Kabanata 17
Isang buwan matapos ng first kiss niya, nakipagbreak sa kanya ang girlfriend niyang si Victoria. Nasa living room kami ng kinukwento niya iyon sa akin.
Nakaupo ako sa carpet at siya naman ay nakahiga sa sofa namin. Abala ako sa pakikipag-text kay Adriel at paggawa ng assignment.
“Ang pangit ko raw humalik,” halos pabulong iyon na kung nasa grand piano ako nakaupo, wala na akong maririnig.
Tinanong ko kasi bakit nakipagbreak sa kanya si Victoria.
Kinagat ko ang labi ko at humagalpak sa tawa. Ito na ang pagkakataon ko para asarin siya. Lagi niya ako inaasar sa embarrassing moment ko nung nagkita kami ni Adriel. Hindi ko palalampasin ito no.
“Yabang! Akala mo naman may first kiss ka na.”
Bumalik ako sa pagsagot sa workbook ko sa Filipino nang makalma galing sa pagtawa.
“Bata pa naman ako. Ikaw lang ang nagmamadali dyan.”
“Wala naman kayong internet! Keypad pa rin ang cellphone mo,” asar niya sa akin. Ganyan siya kapag asar talo na.
Ilaw ng ilaw ang cellphone pero hindi ko chinecheck dahil abala pa ako sa pakikipag-usap kay Gab. Maganda rin kasi tuwang tuwa akong asarin siya ngayon. At saka may problema rin siya kaya buong atensyon ko ang tinutuon ko sa kanya.
“Maganda nga ang cellphone mo, wala ka namang load lagi.”
“Maganda nga bahay niyo, hindi ka naman lagi online sa Facebook.”
Minsan sinisisi ko ang kawalan namin ng Internet kaya hindi ko masyado makausap si Adriel e. Lagi iyong online e. Sa text lang naman ako active. Minsan naman wala siyang load.
Nito lang, napag-usapan namin na laging magkita sa labas ng gate tuwing uwian pero hanggang hi hello pa rin kami. Sana kumportable kaming pareho sa isa't isa gaya ng mga kaibigan niya. Sana hindi ako nakakaramdam na parang halos sasabog ang puso ko kapag nandyan siya o magkausap kami. Sana makapal ang mukha ko at hindi nahihiya. O kaya siya ang hindi nahihiya at kinakausap niya ako. Bakit ba pareho kaming torpe?
Pareho kaming unang beses namin ang isa't isa. Kung sinagot ko siya, siya ang unang boyfriend ko at ako ang unang girlfriend niya.
Tuwing school hours at flag retreat o may ibang event, lagi akong nakatanaw sa gilid ng stage para sa kanya. Kahit na nasa third floor kami at medyo malayo iyon, pinipilit ko.
Tuwing uuwi kami ni Gab, nadadaanan ng tricycle ang bahay ni Adriel. Lagi ko iyong inaabangan. Pakiramdam ko kasi ang lapit namin sa isa't isa tuwing ganoon. At syempre, baka sakaling matanaw ko siya.
October na at malapit na mag-semestral break. Teacher's day nang magsimula hindi na magreply sa mga text ko si Adriel tuwing gabi. Hindi naman ako makakapagchat dahil gabi na ang uwi ko lagi. Hindi na ako makakadayo sa computer shop.
Nang mag-Sabado, chineck ko ang FB ko.
Ian Adriel Santos: Nasira ang cellphone ko :(
Ian Adriel Santos: Kumusta?
Ian Adriel Santos: Miss na kita!
Araw-araw ay may chat siya para sa akin.
Ian Adriel Santos: Ano ginawa mo today?
Ian Adriel Santos: Sana maibili akong cellphone ulit kaso parang malabo
Ian Adriel Santos: Nag-dota ako ngayong umaga baka sakaling makapag-online ka.
Ian Adriel Santos: Sana maabutan kitang online sa Sabado!
Biyernes ng gabi ang huling chat niya.

BINABASA MO ANG
lilies.
Fiksi RemajaCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...