18

20 2 0
                                    

Kabanata 18

Hindi ko alam kung saan pupunta. Ito ang unang beses kong maglayas. I never disobey my mother. Kaya natatakot ako ngayon. Iniisip na mapapagalitan ako.

Nagawa ko na. Nandito na, kaya itutuloy ko na. Madali nila akong mahahanap kung nandito lang ako sa loob ng Parkland kaya lumabas ako.

Sinakyan ko ang unang jeep na dumaan sa labas ng Parkland. Marikina Tulay. Sa totoo lang, wala akong maisip na pupuntahan. Gabi na at nakakatakot na rin pero ayoko pang umuwi.

Hindi naman ako nakakagala. Sa ilog na lang kaya ako magpunta? Doon kami lagi mag-groupings. Sa may Chinese temple at sa white temple. Nang bumaba na sa Marikina Riverpark ang jeep ay bumaba na ako.

May mga tao na dahil "ber" months na at may tiangge-an na rito sa may ilog. Isang mahabang linya iyon na mga bilihan ng damit, laruan, at pagkain. Sa kabilang parte ng ilog ay ang perya at mga rides. Tatawid ka pa doon sa gawa-gawang tulay na bakal para makarating sa kabila.

Medyo naimbsan ang takot ko dahil maraming tao at mailaw dito. Naglalakad ako sa kahabaan ng tiangge pero hindi naman ako tumitingin sa mga binebenta. Tatawid ako sa kabila. Sa may white temple kasi ay may mga bench doon. Doon muna ako mauupo.

Nakatingin lang ako sa kawalan at nag-iisip. Ang bigat ng nararamdaman ng puso ko. Hindi ko kailanman naramdaman na maging ganitong kalungkot sa buong buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin sa sari-saring emosyon na nararamdaman.

Should I set it aside? Dapat ba magpanggap ako na walang nararamdaman? I don't like uncomfortable feelings. Ayoko ng ganito. That's why I ran away. I will always run away.

Nilabas ko ang wallet ko. It's almost dinner. 50 pesos. Wala rin akong dalang cellphone. Iniwan ko kanina dahil hindi ko naman kailangan iyon sa computer shop at iniisip na uuwi rin naman ako agad.

Tumayo na ako at naglakad-lakad na ulit. Medyo mahabang lakaran iyon at nakarating pa nga ako sa school ko noong elementary. Tumawid ako sa madalas na abangan namin noon ni Gab kapag sasakay ng jeep pauwi. Tumawid ulit ako para dumiretso sa stoplight. Napadpad ako sa ice cream house.

Saktong pagdating ko roon ay natanaw ko si Gab na hinihingal at pawis na pawis. Nililibot ang mata sa mga tao na nasa loob ng ice cream house. Kumunot ang noo niya nang may hindi mahanap. Nagmamadali siyang bumaba at napatigil siya nang magtagpo ang mata namin.

He paused. Ganoon din ako. For some reason, I felt relieved to see him. Ang pinipigilang emosyon ay parang unti-unti kong hinayaan. Ayokong kumurap dahil pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon ay tutulo na ang luha ko.

I smiled sadly at him. He stepped forward. Isang beses lang at parang nananatya pa siya.

Even without blinking, my tears fell. Sabay nahulog iyon sa dalawang mata ko. Gab is stunned. I never cry. Hindi kailanman pero hindi ko na alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko.

I sobbed then I wailed. Agad siyang tumakbo sa akin para yakapin ako. Nilagay niya ang ulo ko sa kanyang dibdib at hinahaplos niya ang aking buhok.

I continued to cry. He didn't ask question. Halos hindi na nga rin siya huminga. Hinayaan niya lang akong ganoon.

Nang matapos akong umiyak ay hinawakan niya ang kamay ko at hinatak sa loob ng ice cream house. Pinaupo niya ako roon at bumili siya ng ice cream. Nilapag niya sa tapat ko iyon. Binuksan niya ang kanya at nagsimulang kumain.

Tahimik pa rin kami. Hindi pa rin niya ako tinatanong.

"Ayoko pang umuwi," pauna ko dahil baka ayain niya ako.

"Sa bahay ka na matulog, sabihan ko si Mama."

"Okay."

"Saan ka nagpunta bukod dito? Kumain ka na ba?"

Umiling lang ako. Unti-unti na akong nakaramdam nang hiya dahil nakita niya akong umiyak. It's not cool.

Tumawid kami sa kabilang banda ng stoplight papunta sa pwesto ng mga nagbebenta ng pirated DVD. Akala ko ay pupunta kami sa kwek-kwekan pero nang dumiretso kami sa direksyon papunta sa Sta. Elena High School baka sa Jollibee niya gusto kumain.

Tahimik lang kaming kumain ng hapunan. Nagtric kami pauwi at sa tapat ng bahay nila kami nagpababa. Libre niya lahat iyon.

Hindi na kami sinalubong ng Mama at Papa ni Gab. Patay na rin ang ilaw sa ibaba at tanging ilaw na lang sa hagdan ang bukas. Kung sa bagay, malalim na rin ang gabi. Halos alas dyes na.

Umakyat kami sa 2nd floor kung nasaan ang kwarto ni Gab. Pinauna niya akong pumasok. Tinuro niya ang damit sa kama niya.

"Pumayag si Mama na dito ka sa kwarto ko matulog basta huwag tayong magsara ng pinto."

Hindi naman na iba sa akin si Gab. Lagi kaming nakakatulog sa living room sa bahay. Madalas pa nga siyang sa amin na nag-aagahan. Pero sa isip nila Tita ay babae at lalaki pa rin kami.

"Magpalit ka ng pajama sa CR tapos akyat tayo sa rooftop."

"Pwede naman ako sa ibang kwarto, Gab. Okaya sa living room."

"Ayoko, wala naman kaming katulong tulad niyo. Walang magbabantay sa'yo. Mamaya lumayas ka na naman."

"Hindi na ako lalayas, isa pa, wala na akong pera."

"Bilisan mo magpalit ka na, ako ang sunod."

Sinunod ko ang sinabi niya. Kulay dark blue na pajama iyon. Sobrang malaki iyon sa akin dahil mukhang kay Gab iyon. Hinanda siguro ni Tita Mylene nang tumawag si Gab kanina.

"Mukha kang supot," asar niya nang makita ako.

Kinunot ko lang ang noo ko. Nakapagpalit na rin siya ng pajama. "Akala ko ba sa CR ka rin magpapalit?"

"Pakatagal mo e. Tara, kumuha muna tayo pagkain sa baba."

Ang rooftop ang pinakapaborito kong parte ng bahay nila. Kung may gusto akong ipadagdag sa bahay namin, ito yon. May separate hall kami sa bahay para sa mga party, iyon ang equivalent ng rooftop na ito sa bahay. Mas gusto ko ito, nakikita ko ang langit.

Ang langit ay maulap at itim. Wala man lang bituin sa langit. Tila ba nararamdaman nito ang lungkot ko.

May swing sila rito. Hindi katulad sa amin na purong bakal. Itong sa kanila gawa sa rattan na kulay light brown ang upuan at ang tanging bakal ay ang kinakabitan ng swing.

Magkatabi kaming naupo roon. Nakapatong ang chips sa lap ko habang naka-indian sit. Nakatingala ako sa langit habang kumakain.

"Paano mo nalaman na lumayas ako?"

"Dumaan si Tita Catherine, akala niya dito ka nagpunta."

"Ah," Naalala ko ulit ang nangyari sa bahay kanina. Nangingilid na naman ang luha ko. "Hindi ko alam ang sasabihin."

"You don't have to. Hindi kailangan. Basta huwag ka lang lalayas ng ganoon. Sabihan mo ako. Sasamahan kita."

Nilingon ko siya. "Thank you," Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at tumanaw ulit sa langit. Mahihiya ako kung makikita ko ang reaksyon niya. "Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi mo ko nakita."

"Naisip ko rin nga, wala ka pa namang pera. Ang liit liit ng baon mo e," He teased.

"Oo nga e, 50 pesos na lang ang natira sa baon ko."

Natahimik ulit kami at tanging tunog na lang ng nguya namin ang rinig at tunog ng iilan na kuliglig.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit naiisip ko na baka gumaan ang kalooban ko kung sasabihin ko kay Gab ang problema ko.

"Promise mo sa akin na hindi mo to sasabihin kahit kanino."

Nilahad niya ang pinky finger niya. I intertwined my pinky finger with his and sealed my thumb to his.

"Nalaman ko na kabit si Mommy," I swallowed hard before I continue, "Pumunta ang tunay na asawa ni Daddy sa bahay kanina."

And I was right. My problem is still there but some weight in my heart has been, somehow, lifted.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon