "Ang arte mo," Mahina kong sinabi sa kanya.
Nakakahiyang marinig ng mga kaklase namin ang away namin.
"Tara, ayusin na natin ang court habang wala pa ang section 3," sabay tayo ni Gab at punta sa gitna kung nasaan ang pole at net. Leaving me there, standing.
Nangisi si Jerome. "Away kayo no?"
Kahit na hindi naman na ako crush ni Jerome. Medyo ilang pa rin ako makipag-usap sa kanya. Sumasagot naman ako kapag tinatanong.
"Ewan ko dyan. Sabi ko lang, uuwi na ako. Ang drama!"
"Hindi ka na raw niya sasabayang umuwi habambuhay."
"Ang drama!"
Tumawa lang si Jerome at napailing, "Nag-lunch ka na?" tanong niya, "Meron ako ritong baon. Pwede tayo maghati."
Nakakahiya naman. Ayoko. "Hindi na. Bibili na lang ako sa canteen, maya maya. Kain ka na dyan." Kahit wala naman akong balak bumili dahil kulang na ang pera ko.
"Oh sige, upo ka na lang. Mangangawit ka dyan," Tinapik niya ang pwesto na inalisan ni Gab.
Tama naman siya. Kaya sumunod ako. May distansya naman kami. Hindi kami magkatabi talaga.
Lumapit si Dylan sa amin. Kanina pa siya daldal ng daldal sa iba pa nilang kaibigan. Nagpunta pa siya rito para kausapin kami. Hindi ba siya napapagod? "Kalaban namin yung Section 3, kasama yata yung may crush sa'yo."
"Ah...ganon ba," Tipid kong sagot. Hindi ko na alam ang sasabihin. Ayoko na pahabain ang kwentuhan. Naiilang ako.
Silang dalawa na lang ni Jerome ang nag-usap habang tahimik naman akong pinapakinggan sila.
Tumayo ako ng hindi nagpapaalam at lumapit kay Gab na mag-isang nag-aayos ng net.
Pinalo ko ang balikat niya. Sinamaan niya ako ng tingin at sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Hinihintay na nga kita. Tampo ka pa rin?" Iritado kong tanong at hindi ko naman kailangan ng sagot, "Gutom na ako! Kung sinabi mo kahapon sa akin na paghihintayin mo ko, edi sana nagpabaon ako ng lunch kay Yaya Sita."
"Nakalimutan ko ngang sabihin!"
At sinigawan pa ako. Siguro kaya siya pa ang mas galit sa akin dahil hindi niya sineseryoso ang inis ko dahil mahina ang boses ko. Siya kasi ang lakas lakas ng boses.
I stomped my feet once to show that I'm angry. Nakakainis kasi siya. "Eh kasalanan mo naman pala. Kung sinabi mo kahapon, edi sana nakapagpaalam ako kung pwede ba magcomputer sa labas ng school habang naghihintay sa'yo. Ngayon, hindi na ako makakapagpaalam dahil wala naman akong cellphone pantext. Wala rin may dalang cellphone. Tapos ikaw pa may ganang magalit dyan?"
Mahina pa rin ang pagkakasabi ko at siguro walang makakapansin na nag-aaway kami kasi hindi naman ako palasigaw.
Tiningnan niya ang paa na pinadyak ko. Ang salubong na kilay niya ay unti-unting naghiwalay. Humagalpak agad siya sa tawa.
"Mukha kang tanga, Lily," sinasabi niya habang tumatawa, "Hindi ko maseryoso galit mo. Tara na, lilibre kitang lunch sa canteen."
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...