45

17 2 0
                                    

Kabanata 45

I'm back inside our classroom when I was in Grade 6. Most of my classmates are inside. There's no class proper. Nakaikot ang ilang upuan at may kani-kanilang grupo ang mga kaklase ko.

Tinawag ako ni Charlie para makisama sa kanila. Nasa bilog ay kasama nila si Adriel. Panay ang nakaw tingin ko sa kanya. Mayroong pakiramdam sa akin na masaya at naninibago na parang ngayon ko lang siya ulit nakita.

Abala silang nag-uusap habang paparating ako. Tinuro ni Charlie ang bakanteng upuan na nasa tabi ni Adriel. Umakyat ang kaba sa puso ngunit hindi ko rin maalis ang pagkasabik doon. It's like I've been longing to see him.

Naupo ako sa tabi niya. Walang reaksyon ang mga kaklase ko na para bang normal lang iyon.

"Baka matunaw na ako nyan," Adriel said jokingly. Inurong niya ang kahoy na upuan para lumapit sa akin.

"Hindi ka naman matutunaw," I answered comfortably. No one is even trying to tease us. I felt an extra spike of confidence there.

Tinitigan niya ang mata ko habang nakangisi, "May dumi ba ako sa mukha?"

Tumawa ako, "Wala naman. Kapag ba nakatingin, ibig sabihin ay may dumi sa mukha. Edi may dumi ako sa mukha dahil nakatitig ka?"

"Wala namang dumi, sobrang ganda mo lang kaya hindi ko maalis ang titig."

"Bola!" agad kong tugon. Niloloko na naman niya ako, "Bakit ka pala nandito sa classroom namin?" tanong ko.

"Pinuntahan kita. Gusto kitang makita."

Ang pagtitig ko sa kanyang mga mata ay nagpapabilis na agad ng aking puso. Hindi ko maintindihan. Kahit na hindi kami naghahawak kamay o di kaya'y nagkakadikit ay sobrang kaba na agad iyon. My emotions and adoration for him are overflowing.

He grinned. Sinuklay ang kamay sa buhok. Napansin ko ang ngisi ni Charlie sa amin ngunit hindi naman kami inaasar o kung ano.

I am thinking of holding his hand and never want to let go. Pakiramdam ko ay unang beses ko pa lang siyang makita ng ganitong kalapit.

"At saka may sasabihin din ako..."

May kinukuha siya mula sa bag niya. Hindi ko makita iyon pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin niya pero may hula ako.

I sighed. I slowly opened my eyes. Nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Matapos ay pumikit para subukang makatulog ulit para matuloy ang naudlot na panaginip. I remained like that for god knows how long but it never happened.

I am sure that he will confess in that dream... and I longed for it. Mabibigat ang paghinga at hindi maalis sa puso ko ang pinaramdam ng panaginip na iyon. Sa kada minutong tinagal kong gising ay ilang alaala mula sa panaginip na iyon ay nakalimutan ko na. Ang tanging naaalala ko ay ang pinadama sa akin non at si Adriel.

I am starting to revisit the part of my heart that I long abandoned. A part of my heart that only beats for him. Kinuha ko ang cellphone sa bedside table. I opened Facebook and search for his name. I checked his profile. He doesn't usually post. Sinearch ko ang pangalan niya at tiningnan ang mga naka-tag sa kanya.

Naka-tag siya sa mga inupload na pictures ng mommy niya. Umuwi na pala ang Daddy niya mula sa HongKong. Siguro para sa Pasko at Bagong Taon lang.

Kaunti lang ang nahanap ko sa Facebook kaya nagpunta ako sa Twitter. I stalked his profile and some of his friends. There's something particular that I am finding and with a few taps, I found it. May girlfriend siya ngayon. Nahanap ko ang profile nito sa Twitter.

My heart sank. Binitiwan ko ang cellphone ko at sinubsob ang mukha sa unan. Ano bang gusto kong malaman?

Sa kaloob-looban ko? I was hoping that he still waits for me even after all these years, he chooses to stay loyal because he loves me so much. Ganoon. Maybe, I hoped because that way, it will be easier to attempt to come back to his life. That way, we'll be together.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon