Kabanata 27
G a b
I hate being an only child. I always liked to play when I was a child. When it is time to go home, I always cry. Wala akong kalaro sa bahay at wala ring kausap. My mom would sometimes play with me as a kid but it is never the same as playing with your friends.
When Lily became my classmate in Grade 1, we became neighbourhood friends too. In our subdivision, we don't communicate a lot with our neighbours. I am thankful that we're classmates, we became playmates too. I always visit her.
Being friends with her for 4 years now, I never see her as someone to like even when we reach the age that we feel attracted to our opposite gender.
Nang umalis si April, iyong maganda naming kaklase simula grade 1 hanggang grade 3, parang lahat ng lalaking may crush kay April ay naging crush si Lily.
"Crush mo si Lily?" tanong ni Jerome sa akin habang bumibili kami ng pizza sa canteen.
"Huh?" tanong ko.
Narinig ko iyon pero hindi ako makapaniwala talaga na may nagkakacrush kay Lily. Kadiri. Tuwing naglalaro kami sa bahay nila, nakikita ko pa kung paano niya binibilog ang kulangot niya.
Kumakain din siya ng nahulog na pagkain sa sahig kasi wala pa raw yung 5 minutes kaya malinis pa.
"Crush ko si Lily," pag-amin niya sa akin.
"Ano bang nagustuhan mo don?"
"Nakatabi ko siya nung 2nd grading, di ba? Ang bait, sobra, ang hinhin gumalaw at magsalita, at saka ang ganda niya kahit malapitan."
Mayroong isang beses sa recess na muntik pang mag-away si Jerome at Dylan dahil kay Lily. Kung bakit daw pinagkakalat ni Jerome na crush niya si Lily parang binabakudan niya raw ganon.
"Naiinis ako kay Lance at Landon, nanghahalik sa pisngi," Kwento niya sa akin habang papalakad kami sa Parkland Estates pauwi, "Nahihiya ako magsumbong at syempre ayoko naman silang mapagalitan. Kawawa, mamaya ipatawag pa ang parents nila at si Mommy."
"At ikaw hindi ka naaawa sa sarili mo? Kung ayaw mo pala at di ka tinitigilan dapat lang na isumbong," sabi ko sa kanya.
Lagot sa akin ang dalawang iyon bukas.
Lumabas si Lily para magrecess kasama si Dana at Zoe. Iyon ang hudyat ko para kumprontahin si Landon at Lance. Agad kong kinaltukan ang dalawa ng sabay. Nagreklamo sila pero agad nasindak sa akin.
"Hinahalikan niyo raw si Lily? Ang babastos niyo!" Pauna ko.
"Crush ko si Lily, Gab," sabi ni Landon.
"Kaya okay lang na bastusin niyo? Kayo, ayos lang ma-curious sa porn. Huwag niyong gawin sa kaklase natin ang napapanuod niyo."
"Grabe ka naman para halik lang sa pisngi!" depensa ni Lance.
Aamba akong susuntukin siya. "Ni hindi mo nga girlfriend si Lily para halikan mo sa pisngi. Hindi ka rin binibigyan ng permiso. Pwedeng-pwede kang isumbong ni Lily kay Ma'am pero naaawa siya na baka pagalitan ka. Babasagin ko ang mukha niyong dalawa kapag may narinig ako."
"Boyfriend ka ba ni Lily?" angal niya.
Kinuwelyohan ko siya kaya napatili ang iba naming kaklaseng babae.
"Kahit sinong babae, huwag niyong bastusin ng ganyan. Nagkataon lang na ginawa niyo kay Lily at kaibigan ko siya. Kahit magkaibigan tayo, Lance, kung bastos ka...ayoko na maging kaibigan ka."
Maganda siya sa paningin ng mga kaklase ko. Maputi ang kutis niya. Makapal ang abot balikat niyang itim na buhok. Nangungusap ang mga mata at mahaba ang pilik-mata. Inosente, mahinhin kumilos at magsalita, at sobrang bait. Iyon ang madalas kong naririnig na dahilan bakit siya gusto ng may gusto sa kanya. Para daw siyang anghel na bumaba sa lupa.
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...