Kabanata 12
Huling beses na iyon na pinapunta ako ni Mommy doon sa hospital ngayong bakasyon. Busy kasi siya at hindi naman niya ako nasasamahan sa hospital. Lagi siyang may patient kaya hindi niya rin ako maasikaso.
Isa itong araw na ito sa mga araw na kumpleto kami. Hindi namin nakakalimutan na sabay kumain kapag ganitong mga araw. I'm not close with both of my parents. Maybe because I don't really spend time with them but I still love them. I aspire to be like them in the future. Daddy's helping the poor as a politician and Mommy's helping the sick people. I wanted to be of help to someone too.
Our simple lunches and dinners make me so happy.
"Remember the boy you met at the hospital?" Mom started a conversation.
Hmm, sino nga ulit iyon? Nakalimutan ko na ang pangalan ng isang iyon.
"Yes, mommy," I lied, "Why?"
"I think he likes you. Lagi ka niyang tinatanong sa akin."
Alam ko na ang kasunod nito. Sermon. My mom strictly doesn't allow me to date so hearing that someone likes me is a threat to that rule.
"It's normal for people to like you but never like them back," panimula niya.
Nakikinig na rin si Daddy. Binaba niya ang tasa ng kape niya at tumingin kay Mommy matapos ay sa akin naman.
Yumuko ako.
"I don't want you to focus too much on love, crushes, and whatnots, Lily. Do you understand me?"
"It's okay to have crushes, Catherine. She's young. She should at least experience those things. It's normal," Daddy defended me. My face lit up as I looked at him. Thank you, Daddy. At least, I feel normal for having feelings.
"I want her to focus on her studies. Study and focus on your career in the future. Iyang mga lalaki, nandyan lang iyan. Pipila iyan sa'yo kapag successful ka na. Do you understand?"
"Yes, mommy."
"Don't ever get a boyfriend."
I just nodded and did not answer.
"Ayokong may marinig na nagkakagusto ka. Finish your study, build your career, then that's when you choose a boy to marry."
Malapit na akong mabaliw sa bahay. Sobrang naiinip na ako. Buti nalang, isang linggo na lang bago magpasukan. Yes! Ilang beses ko na tinawagan sa cellphone si Gab para pumunta na siya sa bahay.
Nang tumunog ang doorbell, agad akong tumakbo palabas para pagbuksan siya ng gate. Agad na akong nagsalita at may inabot na papel sa kanya.
"Hindi ba may wifi kayo?"
Alam ko na ang sagot doon pero kailangan ko lang ng introduction.
"Ano ngayon?
"Buksan mo ang fb ko tapos batiin mo ng happy birthday si Adriel. Sinulat ko na dyan sa papel ang sasabihin. Itype mo nalang."
"Wala pa rin kayong wifi? Eh computer? May luma kaming broadband."
Iyong broadband parang USB Flashdrive iyon. Nilalagyan mo ng simcard na may load na pang-internet at icoconnect mo sa PC o laptop mo para magka-internet ka.
Tinulak ko na siya palabas ng gate.
"Bilisan mo na. Umuwi ka na at mag-online. Chat at post sa wall niya ah."
"Pinapasweldo mo ba ako? Kung makautos, akala mo bayad ako," sarkastikong sagot niya. "Hindi mo man lang ako papakainin man lang. Palalayasin mo na agad ako?"
Kumunot ang noo ko. Ang drama naman nito!
"Sasabihin ko na kay Yaya Sita. Ano bang gusto mong kainin? Para pagbalik mo luto na."
Ngumiti siya ng pagkakalaki at hindi na galit. "Pizza yung maraming ham, bacon, at cheese tapos mayroon kaya kayong lasagna? Iyon din."
"Sige, ipapaluto ko na lang. Ubos na yata ang lasagna baka pwede pa ipaluto rin, tatanong ko. Isip ka nalang iba pag hindi pwede, text kita."
"Nice," Nakipag-apir pa siya sa akin.
"Uwi na!"
Tinanaw ko na siya palayo sa gate namin at pabalik sa bahay nila. Shet! Nakalimutan ko. "Gab!" Sigaw ko.
Lumingin naman siya. Rinig pa naman ako kasi tahimik naman sa Parkland at hindi pa naman siya nakakalayo. "Tanong mo rin saang school siya nakapasok! Kung SEHS ba."
Bumalik siya sa amin pagkatapos. Abang na abang ako kasi excited akong malaman kung anong sagot ni Adriel.
Ngiting-ngiti rin si Gab nang sinalubong ko. Kaya ngumiti rin ako. Pagkapasok niya sa pinto ay nilampasan niya lang ako!
Nagmamadali siyang tumakbo, diretso sa dulo papunta sa dining room.
"Naamoy ko na ang pizza! Ang bango," sigaw niya.
I was left dumbfounded. Ang isang to!
Tumakbo ako pasunod sa kanya. Sumasandok na siya nang nadatnan ko. My mom instructed me to keep my grace on the dining table. Never fight when eating.
"Anong reply ni Adriel?"
Hindi niya ako tinitingnan. Focus na focus siya sa kinuhang lasagna. Sumubo muna siya at napapapikit pa sa sarap.
"Sarap!"
"So?" I patiently asked, "Anong sabi ni Adriel?"
"Huh?" He asked confused, "Ang sabi mo, ichat ko lang. Hindi mo naman sinabi na dapat kong hintayin magreply."
"Ha? Chinat mo lang tapos nilog-out mo na ang account pagkatapos?"
"Oo, at syempre nagpunta na ako agad dito baka lumamig ang pagkain. Mahirapan sina Yaya Sita mag-init."
I look at him in disbelief. I can't believe him! I greeted Adriel "Happy Birthday" because, of course, it is his special day but also it's my way to reconnect.
Hay. Gab. Nanggigigil ako sa isip ko. Gusto ko siyang awayin.
I gestured "okay". I exhaled frustratingly.
"Yeah, continue eating your meal."
He just smiled excitedly and nodded. Napapikit na lang ako sa frustration. I miss Adriel.

BINABASA MO ANG
lilies.
أدب المراهقينCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...