26

22 2 1
                                    

Kabanata 26

Ilang segundo ang itinagal non. Nung una wala akong maramdaman na kung ano pero parang may kung ano sa tyan ko. Agad akong umatras at nararamdaman na nasusuka ako.

At totoong may lumabas na kaunti roon. Napaluhod pa ako sa sahig.

Nakakadiri! Nang nakita ni Gab ang ginawa ko ay napaduwal din siya kasi may kaunting suka roon.

"Kadiri ka, Lily!"

"Mas nakakadiri ang ginawa mo. Incest!"

"Panong incest yon? Hindi naman tayo magkaano-ano."

"Ganoon ang pakiramdam! Kaya ako nasuka. Nakakadiri."

"At least alam ko na, hindi kita gusto."

Kinikilabutan pa rin ako tuwing naalala ko ang ginawa namin sa library. Umuwi ngayon si Mommy at inaya si Gab na sa amin na siya mag-dinner. Pumayag naman siya. Sigurado naman kakain siya ulit sa kanila.

January na. Malapit na naman akong grumaduate. Parang kailan lang gagraduate pa lang ako ng elementary. Ngayon, magcocollege na ako.

Sabado ngayon, may dinner kami nina Mommy at Grandma sa Manila Pen, paborito talagang kumain dito ni Grandma.

Habang nagbibihis ako, tumunog ang cellphone ko.

It's an unknown number.

Unknown number:

Hi.

Me:

Sino to?

Kinatok na ako ni Yaya Sita kaya bumaba na ako. Nilagay ko ang cellphone sa bag ko.

That dinner, Grandma told me what she does for a living. Maria Elena Cheng-Acosta, my grandma, owns Costa Airlines, Costa Shipping Lines, and MECA Homes. My mom, on the other hand, has St. Colette Medical Center and all its branch hospitals and other subsidiaries under her.

Nalula ako sa sinasabi nila sa akin. Buong akala ko ay doctor lang si Mommy at nagtatrabaho lang siya sa hospital. Ang akala ko noon ay boss niya ang shareholder na nakilala namin sa VIP room ng St. Colette's. Hindi ko alam na pag-aari niya iyon...namin.

Nakikita ko lagi sa daan ang malaking tarpaulin ng MECA Homes tuwing may ginagawang condo. Kay Grandma iyon? Airline, Shipping, Construction, at Medical industry iyon. Magkakaiba iyon! Ang galing ni Grandma.

"I want you to manage our businesses when you're ready. Don't be like your mommy," Inirapan niya ang katabing si Mommy, "So stubborn. Ang sabi, mahihirapan siyang maging doctor kung siya ang magmamanage ng lahat. Ano pababayaan mo na lang talaga ang pinaghirapan ng grandfather mo? ng daddy mo?"

Nagtalo pa sila saglit ni Mommy. Mommy suggested getting legal advisers for the company. She can manage but not hands-on.

"Don't force, Lily, Mama. Kung may iba siyang gusto ay ayos lang."

"Then who will manage it when I'm gone?"

I took courage to speak, "Uh, My, I think I can do that. I don't have a career in mind yet. I would take business in college and see if I'll like it."

"See? I will be in-charge of her education from now on, Catherine. I will never forgive you for enrolling her in Public School."

"I don't want her to be matapobre like you, Mama."

"What?"

At nag-away na naman silang dalawa ni Mommy.

"She doesn't belong there! Nakita ko ang school niya. Ang init! Walang aircon," Reklamo ni Grandma, "Hindi mo man lang binilhan ng bagong laptop at cellphone si Lily, paano kapag sinabi ng mga tao na mahirap siya? She's not poor!"

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon